12th of July, 2019
××××××××Para sa 'yo,
Kung paaasahin mo lang ako,
pakiusap... huwag na lang,
sapagkat ayoko nang umasa
sa mga bagay na walang kasiguraduhan.Kung paaasahin mo lang ako,
pakiusap... sabihin mo na,
nang tumigil na ako,
sa pag-iisip at tuluyan nang huminto.Kung paaasahin mo lang ako,
pakiusap, huwag na lang...
masiyado nang pagod ang puso at isip,
masiyado nang pagod... para sa isa na namang sakit.Ngunit maaari ba...
kung paaasahin mo lang ako
at wala kang balak ipaalam...
Pakiusap, huwag mong ipahalata.Hayaan mong maramdaman ko
ang panandaliang saya—
saya na maaaring makatulong upang makalimot,
sa sitwasyong kinalulugmukan.Hayaan mong makaramdam ako,
kahit sandali lang...
sapagkat ang sandaling panahon
ay sapat na upang paghilumin ang tulad ko.Kaya kung paaasahin mo lang ako...
Pakiusap, huwag na huwag mong ipahahalata,
ngunit kung may balak kang saktan ako...
Pakiusap, sabihin mo na kaagad.
BINABASA MO ANG
Letters
PoesíaCompilation of words that should have been said... (credits to @alinsunodsailog for the cover)