Beauty Four: Promise
"I HAVE a name. I'm Elon. Elon Clemonte,"
Did he just told me his name?
But that's not what I'm concerned about right now. Nasa kwarto ako ng isang lalaking hindi ko pa masyadong kilala! Kapag nalaman ito nila Mama baka itakwil nila ako bilang anak.
I stared at him with confused look. I need explanations kung bakit ako nandito. I'm very certain that this is not my room dahil kulay black lahat ng gamit sa paligid. At tila naintindihan naman niya ang ibig sabihin ng mga tingin ko kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"You fainted yesterday. Hindi ko alam kung saan ka nakatira kaya naisip kong dalhin ka dito sa bahay."
The last thing I remember is that some guy grabbed my hand from behind. Umiikot na ang paningin ko dahil sa gutom at bigla akong nawalan ng balanse.
So, siya pala 'yong lalaking 'yun.
Ang haba naman ng tinulog ko. Napahawak ako sa tiyan ko nang maalala ko na hindi pa pala ako nakain. Pero teka, anon'ng oras na?!
Tinignan ko ang wrist watch ko. "Tae! Late na naman ako!" Napabalikwas ako ng tayo at dahil doon ay kumirot ng sobra ang ulo ko kaya napatigil ako.
"I got you covered. I told them you're sick so you don't need to worry,"
Tumingin ako sa kaniya habang hawak ang ulo ko. Bakit niya ginawa 'yon? Hindi ako pwedeng umabsent lalo na't kasisimula ko pa lang.
Ngayon ko lang napansin ang itsura niya. Medyo magulo ang buhok niya at mapupungay ang mga mata. Nakasuot siya ng itim na sando at itim na bo- Boxers?!
I shrieked and immediately covered my eyes. "B-bakit ganiyan suot mo?! Ano'ng ginawa mo sa 'kin ha?"
Niyurakan ba niya ang pagkababae ko? No, no, nooo! Kahit sobrang gwapo ka, hindi pwede! Hindi pa kami kasal!
Hindi pa nga siya nanliligaw, e!
He smiled giddily. "Nothing happened. Sa sala ako natulog."
Ay, wala?
Pisti! Bakit parang disappointed pa ako? Ang landi mo Sarah ah. Stop it.
"Stay here. I'll be right back," I heard his footsteps na sa tingin ko ay umalis siya. Tinanggal ko na ang pagkakatakip ko sa mga mata ko.
Ano'ng sabi niya? Stay? Ano ako, aso?!
Ako naman si timang, hindi nga umalis ni gumalaw sa pagkakaupo ko. Nagkaroon ako ng pagkakataon upang ilibot ang paningin ko sa kwarto niya.
Hindi ito kalakihan. Tama lang sa isang tao. Black lahat ng nakikita ko at may kaunting gray and white. May mga laruan na robot na nakadisplay at mga roblox din. Panglalaki talaga ang itsura ng kwarto. Mayroon siyang study table sa gilid kung saan nakapatong ang isang laptop at lampshade. Tumingala ako at namangha sa disenyo ng kisame niya. Galaxy ito at may mga stars na sa tingin ko ay glow in the dark. Wow, sobrang obsessed ako sa mga stars lalo na sa moon, sa galaxy pa kaya?
Napatingin ako sa pinto ng kwarto niya at nakita ko ang poster ng isang babaeng nakapanty lang at nakatakip ang braso sa boobs. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko iyon kasabay no'n ay ang pagbukas ng pinto.
"Oh, bakit gulat na gulat ka? Ako lang 'to."
I shook my head in disgust. Kwarto nga pala ng lalaki 'to. Ano pa ba'ng ineexpect ko?
BINABASA MO ANG
Beauty's On The Inside
RomanceSimpleng tao at simpleng pamumuhay lamang ang mayroon ako bago dumating sa buhay ko si Elon Clemonte. Siya ang humugis sa mundo ko na walang kathrill-thrill. Naging crush ko ang mala-anghel niyang kagwapuhan at hindi maipagkakailang magandang pangan...