Kabanata 4

7 3 0
                                    

Kabanata 4

Kwarto

Kasalukuyan akong nageexam. Quarterly kasi namin ngayon, alam niyo na high school life.
Buti nakapag review ako ng ayos.

Tinignan ko yung upuan ni Elison, absent na naman. Tamad e.

Teka! Bat ko ba iniisip yun?

Sa nakaraang dalawang araw, hindi ko masisisi na bigla ko siyang naiisip ewan koba!

Matatapos na ko sa test, at uwian na. Sabay sabay kaming natapos at agad na ipinasa iyon.

Habang naglalakad ako sa corridor, may na bunggo akong babae di ko naman sinasadya. Matangkad siya, straight ang buhok, maputi, oo maganda narin.

Napapikit siya na para bang napahiya siya sa ginawa ko. Hindi ko naman sinasadya yun e. Nakita ko ang pagdilim ng mukha niya. Tinulak niya ako napasandal ako sa mga locker na nasa likod ko, naramdaman kong may biglang humapdi sa likod at tagiliran ko, nadali ata ako sa bakal.

"Ang kapal ng mukha mong bungguin ako"-napapikit ako, dahil na rin sa takot. Hindi ako yung klase ng tao na magpapaapekto sa ginagawa niya, hindi ako naduduwag, pero na tatakot ako sa pwedeng mangyari. Natatakot ako na baka may naganap na hindi maganda.

Hindi ako kaagad nagsalita. Nakatitig lang ako sa kanya na parang tuta na natatakot. "Hind ko sinasad-", sinampal niya ako ng malakas. Napapikit ako sa hapdi.

Ano ba itong pinasok ko. Ganito pala sa school na ito, as in Catholic School pa talaga merong ganitong tao, tinanggap pa siya sa ganitong paaralan, e kung umasta kala mo siya ang reyna,slash may dalawa pang alila. Gustong-gusto kong sabihin sa kanya yon. Ngunit ayokong magiskandalo,tinignan ko yung paligid mga nakatingin na sa amin yung mga estudyante. Tumayo ako ng tuwid, tumingin ako sa kanya, na parang walalang sa akin ang ginawa niya. Nilagpasan ko siya, pinulot ko ang mga gamit ko na nahulog nung nabangga ko siya. Habang inaayos ang gamit ko na ilalagay sa locker,umalis na ako doon, hindi ko alam kung anong reaksyon niya wala akong pakeelam, naglakad ako papunta sa locker ko nang biglang may humila sa akin sa madilim na kwarto. Sobrang dilim, wala akong makita as in hindi ko makita kung sino ang humila sa akin.

Ang tahimik lang. Walang nagsasalita. Pero ramdam kong nasa harap ko lang siya,nararamdaman ko ang paghinga niya. "bakit,hindi ka lumaban kanina?"-kilala ko na kaagad ang boses na yun, kay elison. Galit ba siya?

Hindi agad ako nakasagot. Bakit ba kami nandito? Bakit niya ako hinila dito? Siya ba humila sa akin? naguguluhan ako. Yun lang ang na iniisip ko. "hindi ako palabang tao,elison the word fight? wala akong ganyan, di ako marunong nun"-nakayuko kong sabi. Totoo naman kasi e, ako yung klase nang tao na pakikitaan kita ng mabuting gawi at ugali pero mararadaman ko kung di sila tunay sa akin, nasa loob lang ang kulo ko.

Bumuntong hininga siya. Nagtagpo ang mga mata namin. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Ano to? Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Nanlaki ang mata ko, tumingin ako sa katabi ko, walang reaksyon ang kanyang mukha. Ang Guidance. Lagot.

Ang Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon