PROLOGUE

82 9 0
                                    

Copyright © 2019 MI_AOOO

This story is only a fiction. Any resemblance of the themes, characters and events are purely coincidental. Please do remember that this is only come from the Author's imagination. Thank you!

This is my first story kaya pagpaumanhin niyo na kung may mga corrections or other errors ako. Hehe! Enjoy reading! 

xoxo, 
Isay

×××

Prologue

          HABANG abala ang lahat sa kaniya-kaniyang gawain, ako'y nakaupo sa isang malaprinsesang upuan dito sa aking silid. Nililinisan nila ang aking mga kuko sa paa't kamay. Inihahanda na din sa aking magarbong higaan ang aking napakaganda at kumikinang na kasuotan.

          Pumasok sa aking silid ang isang lalaki. Yumuko ito at sinabing, "Magandang araw, Mahal na Prinsesa, sa mumunting oras ay magsisimula na ang inyong seremonya sa pagpapahayag ng bagong reyna ng bansa. Hinihintay na po kayo ng lahat." Hindi ko siya nilingon. Tumikhim siya at alam kong naghihintay siya ng sagot ko.

          Huminga ako ng malalim, "Mangyari ay ipaalam mo sa aking ama na hindi ako dadalo sa nasabing seremonya." Sagot ko sa kaniyang pahayag.

          "Ngunit Mahal na Prinsesa-" Iniangat ko ang aking kanang kamay dahilan upang hindi matuloy ang kaniyang sasabihin.

          Nang matapos nang linisan ang aking mga kamay ay sinuri ko iyon at nagsalita, "Wala akong pakialam kung ano'ng pananakot muli ang sabihin ng aking ama. Buo na ang aking desisyon. Hindi ako sang-ayon sa pagpapakasal sa pangahas na lalaking iyon. Malinawag?" tinignan ko siya hudyat upang umalis na siya.

×××

          Idinilat ko ang aking mga mata at sandaling napatitig sa kisame ng aking kwarto.

          "Same dream, Sarah?"

          Napalingon ako sa taong nakaupo sa tabi ng higaan ko. Biglang nanlaki ang mga mata ko at napaupo, "WAAH!!" tinakpan ko ng kumot ang buong katawan ko kasabay ng pagsipa sa lalaking nasa kwarto ko. "Ano'ng ginagawa mo rito?!"

          "Oh my- my precious face! Bakit mo ko sinipa?" Tumalsik lang naman siya sa sahig. Inaamin kong napalakas ang sipa ko pero kasalanan naman niya.

          "Ano ba kasing ginagawa mo sa kwarto ko?" I asked. He stood up while massaging his butt.

          Ang lakas kasi ng impact, girl. Siguro kung ako iyon, sobrang masasaktan din ako. Rinig na rinig kasi ang kalabog.

          "So? Huwag ka nang magtakip ng katawan diyan. Feeling ka, gorl? Huh! Never dear, over my dead gorgeous body! Mabuti sana kung may lawit ka, pwede pa," he flipped his imaginary long hair and rolled his eyes. Hinagisan ko siya ng unan kaya napatawa siya ng malakas.

          "Sarah, ano'ng nangyayari diyan?" Sigaw ng nanay ko na nasa ibabang palapag.

          "Wala, Ma! Engot kasi ni Jonas!" Ibinato sa akin ni Jonas ang unan na ibinato ko sa kaniya. Natawa na lang kaming parehas dahil aminado naman din siyang engot siya. Alam naman kasi niyang magugulatin ako.

          Siya si Jonas De Guzman. My bestfriend since elementary school and yes, he's gay. Nagmula siya sa mayamang pamilya at nagmamay-ari ng malaking kumpanya ng beauty products ang kaniyang ina. De Guzman is a very well known family in the Philippines. Kaya kapag narinig mo ang apelyidong De Guzman, matik na yayamanin. He's tall, fair, may katamtamang haba ng buhok, may kaunting maskels at hindi maipagkakailang sobrang gwapo niya, as in, kaso ayun nga lang ay hindi siya straight. Kaya sorry girls, no chance~

          "So ano na nga, napanaginipan mo na naman na prinsesa ka?" Natatawang wika niya. He sat at my study table and checked my stuffs.

          "Yeah. Ewan ko ba Jonas, I really have this odd feeling every time na napapanaginipan ko 'yon. Parang totoo. Ang weird," humiga akong muli and nagbuntong hininga, "Baka talagang prinsesa ako tapos nag reincarnate lang ako ngayon?" Oo, pwedeng ganu'n nga ang nangyari. Pwede naman 'yon, 'di ba?

