Beauty One: Nightmare
TODAY is my first day sa trabaho at sobrang excited ako. Alas kwarto palang ng umaga ay naligo na ako. Alas-otso pa ang pasok ko pero eto, six o'clock ready na agad akong umalis. Ten minutes lang ang layo ng company mula sa amin kung lalakarin ko. Advantage din sa akin dahil hindi ako sanay bumiyahe ng malayo at makakatipid pa ako.
Tinignan ko ang suot ko na binili sa akin ni Jonas. Oo, si Jonas ang bumili ng mga damit na susuotin ko para sa trabaho. Nung una nahihiya ako sa kaniya dahil madalas siya ang gumagastos at binibilhan ako ng kung ano-ano. Kapatid na ang turing ko sa kaniya at nanay na din ang turing ko kay Tita Agnes, vise versa kaya huwag na daw akong mahiya at isipin ko na lang daw na utang ko sa kaniya lahat ng 'yon na kailangan kong bayaran.
"Anak, heto oh," inabot sa akin ni Mama ang isang baunan. "Dalhin mo ito para hindi ka gutumin. Paniguradong mamahalin ang mga pagkain doon."
Ang bait talaga ng Mama ko. Sa kaniya talaga ako nagmana ng pagiging maalalahanin ko. Kinuha ko naman iyon at nagpasalamat. Inilagay ko sa iyon sa shoulder bag ko.
"Mauna na ako, Ma. Huwag po kayong masyadong magpagod dito. Baka atakihin na naman kayo sa puso niyan," ngumiti na lamang siya sa akin at nagmano na ako bago umalis.
×××
"Rrrrrgh~" Napahawak ako sa tiyan ko na tumunog. Hindi pala ako nakakain ng umagahan sa sobrang excitement ko.
Dumaan ako sa malapit na convenience store dito. Hmm, ang bango ng hotdog na nilabas ni kuya.
Pagkatapos kong maubos ang burger ko ay nagpatuloy na muli akong maglakad papunta sa DGBC. Nang makarating ako, napanganga na naman ako sa pangalawang pagkakataon. Napakalaki nito kumpara sa picture.
I walked towards the entrace at nakakamangha talaga. Parang papasok ako sa palasyo ng reyna sa sobrang ganda ng entrada. I fixed my skirt before entering the building.
The glass door automatically opened. "Good morning ma'am," bati ng dalawang lalaking nakabantay sa may pintuan kasabay ng pagyuko nila.
"Ay, good morning po," napayuko din tuloy ako sa kanila.
I scanned the place hoping to see Jonas De Guzman but I failed. Tss. Sabi niya siya ang bahala sa akin kapag nakarating na ako. Where is he then?
Naglakad ako palapit sa front desk and a young lady showed up while smiling. "Good morning Ma'am, I am Michelle. Welcome to DG Beauty Cosmetics Incorporation, what can I do for you?"
Woooow! Ang ganda niyaaa. Lahat yata ng nagttrabaho dito magaganda't gwapo.
Am I lost?
"Uhm..." Paano ko ba sisimulan? "Uhh.. I'm Sarah Bernice Mendoza and I'm looking for Ms.-Ah... M-Mr. Jonas De Guzman," muntik na akong madulas. Hindi nga pala alam ni Tita Agnes na bading siya. Hays.
"You must be the new Secretary of Mr.-"
She was cut off by the sudden appear of a guy who's wearing a blue suit, black necktie and well-fixed hair. He looks so manly and I'm completely dazzled by his presence. It is my first time seeing him like this and girl!
HE. LOOKS. SO. DANG. PERFECT.
"Sarah, you're here. Sana tinext mo ko," his forehead barely creased

BINABASA MO ANG
Beauty's On The Inside
RomanceSimpleng tao at simpleng pamumuhay lamang ang mayroon ako bago dumating sa buhay ko si Elon Clemonte. Siya ang humugis sa mundo ko na walang kathrill-thrill. Naging crush ko ang mala-anghel niyang kagwapuhan at hindi maipagkakailang magandang pangan...