12th of July, 2020
××××××××Would it be bad if... I wasn't okay? Akala ko okay na, e. Tanggap ko naman na. Pero bakit nasasaktan pa rin ako?
Akala ko wala na, o baka nga wala na talaga, baka nag-iisip lang talaga ako. Pero kasi, masakit.
Umaasa pa rin pala ako sa iyo, naghihintay pa rin pala ako—handa pa rin pala akong maghintay.
Pero masakit dahil alam kong wala na akong hihintayin. Hindi na kita puwedeng hintayin...
Mahal kita, totoo.
At kahit pagdudahan ko iyon, mauuwi at mauuwi pa rin ako sa sagot na iyan.
Mahal kita.
Hanggang ngayon ay nahihigit mo pa rin ang aking paghinga, napapahinto pa rin ako sa isiping ikaw, kakaiba pa rin talaga.
BINABASA MO ANG
Letters
PoetryCompilation of words that should have been said... (credits to @alinsunodsailog for the cover)