Kabanata 10

4 3 1
                                    

Kabanata 10

Ang ating kwento

I met a guy,name Elison.
Elison Melino Dezzaŕ.

The guy who makes me happy. The guy who stole my heart. The guy who met like a strangers classmate. The guy who melt eyes when you see. The guy, I love.

The moment na naaalala ko siya, para akong binabato ng malalaking bato. Sinasakal ng paulit-ulit, sinasaksak ng patalikod. Parang hindi ko kaya.

Nandito ako ngayon sa paborito naming place na lagi naming tinatambayan at pinupuntahan. I miss this place. I miss him.

Pinark ko kaagad ang sasakyan ko.

Naglalakad ako sa pathway ng matanaw ko kaagad ang lagi naming pwesto. Ngumiti ako at naglakad papunta doon.

Tumingin ako sa kanila, ngumiti ako na walang bakas sa sarili kong hindi ako nasasaktan. Masaya ako.

Inamoy ko ang bulaklak na dala ko, sabi ni Aling Susan bagong pitas lang ito galing sa baguio at dahil ako ang unang suki niya binili ko yon lahat. Binili ko talaga lahat para ibibigay ko sa kanila. Lumapit ako ng mas malapit pa sa kanila.

Una kong binigyan si mama. Ang unang babaeng nakilala ko, ang babaeng binuhay at minahal ako ng siyam na buwan sa kanyang sinapupunan.

Sunod ay ang daddy ko. Ang unang lalaki naman na hinangad na makatapos ako ng pagaaral. At ang dalawa kong kapatid na sobrang miss na miss ko na.

Naiiyak na naman ako. Ako ang may kasalanan kung bakit sila nandito. Kasalanan ko ang lahat. Galit na galit ako sa sarili ko pero mas magagalit sila mama kung di ko parin tatanggapin ang katotohanan na wala na talaga.

Ngumiti lang ako nang mapait. Naaalala ko noon,dito mismo sa place na ito, dito kami naging magkaibigan ni Elison,dito siya nakipagkaibigan sa akin. Ang mga mata naming laging may spark na namamagitan.

Yung pagbilis ng pagtibok ng puso ko sa kanya, lalo na't ang mga titig niyang nakakatunaw. Dahil sa maamong mga mata. Napangiti na naman niya ako.

I already remember nung naguidance kami, todo iwas kami sa isat isa at dito kami nagkita dahil sa pagsigaw niya sa akin nun at ang pag hingi niya sa akin ng sorry. I chuckled.

Pero kapag naaalala ko ang mga nangyari tatlong taon na ang lumipas. Naiiyak ako.

Sinayang ko kasi yung bagay na alam ko sa sariling kong hindi na dapat pinagpatuloy pa.

Niloko niya ako. Niloko niya ako sa paraang para lang akong isang kaklase na hinihingian niya lang ng isang pirasong papel.

Na kapag nagkamali siya, itatapon niya nalang at dahil nahihiya kang nang manghingi sa akin, sa iba ka nalang nang hingi. Ibinigay niya sa iyo ang buong pad ng papel, binigay niya sa iyo ng sobra-sobra. Kaya hindi na ako nag-atubili na itago nalang ang papel na hawak ko na dapat ay ibibigay ko ulit sa iyo.

Naiiyak ako sa sarili kong desisyon na. Alam kong tama naman pala.

Akala ko nung una, makikita ko sayo ang totoong kahalagahan ng pagibig. Ang kahalagahan ng pagmamahal, dahil hindi ko na ulit yun naramdaman noong nawala ang aking pamilya.

Ngunit bigla kang dumating. Binago mo ang sarili ko sa paraang naibigay mo ang atensyong matagal ko nang hinahangad.

Ngunit akala ko parehas lang ang una at huli. Hindi di pala. Mas doble pa ang naranasan kong sakit.

Sinira mo ang pagmamahal ko sa iyo. At dahil din sa pagmamahal isinakripisyo ko ang aking kaligayahan para lahat sa magiging kaligayahan mo.

Ngayon masaya akong nakabuo ka na ng masayang pamilya.

Masakit sa akin nung una kong malaman ang lahat pero di nagtagal tinanggap ko narin sa sarili ko na, hanggang dito nalang ang ating kwento.

End.

Ang Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon