Kabanata 9

9 2 0
                                    

Kabanata 9

Over

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, dagdag mo pa ang pamumugto ng mga mata ko.

Ang sakit sakit ng ulo ko, pero kailangan ko paring pumasok dahil may reporting akong gagawin ngayon.

Tinignan ko ang phone ko. No calls and text. Napailing nalang ako.

Habang naglalakad sa patio, nakita ko ang mga kaibigan ko sa bench, nakita nila ako at kaagad na kinawayan para lumapit sa kanila.

"Hey ayra, aga mo today ha"-nakangiting sambit sa akin ni rizá. Nakita ko ang paninitig sa akin ni maèya."hoy ayra, nakatulog kaba ng maayos kagabi?bakit mugto ang mata mo okey kalang?-tanong sa akin ni chèrry. Pilit akong ngumiti sa kanya, mukhang napansin din nila ang mukha ko dahil hinawakan nila yon."Oo naman ayos lang ako, sa puyat na din ito dahil sa mga pinapagawa sa akin"-sabi ko habang hindi makatingin sa kanilang apat.

Nakita ko naman ang pagtango ni Aliná. Tinignan ko si maéya, walang emosyon ang mukha niya, nagiwas agad siya ng tingin.

Nginitian ko lang sila. Nagpaalam na rin ako, ayoko kasing itanong pa nila yung sa amin ni Elison.

Ni di kami nagkakausap ng ayos at mukhang wala talaga siyang balak kausapin ako.

Matapos ang period ko sa lahat, hindi ko na kitang pumasok si Elison sa klase ngayon. Absent siya.

Gusto kong pumunta sa bahay nila para kamustahin man lang sana siya. Oo tama! pupuntahan ko na nga lang siya, isusurprise ko siya.

Habang nag-aayos ako ng gamit sa may bench, may humawak ng kamay ko, nakita ko ang nakakaamong mata ni maéya. Nagtaka ako sa ginawa niya, kita ko sa mga mata niya na parang may gusto siyang sabihin sakin.

"Bakit maéya? May kailangan kaba sa akin?"-hindi niya parin binibitawan ang kamay ko, dumoble pa nga ang higpit nito. "May gusto ka bang sabihin, kinikilabutan ako sayo maéya ha!?-sambit ko, yumuko siya at binitawan ang kamay ko. "Ayra, may dapat kang malaman."-agad naman akong kinabahan,di ko siya maintindihan sa sinasabi niya. "Ano? Ano ang dapat kong malaman maéya? Ano?"-madali kong tanong sa kanya,gusto ko nang malaman ang gusto niyang sabihin. "About kay Elison, Ayra kay Elison!"-matitigas na banggit niya sa pangalan ni Elison. Natigilan ako. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko.

Kinakabahan ako sa sasabihin ni Maéya. "Please maéya, sabihin mo na, wag mo nang patagalin pa please"-may lumalabas na luha sa mga mata niya, pinigilan niya agad iyon. "Hindi ako ang magsasabi sa iyo Ayra, dahil alam ko namang di mo ako paniniwalaan kaya sumama ka sa akin ngayon para malaman mo kung nasaan si Elison ngayon."-hindi na ako nagdalawang isip pa at sumama ako sa kanya.

Sumakay kami ng kotse niya. Pinaandar niya agad iyon.

Nang makarating kami sa pupuntahan namin, hinawakan ni maéya ang kamay ko ng mahigpit, hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun pero bigla akong kinakabahan, may namumuo na sa isip ko pero ayoko lang paniwalaan.

Pero mukhang tama ako ng hinala.

I saw him. With another girl and worst kasama niya pamilya niya.

Namuo agad ang luha sa gilid ng mata ko. Pinunasan ko agad iyon. Umupo kami sa isang upuan doon, mukhang di kami pansin sa pwesto namin. Pero di yun ang iniisip ko.

Sino yung girl? Sino yung girl na kasama nila? Baka naman pinsan niya? Or kababata? Pero bakit hindi ko alam.

Nagtatawanan sila,kita ko sa ngiti ni Elison at sa babae na may something. Hindi ko napigilang mapaluha ang mata ko.

