Beauty Two: Friends?
HINDI ako pinatulog ng maayos ng text na 'yon. Sino kaya 'yun? Saka ano'ng ibig sabihin ng sinabi niya?
Nireply-an ko kahapon yung unknown number at tinanong kung sino kaso walang dumating na reply galing sa kaniya. Naisip ko na lang na baka wrong send lang o kaya nagpprank lang 'yon. Uso 'yon ngayon, hindi ba?
"Ang damot mo talaga!" Singhal ko sa kaniya bago kinain ang huling subo ng macaroni cheese.
Kumakain kami ngayon ni Jonas sa cafeteria ng company nila. Good thing napilit ko siyang sumama sa akin kahit medyo busy siya. Wala pa kasi akong kaclose sa mga katrabaho ko. Pinauwi din muna ako ni Jonas kahapon dahil bigla daw nag-extend si Tita Agnes ng stay sa Palawan. Regarding business matter daw so I understand. Wala din naman daw akong gagawin pa dahil pati 'yung dating secretary na dapat magtuturo sa akin ng mga gagawin e umalis daw at hindi na bumalik.
"Pagdadamot ko talaga siya noh," malambot na wika niya. Sabay kain din niya sa huling subo ng pasta. Nakapwesto kami medyo malayo sa tao kaya hindi naman kami masyadong maririnig.
I just wanted to know kung ano ang name ni Pogi, e. Kahapon ko pa pinipilit pero ayaw talaga ni Bakla! Hayaan na. Malalaman ko din naman kahit hindi niya sabihin. Dito din naman siguro nagttrabaho 'yon.
Inirapan ko na lang siya. Naalala ko bigla 'yung sinabi ni Pogi kahapon. Tama! Iyon na lang ang itatanong ko sa kaniya.
"Bakla," tumaas ang kilay niya pagkatawag ko sa kaniya.
"Jonas, please. JONAS." Oo nga pala.
"May tanong ako."
Uminom siya ng tubig bago ako tinignan. "NO. Wala ka nga sabing makukuhang pangalan sa akin, Sarah. WALA."
Nagmake face ako sa sagot niya. "I know, I know! Hindi na kita kukulitin sa pangalan niya. Tss. Gusto ko lang itanong kung paano nalaman ni Pogi ang apelyido ko? Saka, ano'ng ibig sabihin niya sa sinabing niyang 'nice to finally meet you again'? Kilala ko ba siya? Nagkita na ba kami dati?" Naiintrigang tanong ko.
"Easy ka lang sa mga tanong, Sarah. Mahina kalaban," wika niya. Nangalumbaba akong tumingin sa kaniya while waiting for his answer.
He took a deep breath and said, "Okay, fine. I'll answer your questions... In one condition," itinaas niya ang kaniyang hintuturo. Mabilis na tumango naman ako ng nakangiti. "Don't be friends with him, intiende?"
My smile slowly faded, "No waaay! Jonas, wala namang ganiyanaaan," pagmamaktol ko. Badtrip naman 'to oh. Talagang inilalayo niya sa akin. Ayaw talaga magshare! Tsk.
"Then I won't give you ans-"
"Aish!" Inangat ko ang palad ko para mapatigil siya sa pagsasalita, "Fine, fine! Napaka mo talaga," naiinis na wika ko.
"Swear?" Securing it with his pinky finger. Haaay. Wala talagang kawala sa baklang 'to.
Nakipagswear na din ako para matapos na. Kahit man lang 'yung konting curiosity ko ay masagot niya.
"Okay, here it is. Yes, you know him somehow and I know him VERY well. Naging kasection natin siya sa ilang subject noong 2nd year college tayo. Ahead lang siya sa atin ng very slight dahil nagrepeat siya ng ibang subjects na nabagsak niya. Siya 'yung kinukwento ko lagi sa 'yo na crush ko, up until now..." nangalumbaba siya sa huling sinabi niya at wari'y nagddaydream habang kinikilig.

BINABASA MO ANG
Beauty's On The Inside
RomanceSimpleng tao at simpleng pamumuhay lamang ang mayroon ako bago dumating sa buhay ko si Elon Clemonte. Siya ang humugis sa mundo ko na walang kathrill-thrill. Naging crush ko ang mala-anghel niyang kagwapuhan at hindi maipagkakailang magandang pangan...