Simula
Nakagisnan ko na, na gigising ako ng maaga na magisa nalang ako.
Gigising...magluluto...papasok...uuwi... magtatrabaho...matutulog. Routine ko laging yan. Araw-araw.
Nagising nalang ako sa katotohanan na, kailangan ko nang kumilos sa lahat.
Madami na akong napagdaan. Sobra-sobra pa nga. At nagpapasalamat ako dahil kahit papaano, lumalaban parin ako.
Nagsisipag akong magaral, dahil yun ang gusto ng daddy ko. Ang makapagtapos ako.
Pero paano ko nga ba ulit iyon magagawa kung ang mga mismong taong dapat nasa tabi ko ay wala na.
Napaiyak ako sa naalala ko. Eto na naman ako. Lagi kong sinisisi sa sarili ko kung bakit sila nawala. Kung bakit sila pa ang nawala at di nalang ako. Sana ako nalang.
Ako ang may kasalanan kung bakit sila namatay. Ako. Ako ang may kagagawan ng lahat ng mga ito.
Kaya kahit ang kamag-anak ko kinamumunghian nila ako. Dahil salot daw ako sa lipunan.
Isa akong malas sa pamilya namin.
Iiyak lang ako ng ilang minuto, then okey na. Ayos na ulit ako.
Nasanay na rin akong ganyan ang naririnig at sinasabi ng iba sa akin.
Nawalan na ako ng gana na magtiwala ulit sa iba. Binulag ko ang sarili kong, tanging sarili ko nalang ang makakaintindi sa akin. Tanging ako nalang.
Until I met you.
Unting unti nabago ang dating akala ko wala nang patutunguhan na buhay ko.
Yung buhay kong sirang sira na at alam kong di na mabubuo. Pero nabuo mo ito.
Nabuo mo ako. Nabuo mo ang sarili ko. Binuhay mo ang sarili ko. Binigyan mo ng kulay ang buhay ko.
At sobrang saya ko dahil ikaw pala ang makakagawa sa akin ng ganitong kagrabeng saya, na hindi ko inaasahan.
Hindi ko inaakala na ikaw pala ang bubuhay sa buhay kong puno ng sakit na dinanas.
Ang kwento nating hanggang huli ay alam kong wala nang makakapaghiwalay pa sa atin. Hanggang sa huli.
Hanggang sa huli ang kwento nating dalawa.
BINABASA MO ANG
Ang Kwento Nating Dalawa
Teen FictionAyra Isabel De Dios. Elison Melino Dezzar. Namulat ako sa katotohanang kapag nagmahal ka, handa mong isakripisyo ang lahat para lang sa taong higit mong minamahal. Para lang sa kaligayahang alam mo sa sarili mong may mali, pero hinayaan mo lang. Mas...