BEAUTY SEVEN: WELCOME PARTY?

52 7 4
                                        

Beauty Seven: Welcome Party?

          "Sarah? Earth 'to. Are you with us?"

          Bumalik ako sa ulirat nang tapikin ako ni Lucy sa balikat. "Ano 'yon?"

          Naglulunch kami ngayon sa cafeteria kasabay ang mga ka-officemates ko. Hindi na naman kasi ako mapakali dahil sa nabasa kong text sa akin kaninang umaga. Same number doon sa akala kong nagpprank lang sa akin. Sabihin ba namang 'Magsisimula na akong pabagsakin ka, Bernice'. Tae! Sino ba'ng hindi matatakot doon lalo na't alam niya ang second name ko? Imposibleng prank na naman 'to or what dahil pwede ba'ng masaktuhan niyang kapangalan ko pa ang masabi niya?

          Wala din naman akong matandaang nakaaway ko o nagawan ko ng mali. Wala nga akong nakasamaan ng loob na kahit na sino, e. Hays! Ang creepy talaga!

          "Wala ka namang sinat," ani Jio matapos kapain ang noo ko. "Ayos lang ba kayo?"

          Uminom ako ng tubig. "Oo naman! Ako pa ba?" Wika ko saka pilit na tumawa.

          "So ayun nga po, kanina lang ako nakatawag sa KTV Star and sad to say, fully booked na daw sila. I suggest na mag-Enchanted Kingdom na lang tayo kung gora kay Ms. Sarah? Sagot na daw ni Daddy Chad 'yung entrance natin," paliwanag ni Christy na halatang excited para mamaya.

          Hindi ko magawang maexcite dahil sa labis na kabang nararamdaman ko. Open area pa naman 'yun tapos ang daming tao. Mamaya may biglang kumidnap sa akin doon tapos humingi ng ransom sa pamilya ko. Jusme! Wala pa naman kaming malaking halaga para du'n. Lalo akong natatakot sa mga iniisip ko e!

Erase! Erase!

          Tumango na lang ako. "Oo, okay sa 'kin 'yun," napapalakpak naman si Christy. Tinext ko na din sila Mama na male-late ako ng uwi.

          Nagpatuloy lamang sila sa kwentuhan about sa mga sasakyang rides at gagawin nila mamaya. Samantalang ako, ito nakatingin lang sa kawalan and as usual, nag-ooverthink.

          Natapos na ang lunch break at bumalik na kami sa mga kaniya-kaniyang trabaho. Chineck ko ulit 'yung text na sinend sa akin no'ng creepy sender. Pinatay ko na muli ang phone ko nang magitla ako sa nagpop up na new message.

          Putek! Aatakihin yata ako sa puso nito!

          Sinilip ko ang bintana ng office ko kung pabalik na ba si Lucy mula sa pagkuha niya ng kape. Nang masiguro kong wala pa naman siya, dali-dali kong binuksan ang text message.

          "Gosh, si Jonas lang pala," I sigh in relief.

Beks 🍆💦:
Free ba u 2nyt? I'll treat u 2 dinner sana. Miss u na~ :<<<

          Aww! Ang clingy na naman ng frenny koo~ Pero nasa-sad ako dahil ibig sabihin nito ay may problema siya. E paano 'to? May pupuntahan kami? Hindi ko pa naman siya kayang tiisin...

Ah! Alam ko na!


Me:
Sorry beks di ako avail laytuuur :< Sama ka na lang kaya samin?! Punta kami EK mamaya e, welcoming party ko daw :)


Party na hindi party. Ha? Ano daw? Gets niyo? Basta 'yun na 'yun! Hahaha.

Beks 🍆💦:
Rly? I can come???

Me:
Ofc!! Bakit naman hindi? E ikaw nga ang reason kaya ako nakapasok sa kumpanya niyo e. HAHAHA


          Kahit hindi kami magkasama ngayon ay naiimagine ko na kung gaano siya kasaya na makakasama siya sa amin. Alam kong yayakapin niya ako ng mahigpit pero sa gilid o likuran niya iyon gagawin. Malamang ayaw niya talagang nararamdaman 'yung hinaharap ko.

Beauty's On The InsideMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon