Patawad

49 5 2
                                    

15th of April, 2018
××××××××

Para sa taong bukod tanging nakapansin sa akin,

Patawad.


Di ko alam kung bakit, ngunit sadyang ganoon talaga yata. Patawad sapagkat di ko masuklian ang 'yong munting pagsinta. Patawad. Sa bawat tanong mo sa akin, patawad. Patawad sa mga tugon kong di kaaya-aya. Mga tugong, hindi malinaw. Patuloy kitang napaaasa. Nais na kitang bitiwan, ayokong masaktan pa kita lalo. Labis-labis na sakit na ang naidulot sa iyo.

Ilang taon na nga ba? Lima? Anim? Pito? Tama. Pito. Pitong taon na nga pala ang nakalilipas magmula nang magkakilala tayo. Kung iisiping maigi, bata pa ako noon. Bata pa tayo noon, ngunit hamak na mas bata ako sa iyo. Di ko inaasahang seryoso ka sa akin. Di ko inaasahang, hanggang ngayon ay ako pa rin. Patawad. Di ko alam ang nararapat kong sabihin at gawin sa iyo. Nais na kitang sumaya, ngunit hindi sa akin. Kung maaari lamang ay gagawin ko na ang iyong nais. Ngunit, ayokong lokohin ang aking sarili. Ayokong paasahin ka pa. Patawad. Kailanman ay di ko nanaising saktan ka, ngunit alam ko. Sa ginagawa ko, matagal na kitang nasaktan.

Patawad sa mga nais mo na hindi ko mapagbigyan. Patawad. Ilang beses man akong humingi ng tawad, alam kong... hindi ito makararating sa iyo. Hindi pa sa ngayon. Hindi pa ako handa. Patawad. Sapagkat dahil sa akin, patuloy ka lamang na nasasaktan. Patawad. Wala na akong ibang masabi kundi ang mga katagang iyan.

Mahal kita ngunit hindi kita iniibig. Napakalaki ng diperensya. Mahal kita sapagkat kaibigan kita. Patawad kung hanggang ngayon ay nasasaktan kita. Ayokong mawala ang pagkakaibigan natin. Pagkakaibigang nabuo dahil sa iniibig mo ako. Patawad. Di ko kayang suklian ang pag-ibig mo. Patawad. Alam kong anumang gawin ko, hindi nito maiibsan ang sakit na idinulot ko sa 'yo, ang sakit na idudulot ko sa 'yo. Patawad.
Patawarin mo sana ako.

Para sa taong bukod tanging nakapansin sa akin...

Salamat,

at sana ay patawarin mo ako.

LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon