Beauty Five: Be Careful
MATAMLAY akong napaupo sa office chair ko at isinubsob ang ulo sa lamesa. Panibagong araw na naman. Ilang araw pa lang ako sa trabaho, ang dami na kaagad masasamang nangyari.
May sumpa ba 'yung random text sa akin noong unang araw ko?
Paulit-ulit kong tinawagan at tinext si Jonas kahapon pero wala siyang paramdam. Hindi ako sanay na may nagagalit sa akin. Ano pa ngayong best friend ko pa? Sobrang sikip sa dibdib. Parang may kung ano'ng tumutusok sa puso ko dahil sa sobrang kirot. Sana makapag-usap kami ngayon araw. Kailangan kong ipaliwanag sa kaniya ang lahat.
Hindi ko alam kung ano nang ginagawa nung lalaking 'yun. Kung nasabi na ba niya o hindi.
"Aish! Kainis, tama ba'ng nagtiwala ako sa kaniya?" Makakatikim talaga sa akin ng suntok sa bagang 'yon kung hindi niya tuparin ang mga sinabi niya. Wala akong pake kahit gaano pa siya kagwapo niya sobra talaga...
Hays! Gwapo pa din talaga siya, ih~
Bumukas ang pinto ng office ko at bumungad ang isang magandang dilag. Matamlay akong tumayo at binati siya. "Good morning Lucy," pinilit kong ngumiti.
"Good morning," bati niya. As usual, ang cold pa din niya sa akin. Hindi ko alam kung ano'ng nagawa ko para maging ganiyan siya. May nasabi o nagawa ba ako na hindi niya nagustuhan, maliban doon sa naging late ako?
Lalo akong nanlumo dahil sa mga iniisip ko. Para akong nilulunod sa kalungkutan. Naiiyak na naman ako.
Hindi pwede. Ayokong umiyak. Huwag kang babagsak, please...
"Are you fine now?" Napaangat ako ng ulo at tumingin sa kaniya, trying my best to stop myself from sobbing. Ang alam nga pala nila ay nagkasakit ako kaya hindi ako nakapasok kahapon.
"Yes po," napahinga ako ng malalim. Buti na lang at hindi ako nagstutter.
She looked at me and napansin kong nawala na ang coldness ng mga mata niya. "What happened, Sarah? Are you crying?" And from that moment, nagsimula nang mag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko.
I covered my face and start sobbing. Hindi ako naiyak dahil napansin niyang may problema ako. Naiyak ako dahil tinawag niya ulit ako sa pangalan ko. Ibig sabihin ba no'n friends na ulit kami?
"Hey..." Lumapit siya sa akin at iginaya ako sa sofa upang maupo doon. Hinaplos-haplos niya ako sa likod upang patahanin pero mas lalo lamang akong naiyak.
Naramdaman kong umalis siya sa tabi ko at pagbalik niya ay may dala na siyang baso ng tubig. Iniabot niya sa akin ang kaniyang pulang panyo. "Here. Wipe your tears and tell me what happened," kinuha ko iyon at nagpunas ng luha. Suminga na din ako dahil nagbabara na ang ilong ko.
"G-galit sa akin ang... best friend ko," sagot ko sa pagitan ng pag-iyak ko.
I heard her sigh bago niya iabot sa akin ang baso ng tubig. "Drink this first para makahinga ka ng maayos," ininom ko din naman kaagad iyon. Nahihirapan na kasi talaga ako huminga. Bakit ba kasi ang iyakin ko?
"Wanna know something?" Bigla akong napatingin sa kaniya at napansin ko ang lungkot sa mga mata niya.
She took a deep breath at nagpatuloy sa pagsasalita. "This past few days, I'm not really fine. Not even close to fine. Nag-away kami ng boyfriend ko sa isang maliit na dahilan, na muntik na siyang makipaghiwalay sa akin. Gusto ko kasing i-public ang relationship namin sa company pero ayaw niya. Hindi ko alam kung bakit ba namin kailangang itago ang relationship namin. Ang hirap kasi kapag nagkakasalubong kami, hindi kami nagpapansinan or nag-uusap man lang," she sneered, wiping out her tears. "Then I asked him kung ano'ng gusto niyang gawin ko para hindi niya ako iwan. And he said... he needed space. He wanted us to cool off para daw makapag-isip-isip siya. Kaya pumayag na lang ako para hindi niya ako iwan. Inintindi ko na lang siya dahil alam ko ang sitwasyon na pinagdadaanan niya."

BINABASA MO ANG
Beauty's On The Inside
RomanceSimpleng tao at simpleng pamumuhay lamang ang mayroon ako bago dumating sa buhay ko si Elon Clemonte. Siya ang humugis sa mundo ko na walang kathrill-thrill. Naging crush ko ang mala-anghel niyang kagwapuhan at hindi maipagkakailang magandang pangan...