25th of February, 2020
××××××××Para sa 'yo,
Alam mo ba...
May mga pagkakataong naiisip pa rin kita. Mga pagkakataong naaalala kita, kahit hindi dapat, hindi na dapat.
Nakikita ko kasi ang pangalan mo, at nasasaktan pa rin ako. Sa tuwing nakikita ko ang mga litrato, naaalala kita, naiisip kita.
Pero ang sakit pa rin.
Sa tuwing naiisip kita hindi ko maiwasang masaktan, nasasaktan ako.
Nagtataka na lang talaga ako kung paano pa kita nagagawang pansinin, kung paano ko pa nagagawang makipag-usap sa 'yo.
Minsan kasi, kapag nariyan ka na, gugustuhin ko na lang magkuwento na tila ba isang batang sabik na sabik. Ngunit pinaaalala ko sa sariling... hindi na talaga tulad ng dati. Hindi ka na makikinig, hindi mo na papansinin ang mga kuwento, hindi na.
Kaya nakapagtatakang nakakausap pa rin kita, kaya ko pa rin palang kontrolin ang sarili.
Pero masakit pa rin.
Paulit-ulit kasing naglalaro ang mga katagang "hindi na tulad ng dati".
Hindi na tayo tulad ng dati.
Tanggap ko naman na,
pero naroon pa rin ang sakit.
BINABASA MO ANG
Letters
PoetryCompilation of words that should have been said... (credits to @alinsunodsailog for the cover)