BEAUTY THREE: I HAVE A NAME

50 8 0
                                    

Beauty Three: I Have A Name

          "TAEEEE. Late na akoooooo," nagmamadaling tumakbo ako papasok ng building.

          Nakalimutan ko kasing ilabas ang cellphone ko sa bag kaya hindi ko narinig ang alarm no'n. Hindi din ako ginising ni Mama dahil ang sarap daw ng tulog ko. Haaays. Hindi na din tuloy ako nakakain. Nakalam na ang tiyan ko. Huhu~

          Binati ako ng ilan sa mga nakakasalubong ko. Bahagya lamang ako yumuyuko para i-acknowledge sila kahit nagmamadali ako.

          "Biliiiis. Magbukas ka na," paulit-ulit kong pinipindot ang arrow pataas upang magbukas ang elevator. I looked at my wrist watch. 10 AM. 2 hours late na akooo. Aish, mapapagalitan ako nito.

          Nang bumukas ang elevator, natigilan ako nang makita ko si Pogi sa loob. Our eyes met before entering the elevator. Palabas sana siya but he stepped back and closed it. Nagtatakang tinignan ko siya nang pindutin niya ang floor 29. Huh? Alam niya saan akong floor pupunta?

Malamang alam niya Sarah dahil naroon din siya nung unang araw mo. Aish.

          Nagulat ako nang magawi ang tingin niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at napayuko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagsmirk niya sa naging reaksyon ko. Woy! Ang gwapo niya talaga! Enebeee, 'wag mo 'kong tignan ng genyeeen~ Kinikilig eke~

          "You're already late," he said while looking at his wrist watch. Nilingon ko siya pero kaagad ko din iyon binawi nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya.

          Sinalakay muli ako ng kaba sa dibdib. It was as if I've been chased by a horse dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Oo na Pogi. Alam ko 'yon. You don't need to remind me.

          I was about to entertain him kaso naalala ko bigla 'yung sinabi ni Jonas na huwag daw akong makipagkaibigan sa kaniya at nagpinky swear pa kami. Pero... wala naman siyang sinabi na hindi ako pwedeng makipag-usap sa kaniya, 'di ba? Right. Sasagot lang ako para hindi awkward. Kami lang kasi tao sa loob, nakakailaaaang.

          "O-oo nga po, e," I let out a half smile habang nakayuko pa din.

          "Hey, you okay? You seem a bit tense."

          I bit my lower lip. Obvious na ba talaga? Bukod sa late na late na ako, e ang lapit mo pa sa akin. Ang laki ng space pero nakadikit ka sa akin. Nakakaintimidate ka kasi Pogi. Para akong may katabing anghel.

          My phone suddenly rang. Nagmamadaling kinuha ko ito mula sa bag ko at guminhawa ang pakiramdam when I saw who's calling. He really is my life saver in times like this.

          It was Jonas. Buti na lang talaga tumawag si bakla. Hindi ko alam isasagot ko kay Pogi e.

          "Hello, Jonas?" Mahinang sagot ko. Napansin ko sa peripheral view ko na humarap si Pogi sa akin. "Nasaan ka?"

          "I think I should be the one asking you that, Sarah. Kanina ka pa hinahanap ni Ms. Flores."

          I heard him sigh on the other line. Nakakahiya talagaaaaaa. Kasisimula ko lang, na-late na kaagad ako.

          "Oo, nandito na ako sa elevator-"

          "Hey," nakuha ni Pogi ang atensyon ko nang magsalita siya. "Meet me at Lunar coffee shop, 6 PM sharp."

          "Who's that, Sarah?"

          Tinakpan ko ang cellphone ko at inilayo sa tenga. Ano'ng pinagsasabi nito? Narinig yata ni Jonas 'yun. Jusko, baka sabihin niyang sinira ko ang pinky swear namin. Hays. Kumunot ang noo ko at nag'shh' sign ako sa kaniya. Natawa siya ng konti dahil doon. What's funny? Nainis tuloy ako bigla.

Beauty's On The InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon