Kabanata 8

4 2 0
                                    

Kabanata 8

Wrong with Him

Sa nakalipas na ilang buwan,naging abala ako sa mga gawain tulad ng trabaho,school,projects,acads/activities.

Pero sa nakalipas na buwan din, minsan nalang kami magkita ni Elison. Ewan ko kung bakit.

Magkaklase kami, pero natitimingan na kapag wala siya andun ako, then kapag busy ako at marami akong ginagawa sa labas andun siya. Umiiwas ba siya sa akin?

Nakaramdam ako ng kakaiba. Bigla akong kinakabahan, hindi ko alam kung bakit pero natatakot ako.

Hindi na rin kami sabay maglunch, hindi niya ako pinipick up para ihatid sa bahay. Cold. Something wrong and I don't know.

Minsan siniseen niya nalang ako, last time nakita ko siyang online buong araw pero ni isa di niya man lang ako kinamusta o tinawagan man lang. Yah, I know he's busy too, naiintindihan ko yun at pilit kong iintindihan na ganun nga lang ang rason niya.

Ewan ko ba sa sobrang laki ng school na ito hindi man lang kami magkita or sadyang ayaw niya lang talaga akong makita. Bakit?

Hindi ko talaga alam kung bakit, kung ano ang nangyayari at bakit nagkakaganito. Pinilit ko paring intindihin. Yung minsan na nagkita kami tanging yung groupings sa reporting lang then wala na. I feel so very wrong.

Kasalukuyan akong nasa library ngayon ginagawa ko ang mga dapat kong gawin tinatapos ko na dahil balak ko sanang puntahan si Elison sa bahay niya kung okey lang siya baka masama lang ang pakiramdaman.

Sinubukan kong tawagan siya pero nasa another call naman siya, wag naman sana.

Bat ganun ako girlfriend wala akong alam sa nangyayari? Sinubukan ko ulit na tawagan siya nasiglahan akong nagriring ito.

Pero nawala ang sigla ko nang iba ang sumagot nito. Babae.

[Yes, who's this?]

Natigilan ako. Sino to? Inis kong ibinaba agad ang tawag.

Hindi ko alam kung anong irereact ko. Ang nasa isip ko lang is who the hell that girl na sumagot ng phone ni Elison!

Magkasama ba sila? Saan?
Nanginginig ako sa mga pumapasok sa isip ko.

Tinutok ko nalang sa projects na ginagawa ko muna ang aking atensyon.

Hindi ko alam kung pupunta pa ba ako sa bahay nila. Wag nalang muna siguro.

Biglang pumasok sa isip ko yung boses nung babae kanina, the way na magsalita siya parang hindi siya taga dito,naiinis ako. Babae ba yon ni Elison?

"Agrrh! Haisssttt"-hindi ko na talaga maintindihan. Lalo na ngayong hindi ko makita yung hinahanap ko sa internet at libro kainis!

Nakahinga ako ng maluwag dahil natapos ko na ang dapat kong gawin.

Kakauwi ko lang sa bahay. Sinubukan ko ulit tawagan ang phone ni Elison. Nagring ito.

Ringing...

[Yes ayra, I'm busy anong kailangan mo?]

Natigilan ako. Hindi ganyan makipagusap sa akin si Elison.

[Asan ka Elison? Bakit di mo sinasagot ang tawag ko kanina ha!? At bakit kanina ibang babae ang sumagot sa phone mo---]

[I have to go Ayra, may gagawin pa kami ng mga kaibigan ko, bye]

Binaba niya agad yung tawag.

Huminga ako ng malalim. Napapikit ako, parang naninikip ang dibdib ko sa nararamdaman ko. Bakit ganun, ano bang nangyayari.

Napasabunot ako sa buhok ko, hindi ko alam tumutulo na pala ang luha ko. This can't be happened. Imposible itong nasa isip ko. No way!

What's wrong with him?

Ang Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon