Takot

22 3 1
                                    

14th of March, 2020
××××××××

Para sa . . . 'yo,

Sa totoo lang, hindi ko na alam kung paano ka kakausapin. Gusto kitang kausapin tulad ng dati, nami-miss kitang kausap ngunit natatakot akong kausapin ka.

Natatakot ako, alam ko naman kasing hindi mo na ako kakausapin kung hindi kailangan.
Nakakatakot kasi nakakaramdam pa rin pala ako para sa iyo.
Sa lahat, ikaw ang pinakagusto kong kausap. Kasi sa 'yo, puwede akong magsalita nang magsalita, puwede akong magkuwento nang magkuwento at hindi ko kailangang mag-alangan sa mga sasabihin ko.

Gusto kitang kausapin pero natatakot ako...
baka kasi di mo ako pansinin,
baka kasi di mo na talaga ako kausapin...
nakakatakot.

Gusto kitang kausapin ngunit madalas ay pinipigil ko ang sarili.
Hindi na kita dapat pang kausapin...
hindi puwede.

Ngunit may pagkakataon talagang hindi ko mapigilan,
and me, trying to talk to you,
means me failing to avoid talking to you.

Hindi ko kinaya ang lungkot,
hindi ko nakaya ang pagtitiis...

Kasi hanggang ngayon, ikaw pa rin.
Ikaw pa rin pala,
at hindi ko alam kung ayos pa ba...

LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon