OMFG.
"As in seriously?" no. Hindi talaga pwede. Mahuhuli ako nito.
"Why Mr. Cruz? Sakop kasi ng scholarship mo ang free dorm. Saka kailangan talaga sa mga varsity yun dahil late kayo umuuwi" paliwanag niya pero hindi talaga pwede.
"Is there any problem with it?" that is a big problem. Ano ba?!
"Uhm nothing ma'am" bitter smile.
"Then, were settled. Here is the list of your class schedule and the university map. Proceed ka na lang sa locker room mo for your uniform. Just go straight and take a left turn."
"Thank you po" lumabas ako ng admission office at napagisipan kong libutin ang buong university.
"Woah. Ang astig!" Like I'm living on a dream. Hindi ko expected ang loob ng SLA. From high class facilities to complete sports amenities. Feeling ko nasa isang 5 star hotel and resort.
Napatitig naman ako sa isang glass cabinet na ang daming trophies and golds medals. Mula sa international competitions to local, first place sila. Ano bang klaseng mga studyante ang nagaaral dito.
Oh I forgot. This is the home of excellence.
"Andrei Montemayor" familiar sa akin yung pangalan na ito. Naalala ko na! Siya yung cover ng isang article sa magazine. So totoo nga? He got the looks.
For sure madami ng nakakandarapa dito. As expected, varsity player siya eh. Enough para isipin pa siya. Hindi siya ang priority ko dito.
"Aww nasaan na ba ako? Naliligaw na ata ako" hinahanap ko kasi yung locker room eh parang nawawala na ako ngayon.
"Ahh"
"Sorry" nabangga ko siya at napalingon naman ako sa kanya. Teka si ano to ah!
"Pwede ba tignan mo yung dinadaanan mo. Hindi uso ang tatanga tanga dito" he said with a cold tone and evil glare.
Shems ang scary niya.
Tumalikod siya at nagpatuloy sa paglalakad. Ang tindig niya habang naglalakad. Ewan ko parang na glued yung mata ko sa kanya. Mas gwapo siya sa personal. He looks like an angel with a pair of horns.
Nagtataka ko kayo kung sino ang nakita ko? Si Andrei Montemayor ang prince ng SLU. No doubt kung bakit siya heartthrob dito. Matangkad, gwapo kahit saang anggulo, perfect nose line, cherry kissable lips and a perfect body build up. Every girls dream na siguro. Madami na siguro napaiyak nito.
Sa wakas after asdfghjkl year nahanap ko na din yung locker room. Chineck ko muna kung may tao, alam na for safety reasons. Wala namang tao kaya dumirestso ako sa locker ko. Tumambad sa akin ang magandang uniform at jersey.
K.CRUZ
"For sure maiingit si Mimi sa nakikita ko ngayon. Ahihihi. Wow ang pogi namang tignan"
Sinukat ko yung uniform medyo maluwag. Mas okay yun para hindi halata.
"EXCITING TO!!"
"Shhhh! Can you please be quiet?!"
Oh nose may tao pala! I'm a dead meat for sure. Tumingin ako sa paligid pero wala namang tao. Kung walang tao, ibig sabihin may ghost dito. OMFG! Hindi naman horror ang genre ng story ko.
Nilibot ko yung buong locker room at nakita ko sa isang bench na mahaba ang isang lalaking nakahiga dun. Whew! I'm safe.
On the second thought, hindi ako safe. Baka narinig niya yung sinabi ko. OMFG times two!
"Sino ka at ano ang ginagawa mo dito?" seriously mga suplado ba mga tao dito? Wala man lang warm welcome.
Clear throat and tone down.
![](https://img.wattpad.com/cover/2285442-288-k212707.jpg)
BINABASA MO ANG
This Guy is Inlove with you PARE
RomanceAno ang gagawin mo kapag nalaman mong inlove ka din sa kapwa mo lalaki ? Pwede kaya magkaroon ng homosexual relationship lalo na kung isa ka sa sikat na tao sa inyong university ? Kaya mo bang isuko ang image mo para dito ? Let's find out sa story n...