Kilala ako ng pamilya ni Elison. Niligawan niya ako, naging close kami ng mama niya at mas close ako sa ate at daddy niya. Hindi ba sila aware? ako ang girlfriend. Hindi parin pumapasok sa isip ko ang nakikita ko ngayon.

Hinawakan lang ni Maéya ang kamay ko. At mas ikinagulat ko pa ang nakita ko.

"Mom! Dad!, akala ko di na kayo pupunta"- nakangiting sambit nung babae sa magulang niya. Nagbesohan pa sila. Tumayo din si Elison at sobrang lawak ng ngiti, nakipagbesohan din siya dun sa mama nung babae.

Mukhang matagal na silang magkakilala.

"Oh, kailan ba ang kasal ha! At ng mapagplanuhan na."-rinig kong sabi nung mama nung babae. Nagtawanan silang lahat nakita ko din ang pagtawa ni Elison sabay tingin dun sa babaeng katabi niya, nanikip ang dibdib ko dahil nakita kong hinawakan niya ang kamay nito. Ayoko nasa marinig pa ang mga sasabihin nila,gusto kong marinig ang sagot ni Elison.

"Ah eh tita kapag nakapanganak na po si Fráncesca, yun din po ang plano namin bago kami magpakasal, at saka hangga't hindi papo malaki ang tiyan niya magaaral po muna kami"-nakangiting sabi niya. Nagkatingin pa ang dalawa, at hinalikan pa nung babae ang labi ni Elison.

Hindi ako makahinga sa naririnig at nakikita ko mismo kay Elison. Hindi ko na kaya.

Tumayo ako sa pwesto ko. Kita ko ang pagtingin ng ibang tao sa akin sa restaurant na yun pero wala akong pakielam.

Kita ko ang panlalaki ng mata ni Elison, na nakatingin sa akin. Agad akong umalis sa kinatatayuan ko nakasunod lang sa akin si Maéya.

Nang makalabas na ako. Pigil hininga ang ginawa ko. Iyak lang ako ng iyak. Napaluhod ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Ang nasa isip ko lang ang mga katagang sinabi ni Elison kanina sa harap mismo ng magulang niya at magulang nung babae.

"A-ayra"-bakas sa boses niya ang panginginig. Hindi ko siya niligon. Iyak lang ako ng iyak habang nakaluhod sa mga damo.

Niloko niya ako. Pinaniwala niya ako. Manloloko siya. Bakit niya ito ginawa sa akin.

Hinawakan niya ang balikat ko at pilit na itinatayo ako. Iniharap niya ako sa kanya, at di ako na kapagpigil isang malakas at mahapding sampal ang ibinigay ko sakanya.

Napahawak siya sa pisngi niyang namumula dahil sa sampal ko.

Huminga ako ng malalim. "Kailan pa yan?"-seryoso kong tanong, di pa rin tumitigil ang pagaagos ng luha ko. Hindi siya makatingin sa akin.

"A-ayra, h-hindi ko sinasadya p-patawarin mo ko l-love, akside--". Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil, isang malakas na sampal ulit ang ginawa ko.

Nanggagalaiti ako sa galit. Para akong bomba na gustong sumabog. Pero hindi ko magawa, hindi ko kaya.

Nakahawak lang siya mismo sa pinagsampalan ko ng pisngi niya. Nakita ko sa gilid si maéya, nakatingin lang siya sa amin, bakas sa mukha niya ang takot at lungkot.

"Mahal mo ba siya?"-tinatong ko iyon habang humihikbi. Hindi siya makatingin sa akin ng deretso. Lalo akong napaiyak ng sobra.

Ayokong marinig ang sagot niya pero para matapos na ang kahibangan at kalokohan na ito, "Answer ne Elison, did you love her?"-nakatingin na siya sa akin, mugto na rin ang mata niya.

"Mahal kita Ayra, pero mas Mahal ko siya. Sorry."-walang sabi-sabi na binanggit sa akin ni Elison iyon. Umiwas agad siya ng tingin.

Eto na ba yun. Dito na ba magtatapos ang lahat. Para akong nabibingi sa naririnig ko mula sa kanya. Parang hindi siya si Elison na nakilala ko.

"Then, It's over."-sabi ko at umalis ng walang sabi-sabi sa kanya.


Ang Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon