Kabanata 2
Yakap
Nakita kong nandun parin siya sa pwesto niya, madami-dami na din ang tao dito, dahil etong kariderya ay katabi lang din ng bar. Actually dapat sa bar talaga ako mag-aapply, kaso di ako tinanggap nakita lang ako nung mama nung dati kong kaklase nung elem, siya yung may ari ng karinderya, tinulungan niya ako kaya eto nandito ako ngayon.
Sanay nako sa mga gulo dito minsan, kilala na nga ako dito e. One time nga may nambastos sa akin dito, buti may nagbabantay na tanod kaya nakita agad yung pangyayari, ayun dinala agad sa tanod.
Nakita kong tumayo siya at aakmang aalis na sana nang maalala ko di pa pala siya nagbabayad. Lumapit agad ako sa kanya, nakita ko ang gulat sa mukha niya, pero nawala agad iyon napalitan na parang naiinis. Huh?
"Ah sir, aalis na po ba kayo? Ah eh nakapagbayad na po ba kayo?"-tanong ko habang nakatingin lang siya sa akin. Problema netong lalaking to?
Akmang aalis na sana siya ng bigla siya natumba sa.. akin.
Bumagsak kami sa sahig.0_o
Ang lapit lapit ng mukha niya sa akin. Ilang metro nalang ang lapit namin. Geez.
Tinulak ko agad siya. Nagulat siya sa ginawa ko. Napatayo siya ng ayos. Mukhang natauhan. Tss.
Pinagpag ko yung uniformé ko.
"Sorry, di ko sinasadya"-nagulat ako sa sinabi niya. The word na sorry parang di kapani-paniwala na sinabi niya sa akin iyon. Nakita kong umalis siya,naalala ko yung bayad niya nga pala. Hinabol ko siya.Nakita kong pasakay siya ng kotse. Kotse nita ata iyon. Wait! Wala siyang driver? Lasing siya ah?
"Sir!! Sirrr!! Wait lang po!"-tawag ko sa kanya dahil ang bilis niyang maglakad jusko.
Tumigil naman siya sa paglalakad. Nilingon niya ako. Hinihingal parin akong dahil ang bilis niya kasing maglakad."ah eh sir, hindi papo kasi kayo bayad, ako po kasi ang malalag-", naputol yung sinabi ko dahil bigla niya akong niyakap. Nagulat ako sa ginawa niya.
Bakit? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko nararamdaman niya iyon. Ewan pero parang may butterfly sa tiyan ko, na di ko maintindihan.
Ano bang nangyayari sa akin?
---
Matapos ang pangyayaring yon. Kinaumagahan, hindi ko pa din maintindihan kung bakit niya ako niyakap kagabi. Gulong gulo ako, gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ginawa yon.
Nung niyakap niya ako, tumititig pa siya sa akin, nakita ko ulet ang maamo niyang mga mata. At umalis na siya na parang walang nangyari.
Anong problema nun? Di ko siya maintindihan.
Buong klase ay absent siya. Malamang siguro inubos niya isang case e. Talagang lasing yun.
Wait! Bat ko ba siya iniisip?grrr!
Sa isang subject namin ay wala kaming titser, kaya eto ako ngayon nasa library at nagreresearch ako sa assignment namin para bukas.
Lunch break na at di naman ako masyadong kumakain, dahil nagtitipid din ako para sa tubig at kuryente.
Okey na rin kahit papaano ang buhay ko. Oo malungkot kasi paguwi mo, walang sasalubong sayong kapatid. Wala na nagtatanong sa akin kung kamusta na pagaaral ko.
I miss you ma.. i miss you da.
I miss you isay.. i miss you ron.
I miss you my fam.
BINABASA MO ANG
Ang Kwento Nating Dalawa
Teen FictionAyra Isabel De Dios. Elison Melino Dezzar. Namulat ako sa katotohanang kapag nagmahal ka, handa mong isakripisyo ang lahat para lang sa taong higit mong minamahal. Para lang sa kaligayahang alam mo sa sarili mong may mali, pero hinayaan mo lang. Mas...