          He slowly looked at me while nodding, "Oh my Sarah, you're right!"

          Umupo muli ako dahil sa pagsang-ayon niya sa akin. Is it really possible dahil nga madalas kong napapanaginipan' yon? Ang swerte ko naman noon, sana nadala ko hanggang ngayon. Hays.

          "-may tama ka sa utak. Tama ka na, Sarah. Nahihibang ka na talaga," he continued while smirking. I frowned. Bwisit talagang bakla 'to. Akala ko talaga naniniwala na siya sa akin. Minsan talaga ang sarap niyang putulan ng lawit. "You know what? Maligo ka na at magbihis. And please, samahan mo ng konting bilis kasi it takes you one hour to finish."

          Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Huh? Saan kaya kami pupunta? Wala naman kaming gala ngayon ah.

          "Saan naman tayo pupunta?"

          "Duh? Magbabalat ka pa ng patatas, Sarah. So hurry, baka magalit na naman sa 'yo si Miss Minchin!" Siningkitan ko siya ng mata. Kahit kailan talaga hindi siya makausap ng maayos.

          Ngumiti siya ng peke saka muling nagsalita, "Magsstart ka na ng work mo sa company namin next week, hindi ba Mahal na Prinsesa? Ipagsshopping po kita ng mga bagong damit para naman presentable ka," nagawi siya sa mga damitan ko at tinignan ang mga damit kong nakasampay. Inilabas niya ang isang damit mula roon at ipinakita sa akin

          "Look at this. Girl, second year college pa itong brown checkered at brown slacks mo na ginamit mo pa noong may event tayo sa school. And obviously, this is one of your most baduy outfit ha," wika niya saka naglabas ulit ng isa pang damit, "Eto pa isa, eto lagi mong suot tuwing may interview ka or need ng nakaformal. Bakla, you really need to buy new presentable clothes than these two. You know Mommy, maarte siya especially when it comes to fashion and ayokong sumabak ka sa gera na hindi pa nagsisimula e nabaril ka na," sumilip siya mula sa butas ng damit ko.

          Nagmake face naman ako dahil sa sinabi niya. Sabagay, knowing Tita Agnes, she's kind and generous but when it comes to fashion and skin, sobrang mapuna siya at maooffend ka na lang dahil napakastraight forward niya, lalo na kung hindi mo kilala ang ugali niya. But, I understand naman kasi about din naman doon ang field ng career niya at para sa ikagaganda din ng taong sinabihan niya.

          Saka ko lang narealize na magsisimula na nga pala ako magtrabaho sa DG Beauty Cosmetics sa darating na lunes. Ipinasok ako ni Jonas doon bilang secretary ng Mommy niya. Same course kami ni Jonas which is Business Administration. Naawa lang din siguro siya sa akin kaya niya ako ipinasok bilang secretary ni Tita dahil ang tagal ko nang tambay sa bahay. Ang dami ko na kasing inaapply-an pero wala ni isang tumanggap at tumawag sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Matataas naman ang grades ko. Hays. Bakit ba kasi sobrang hirap maghanap ng trabaho dito sa Pinas?

          Bumangon na ako at inayos na ang hinigaan ko. Napatakip naman ng damit na hawak niya si bakla at umirit pa, "Ew, Sarah! Hanggang ngayon natutulog ka pa din ng nakapanty at t-shirt lang. Kadiri ka!" Sabay tumalikod at diring-diring ibinalik ang mga damit ko sa ayos.

          Wala namang problema kung ganito ako sa harapan niya dahil alam ko namang hinding-hindi niya ako pagnanasahan. Maliban na lang kung naging straight na siya. Pero imposible 'yon dahil ilang beses na siyang nagkaboyfriend, e.

           Pagkatapos kong ayusin ang higaan ko, hinarap ko siya ngunit nakatalikod pa din siya sa akin.

          Napangiti ako ng nakakaloko sa naisip kong kalokohan. I ran towards him and squeezed him between my arms.

          Naramdaman kong nanigas siya sa kinatatayuan niya and began to shrieked, "Ackk!! Get away from me, Sarah Bernice! Yuck, yuck! Ilayo mo sa akin 'yang dede mo! Kadiri! Let me gooo!" tinatanggal niya ang mga kamay ko na nakayakap sa kaniya at sinusubukang makawala.

          "No, nooo! Hahahaha!" At lalong hinigpitan ang yakap ko sa kaniya.

~

Thank you for giving my story a chance! Mwa! 💖

Continue reading...

xoxo,

Isay

Beauty's On The InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon