Kabanata 7

5 2 0
                                    

Kabanata 7

Together

Sa lumipas na tatlong buwan, lagi kaming magkasama ni Elison. Sa canteen sabay kaming kumakain, magkatabi sa upuan, at sabay umuwi.
Sabay din kami gumawa ng assignment namin, ganun palagi ang routine naming dalawa.

Aaminin ko, mabilis mahulog sa kagaya niya. Matipuno, matangkad, magulong buhok, mapanga, ang ngiti at lalo na ang kanyang maamong mga mata. Doon ako nahulog mismo, sa mga matang makikita mo na takot siyang mawala ako. Nangangamba na baka mawala ako. Yun ang pinapakita ng kanyang mga mata kapag magkasama kami.

Minsan nalang din siya maging moody, kapag ako ang kasama niya.

Nandito ako ngayon sa library as always. Ginagawa ko naman yung project ni Elison, tapos na  kasi yung akin, nagpa-practice siya para sa laban nila sa intrams ng basketball. Habang naghahanap ako sa internet at libro narin, nakita ko na tumatawag si Elison, napangiti naman ako, sinagot ko agad.

Elison's calling...

[hey miss,are you done?where are you?tapos na ko sa practice ko,pupuntahan kita]

Napangiti ako. Masasabi kong ang swerte ko dahil ako ang babaeng nakakasama niya.

[matatapos nako dito sa projects mo, nasa library parin ako, at magpalit ka agad ng damit mo dahil basa ng pawis, maliwanag mister?]

Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya.

[magpapalit ako ng damit pero ikaw di ko ipagpapalit]

Tumawa ako ng malakas, napatingin sa akin yung librarian, ingay ko. HAHAHA.

[O sige na baka mapagalitan ako dahil sayo, kaazar ka. Bye.]

Pinatay ko agad ang tawag, tapos na naman ako sa projects niya. Tumayo na ako at nilista name ko sa librarian list. Pagkabukas ko ng pinto, napangiti ako. Nakangiti siya iniabot sa akin ang isang puting rosas. Sweet.

Nasa puntod kami nila mama at daddy, dito ang place namin, niyaya niya ako na dito magdinner kasama sila mama at mga kapatid ko. Natuwa naman ako sa ginawa niya, kahit na wala na ang magulang ko nagpapapansin pa siya. HAHAHA.

"Anong iniisip mo at napapangiti ka diyan? ako na naman ba?"-kinurot ko ang tagiliran niya. Tumawa lang siya, nagpatuloy lang kami kumain. Nagkwentuhan kami about sa life namin,sa mga hobbies, walang tigil ang tawa namin hindi ko nga alam kung nabubulabog na namin yung mga kaluluwa dito dahil sa ingay namin.

Ang Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon