Kabanata 6

6 2 0
                                    

Kabanata 6

Close to you

Lumipas ang isang linggo,naging busy rin ako. Sobra. Andaming kasing pinagawa sa akin nung Guidance. Inutusan niya lahat ng subject teachers ko na gumawa ng project,as in lahat.

Napaiyak nalang ako habang nagkukwento kala mama at daddy, kung nandito lang talaga sila.

Habang sinisindihan ko ang kandila nila mama at daddy, may nakita akong sasakyan, malapit sa akin. Andito siya.

Sa lumipas na isang linggo, hindi ko siya pinapansin, iniwasan ko siya, pero one time nakareceive ako ng sulat na nasa papel sa locker ko. Sorry. Yan ang nakalagay sa papel. Hindi ko alam kung siya ba ang nagsulat nun.

Tumingin ako sa sasakyan niya, hindi ko alam kung nakababa na ba siya. Wala akong pakielam.

Habang nakaupo sa puntod nila mama at daddy, may lumipat na papel sa akin. Sorry. Yun ang nakalagay. Tinignan ko ang likod ko at nakita ko sa Elison na may dalang bulaklak.

Nilagay niya yun sa puntod ng mga kapatid ko at nagsindi ng kandila. Naglagay din siya kala mama at daddy, medyo napalayo ako dahil ang lapit namin sa isa't-isa. Ang bango niya.

Tumayo na ako, tumingin siya sa akin. Bakit ba siya nandito?

"Ahm, alam kong may misunderstanding tayo nung huli tayong nausap, I'm sorry about that"-sabi niya sabay tingin sa akin. Kita ko ang sincere sa mga mata niya, napakaamo.

"Okey lang, hindi mo naman kailangan gawin to, it's okey magkaklase lang naman tayo, walang malisya-", di niya pinatapos ang sasabihin ko. "We're friends right? Kaklase mo lang ako? Saket naman"-tumawa siya bigla, napatitig ako sa kanya. Ang cute niya tumawa.

"Oo friends naman talaga tayo"-sabi ko. Ngumiti siya. Grrr bat ang cute niyang ngumiti?

"Btw, alis na ko may gagawin pa ako e, sige bye"-sabi ko sabay lagpas sa kanya, pero nahila niya ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya. "Iniiwasan mo ko? Bakit? Kasi sinigawan at nagalit ako sayo, yun ba?"-sabi niya na para bang natatakot siya sa pwedeng mangyari.

"Hindi ganun Elison, marami lang talaga akong ginawa"-sabi ko. Iniwasan ko siya ng tingin."Then why are you ignore me?"-sabi niya. "Bat ba napaka bigdeal sayo neto? Were just friends right? Were classmate too, then bakit parang bigdeal sayo to?"-hindi nako nakatiis na di itanong sa kanya iyon. Natigilan siya.

Tama naman ako diba? Hindi pa kami close masyado, bakit ganyan ang treat niya sa akin na para bang close na close kami sa isat-isa. Ngumiti lang siya sa akin. Ano yun?

"I wan't to be close on you, bawal ba?"-sabi niya, na ikinatigil ko rin. Bakit hindi? "Sorry kung paiba-iba ang mood ko, naguguluhan kasi ako e, hindi ko alam. Kapag nakikita kita bigla bumibilis tibok ng puso ko, nagkakarerahan sila sa kaba. Ikaw lang nakakagawa nito sa akin, alam mo ba yun?"-unti-unti siyang lumapit sa aki, hinawakan niya ang pisngi ko na, nagpainit sa mukha ko. Geez.

Tinitigan ko lang siya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ibig sabihin parehas kami ng nararamdaman? Hindi ko din maintindihan.

Ngumiti ako. "Bakit hindi."-ngumiti ako nang malaki. Ngumiti din siya.

Hindi pa ako nakaka-encounter ng ganito. Mapapangiti ng wala sa oras. Bibilis ng tibok ng puso na parang nagkakarerahan. Naguguluhan sa mga nangyayari.

Ang Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon