BEAUTY SIX: GET TO KNOW YOU

40 7 1
                                    

Beauty Six: Get To Know You

          LAKAD-TAKBO ang ginawa ko upang maabutan si Jonas. Bumungad sa akin ang isang garden plaza na nasa likod ng building. Ngayon ko lang nalaman na may ganito pala dito. Open space siya at ang ganda ng paligid.

          Napatigil ako nang makita ko si Jonas na may kausap na lalaki. Gumilid ang ulo nito at natanaw ko kung sino ang lalaking kausap niya. Ano nga ba ulit pangalan niya?

          Nagtago ako sa malapit na puno at mula rito ay rinig ko ang pinag-uusapan nila.

          "I understand, Elon. You don't need to say sorry."

          "That's good to hear. And please, mag-usap na sana kayo ni Sarah. Nahihirapan siya sa sitwasyon niyo ngayon."

          Napatingin ako doon sa Elon. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, ramdam ko ang sinseridad ng sinabi niya. Mukhang mapagkakatiwalaan ko naman pala siya.

          Nakita kong tumango si Jonas at umiwas ng tingin. Dahil doon ay nakita ako ni Jonas na nagtatago.

          "Lumabas ka na Sarah. I saw you na."

          Dahan-dahan akong lumabas sa pagkakatago ko at lumapit sa kanila. Napatingin si Elon sa akin. Nginitian niya ako bago siya umalis.

          "Bek—" he glared at me saka ko lang narealize kung ano'ng sasabihin ko. "B-bes. Bes, sorry. Wala naman talaga akong intensyong sirain ang swear natin. Totoo—"

          He cut me off. "I know. Naipaliwanag na sa akin lahat ni Elon..." and saw his lopsided smile.

          I held his hands. "Are we good? Bati na ba tayo ulit?"

          "Hindi naman ako nagalit sa 'yo."

          "E ano?"

          "You see, I got jealous. And nainis ako sa kaniya kasi he used you pa para layuan ko lang siya," nalungkot ako sa sinabi niya. "Sorry din kasi nasupladahan kita at hindi kita binigyan ng chance magpaliwanag."

          "Aww, bati na kamiiii~" Masayang wika ko saka ko siya ginawaran ng mahigpit na yakap. "I miss you best friend!"

          "Gosh, Sarah. Let go. Baka kung ano'ng isipin nila sa atin saka huwag mong idikit 'yung dede mo, ew," pabulong na pagtataboy sa akin ni Jonas. Bumitaw na din naman ako.

          "By the way, I gave your number to Elon. Magpaparaya na ako," pinanlakihan ko siya ng mata.

          "Ha? Bakit mo binigay?" Nakakunot noo kong tanong.

          "Because he asked for it."

          "Ikaw, pinamimigay mo na naman ako ah. Akala ko ba bati na tayo?" Napanguso ako.

          "Why not? E, crush mo naman siya, 'di ba? And kaya nga naging boyfriend mo si Lucas ay dahil sa akin," proud niya pang banggit. Napangiwi tuloy ako.

          Si Lucas 'yung tinutukoy kong ex-boyfriend ko. Sa pagbibigay din kasi ni Jonas ng number ko kay Lucas, kaya kami nagkakilala at naging kami. Pero naghiwalay din kami dahil sa isang babae. Tss, naalala ko na naman. Kaya simula no'n, talagang nagfocus na lang ako sa pag-aaral ko.

          "Kahit na! Tsk, baka akalain niya easy-to-get ako," nakapout na saad ko.

          "Oh, I also mentioned that," gulat akong napatingin sa kaniya at pinalo sa braso.

Beauty's On The InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon