Chapter 13

397 8 0
                                    

"OH YEAH!" sigaw ni Pinuno nung nakagoal si Collins. First day ng annual dorm competition. First game is soccer, blue team versus red team. Talo na ang green team sa unang round pa lang.

I can feel the tension habang patagal na patagal yung laban. Meron pa nga kaming mga cheersquads mga disciples ni Richard. Pero hindi papatalo ang ibang gay groups from other team. Galit galit muna sila ngayon.

"LET'S GO BLUE TEAM LET'S GO!" cheer namin sa mga players namin. Mukhang mainit ang labanan. Magagaling din ang player ng red team. Pero forte to ni Collins kaya naman mananalo kami nito. Tiwala lang yan.

Missing in action si Andrei. Kasi wala siya sa paligid at kahapon ko pa siya hindi nakikita. Ni hindi nga umuwi sa dorm.

"Saan kaya nagpunta yun?"

"WOOOOOHHHOOOOO!!!" nakagoal ulit ang team namin! Tambak ng 2 points ang kabilang team.

"GUYS GALINGAN NIYO! GO GO GO" sigaw ko. Okay lang kahit hindi nila marinig dahil sa ingay ng ibang grupo pero sumisigaw pa din ako to support them.

"GO B-L-U-E TEAM!! F-I-G-H-T-I-N-G BLUE TEAM. LETS GO!!!" sigaw ng mga federasyon ni Richard tapos nagsplit pa. Nakakaaliw talaga silang tignan. May mascot din kaming Blue Eagle.

"MOVE GIVE WAY RED IS ON THE WAY! HOO HOO!" cheer ng kabilang team na may mascot na Red Tigers.

"May 5 seconds na lang. Nasa blue team ang bola. Makakagoal kaya sila?" sabi nung announcer. Pumikit ako then I cross my fingers. Biglang nagslowmotion ang lahat.

"Please makagoal"

"Please makagoal"

"Please makagoal"

"And Delos Reyes goal for the win! The Blue Eagles win!" at nakarinig ako ng mga sigawan ng team ko. Dumilat ako at nakita kong tuwang tuwa ang mga soccer division.

Wahhh! Panalo kami! Lumapit sakin si Collins at kitang kita sa mukha niya na masaya siya,"Nakita mo ba yun KM?!! Panalo kami at ako pa ang nagpanalo" tapos ginulo niya yung buhok ko.

Blue dorm: 1 

Green dorm: 0 

Red dorm: 0

Next game is quiz bee. Ewan qo ba pano naging laro yun pero syempre wala kaming panama dahil Green dorm ay brainiacs. Of course, they win.

Blue dorm: 1 

Green dorm: 1 

Red dorm: 0 (kulelat)

Next game is badminton. Natalo kami sa first round kaya the battle is between Green  and Red Tigers. This time Red dorm ang panalo. Fair na lahat ng scores.

Last game ay ang fun run. Iikutin namin ang buong SLA. Each team ay may 10 participants. Isa ako sa mga kasali at excited na ako dun.

Hindi pa kami makapagsimula dahil kulang kami ng isang participant.

"Damnit! Nasan ba si Montemayor?!" tanong ni Pinuno sa aming lahat pero nagbikit balikat lang kami.

"Pinuno hindi ko pa po nakikita si Andrei simula kahapon" paliwanag ko.

Halata sa mukha niya ang pagkayamot, "Aissh that rascal. Madidisqualify tayo kapag kulang kayo. Hoy Richard! Halika nga!" tawag niya kay Richard at lumapit naman ito.

"Why Papa P? Anong meron?" pagtataka nito.

Kinuha ni Pinuno yung pompoms ni Richard at binato sa isang tabi. Gulat ang muka niya sa ginawa ni Pinuno.

This Guy is Inlove with you PARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon