Hanggang kailan?

69 6 1
                                    

Para sa bukod-tanging nakakaalam ng sagot,

Hanggang kailan ka manghihinayang sa mga sayang na mayroon ka?
Hanggang kailan mo nga ba panghihinayangan ang mga pagkakataong pinalampas mo?
Pagkakataon kung saan, puwede ka namang magsalita...
puwede ka namang magbigay ng opinyon, at  magpaliwanag...
Hanggang kailan nga ba?

Hanggang nararamdaman mong iyon ang nararapat ngunit hindi mo ginawa.
Hanggang sa nararamdaman mong may magagawa ka ngunit hinayaan mo lang.

Hanggang kailan ka mananahimik sa isang tabi?

Hanggang nararamdaman mong hindi nila kailangan ang mga salita mo...

Hanggang kailan?

Hanggang nararamdaman mo pa rin.

LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon