Kabanata 5
Guidance Office
Hindi ko na alam ang mga nangyari, nakita ko nalang ang sarili kong naglalakad sa corridor at pinagtitinginan ng mga estudyante na nasa labas, pati na din ang mga teacher. Nakakahiya. Naramdaman kong may tumabi sa akin, si Elison. Hay nako, sa ang dahilan kung bakit ako nandito, kainis,
Nakatayo na kami ni Elison sa tapat ng pinto ng Guidance Office, lumingon sa akin yung Guidance Coordinator, kita ko sa kanya ang pandidiri sa kanyang mga mata. Anong ginawa ko sa kanya? Bakit iniisip niya bang may ginawa kaming milagro sa kwarto na yon? Hindi ko nalang pinansin ang nanlilisik niyang mata.
I hate judgemental.
Hindi ako perpektong tao, pero tinuruan ako ng magulang ko kung ano ang tama at mali, kung ano ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa iyo, baliwalain mong dahil alam mo sa sarili mo kung ano ang totoo.
Pumasok na kami, sa Office ng Guidance. Kahit kailan hindi pa ako nakakapasok man lang dito, tanging ngayong araw lang.
Wala naman talaga akong ginawa. Hys
Nakatayo kami ni elison sa mismong tapat, nakita ko ang assistant niya, na nakataas ang kilay."Bakit kayo nandun sa kwartong yun? Madilim Walang tao kayong dalawa lang?? HA!"-pasigaw nung Guidance. "Hindi niyo ba naisip ang maaaring isipin ng iba HA? Nakakahiya, nasa Catholic School pa man din kayo!"-galit na sabi no sir, at pabagsak na umupo sa wheel chair niya.
Tinignan ko ang reaksyon ni Elison,wala parin siyang reaksyon. "Sumagot ka, miss Dios!!"-nagulat ako sa pagsigaw sa akin ni sir. Hindi ako nagsalita dahil kinakabahan ako, natatakot ako.
"Ah sir, mali po yung iniisip niyo.. wala pong nangyari sa loob ng kwarto"-paliwanag ko pero tumawa lang siya. "Anong akala mo sakin miss Dios? Inutil!!?"-sumigaw na naman siya. Nababadtrip na ko ha. Ayokong ilabas kung ano ako, dahil may respeto ako sa mga nakatatanda sa akin.
At nakakainis dahil hindi man lang nagsasalita yung katabi ko. Siya ang puno't dulo ng lahat ng ito, siya ang nagbigay sa akin ng problema.
Bumuntong hininga si Elison, napatingin ako sa kanya. Tumingin lang siya sa akin.
"You have a detention!! At isusupend ko kayo ng tatlong araw, pero may ipapagawa ako sa inyo!!!"-nanlalaking ilong na sabi ni sir at lumabas siya.
Nakaupo lang kami, walang nagsasalita. Ako sumira. "Bakit di ka nagsalita? Diba wala naman tayong ginagawa? Bakit parang wala kang paki? Kahit sakin man lang ha!?"-inis kong sabi, habang nakatingin sa kanya. Nakatitig lang siya sa kawalan.
Akala ko ba friends na kami neto? Mood swing? Grrr!
"Wala naman talaga tayong ginawa diba? Bat di ka nagsalit-", naputol sinabi ko, kasi tumayo siya at tumingin sa akin ng seryoso.
"Napaka-ingay mo, wala tayong ginawa so it means dat hindi ka nagsalita kasi wala naman talaga tayong ginawa!"-galit niyang sabi sa akin. Lumabas siya at malakas na sinarado ang pinto.
Anong problema nun?
Hindi ko maitindihan ang nangyari buong araw. Nakakapanghina. Siya pa ang may ganang magalit sa akin, e siya ang naging dahilan kung bakit nandun kami sa Guidance Office, kainis!
"Hoy ineng, lutang ka dyan, bilisan mong magpunas ng sahig at dumadami na rin ang mga customers natin"-sabi ni aling nenita. Binilisan ko na at tinapos ang aking trabaho.
Habang nagliligpit ako,di ko maiwasan maisip ang mga nangyari kanina
The way he treat me, paiba-iba. Merong malambing na salita, meron namang seryoso. Ewan ko ba.
BINABASA MO ANG
Ang Kwento Nating Dalawa
Teen FictionAyra Isabel De Dios. Elison Melino Dezzar. Namulat ako sa katotohanang kapag nagmahal ka, handa mong isakripisyo ang lahat para lang sa taong higit mong minamahal. Para lang sa kaligayahang alam mo sa sarili mong may mali, pero hinayaan mo lang. Mas...