BEAUTY EIGHT: THE PAST

33 4 2
                                    

Beauty Eight: The Past

          Sobrang bilis ng tibok ng puso. Naiiyak na talaga ako sa takot kaya hindi ko na tinangkang manlaban pa. Ngayon lang nangyari sa akin ito kaya sa bigla ay hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko.

          "Hey..."

          Narinig ko ang isang pamilyar na boses na biglang nagpahina ng mga tuhod ko. Tila nawala ang pamamanhid ng buong katawan ko at napagtantong wala na palang tumatakip sa mga mata ko. Dahan-dahan kong imunulat ang aking mga mata.

          Nakita ko ang isang pares ng matang nakatitig sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya nagsimulang mag-unahan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

          "It's alright, Kimchi. I'm here," malumanay niyang ani habang hinahaplos ang ulo ko. Akala ko ay kikidnapin na ako, 'yun pala ang mokong na 'to lang pala ang may kagagawan!

          Bumitaw siya sa pagkakayakap at pinunasan ang mga luha ko. "Shh... ako lang 'to—AH! Aray ko! Bakit?"

          Pinalo-palo ko siya sa inis. "Bakit?! Bwisit ka! Bakit mo ginawa 'yun? Nababaliw ka na ba? Balak mo ba talaga akong patayin sa takot ha?!"

          Hati ang nararamdaman ko ngayon. Inis dahil tinakot niya ako! Sakto pa ang biro niya na may naggghost texting sa akin. Tsk. Pero laking pasalamat ko din sa Diyos na siya lang pala at hindi kung sino man. Akala ko talaga ay may masama nang mangyayari sa akin ngayon.

Pero walang hiya pa din siya!

          Pinigilan niya ang paghampas ko sa dibdib niya at nag-aalalang tumingin sa akin. "Sorry kung natakot kita, Kimchi. Tahan ka na, okay? Ako lang naman 'to oh. Ano bang iniisip mo?"

          Muntik ko na masabi kung bakit ganoon na lang ako nakapagreact. Wala akong balak sabihin kahit kanino ang tungkol sa text dahil ayokong mag-alala sila sa akin. Ngayon, gusto ko namang maging matapang at hindi umasa sa iba.

          "Wala ka na do'n," tugon ko saka nag-iwas ng tingin. Ramdam ko ang pagtitig niya at hindi siya nagsasalita. "Bitawan mo na ako," pagbawi ko sa mga kamay ko ngunit bigla niya akong hinila palayo sa kinaroroonan namin

          "Teka! Saan tayo pupunta? Paano si Lu—"

          "Pinasama ko na siya sa mga katrabaho mo," aniya. Hindi na lang ako nagsalita pa. Siguro ay pupunta na din kami sa kanila.

          Tinignan ko ang hawak niya sa akin. Hindi ko maintindihan 'tong nararamdaman ko. Oo, crush ko siya, kahit nakakainis siya minsan ay napapanatag ang loob ko kapag siya ang kasama ko. Siguro dahil doon sa pagyakap niya sa akin kanina. First time kong makaramdam ng yakap mula sa ibang tao na feeling ko ay safe ako. Tatlong araw pa lang kami magkakilala pero based sa mga sinasabi ko ay para na akong in love sa kaniya. Bwisit! Ano ba 'to?! Konting sweet gesture lang ay na-ffall na ako. Hays~

          "Enough thinking of me, kasama mo lang naman ako oh," napatingin ako kay Elon na nakangisi. May hawak siyang dalawang waffles at inabot niya ang isa sa akin. "Hindi chocolate 'yan, ah."

          Ihhh, tinandaan niya talaga 'yung sinabi ko. Bahagya akong kinilig. Kinuha ko naman iyon at kinain. Nagugutom na din kasi talaga ako, e. Inilibot ko ang mata ko sa paligid pero hindi ko naman makita sila Jonas dito. "Nasaan sila?"

          "Hindi ko alam," kibit balikat niyang tugon kaya kumunot ang noo ko.

          "Anong hindi mo alam?" Pinaglololoko na naman yata ako nito e.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beauty's On The InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon