PRINCESS:
"Ate ate gising na at tanghali na!! Tignan mo ito, maganda ba ito??" napatingin ako sa kapatid kong masiglang masiglang pinapakita ang bago niyang laruan. 3 years ago ng mawala ang magulang namin dhil sa car accident, tanging ako at ang kapatid ko lang ang nabuhay. 18 years old ako noon at 1 year old naman si Prince. Nalugi ang kumpanya namin at nabaon ang magulang namin sa utang. Tito ko ang nagbayad ng utang namin at bilang kabayaran ay kelangan kong magtrabaho bilang katulong sa mansyon nila.
Ang kapatid ko ay nawalan ng paningin simula nung aksidente dhel sa mga bubog na pumasok sa kangyang mga mata nung naaksidente kami. Hindi ko maipagamot ang kapatid ko dhel sa kulang ang naiipon ko. Sapat lamang para sa pang-aral ni Prince sa isang special school. Nakatira kami sa Tito ko kasama ng kanyang asawa na si tita Olga na parang nung nagpaulan ng bitterness ang Diyos e sinalo niya lahat ng iyon.
"Sophiaaaaaaaaaaa!! Lumabas ka nga dito!!! Bilisan mo ngang bata ka!!!" speaking of her, nagsimula na siyang mag-ingay. Kaya agad akong bumangon at dali daling lumabas.
"bakit ho???" sigaw ko ng pagbukas ng pintuan ng kwarto subalit laking gulat ko ng may babaeng nakalukot ang mukha at nakatakip ang ilong.
"ano ho bang problema?" sabi ko at napansin kong lalong lumukot ang mukha niya.
Malakas na pinalo ni tita ang braso ko "ano ka ba namang bata ka!!! Magsipilyo ka nga muna!!" sigaw nya habang iniipit ang kanyang ilong.
"OMG!! PASENSYA NA HO!!" sabay talikod ko at karipas ng takbo sa banyo.
"HO ka ng HO e lalo kong naaamoy ang hinga mong mabaho!!!!!" pahabol niya habang tumatakbo ako papuntang banyo.
O my gaaad. Dhil sa takot ko na mapagalitan nanaman ako sa bagal kong kumilos e nakalimutan kong magsipilyo. Hai. Apat lang kaming nakatira sa mansion na ito. Ang tita kong galit at urat lagi, ang anak niyang si Lyca na kaedad ko at ubod ng kaartehan, ako at ang kapatid kong si prince.
Nakita ko c tita n napalapit sken. "bilisan mo Sophia at maglinis ka na dito sa bahay. Magshashopping kami ni Lyca at dapat pagbalik ko ay malinis na rito. UNDERSTAND??" sabi nya habang nakapameywang pa.
"o-opo madam." Sabi ko ng nakayuko.
"oh my god, mom lets go! Im going to be late! I have a dinner date with Jan after our shopping. Magpapasalon pa ako!!" Maarteng sabi ng pinsan kong si Lyca. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
"ang arte. Mukha namang tuod. Napaka-sikip ng suot at napaka-iksi. Wala nmang shape" Bulong ko sa sarili ko.
"may sinasabi ka bang katulong ka??" singit ni Lyca habang hawak hawak ang braso ko.
"aray masakit. Ano bang sinasabi mo? Nakakarinig ka na ata ng mga bagay na hindi naririnig ng iba" sabi ko sa kanya sabay hatak ng braso ko.
"OMG!! Mom lets go!! May multo na ata sa house naten. Im hearing things na ata." Sigaw ni Lyca at mabilis na lumabas ng bahay.
"PATOLA. HAHAHAHAHAHAHA!!" tawa ako ng tawa at nakahawak pa ako sa tiyan ko ng biglang may pumingot sa tenga ko.
"HOY Sophia! Tigilan mo nga yang kalokohan mo at maglinis ka na dhil may trabaho ka pa sa bar mamayang 6pm!" sigaw ng tiyahin ko habang hila hila ang tenga ko.
"aray! aray!. Opo magsisimula na ho ako" sabay bitaw nya sa tenga ko at lumabas ng bahay. Hai.
"ate! Nagugutom na ako." Biglang sulpot ni prince.
"sige magluluto si ate at maglilinis, mamayang gabi papasok na ako ulit kaya dapat matulog ka na ulit ng maaga ha??" sabi ko sabay halik sa kapatid ko. Kami na lng ang magkasama kaya hinding hindi ko pababayaan ang kapatid kong to.
Sa umaga ay katulong ako, sa gabi nmn ay waitress ako sa isa sa mga bar ng tito ko upang maka-ipon ako pang-gamot sa kapatid ko, dhil umaasa ako na balang araw makakakita siyang muli at makakapaglaro tulad ng ibang mga bata. Balang araw, aangat din ang buhay ko, lahat gagawin ko para sa kapatid ko at para sa kinabukasan nameng dalawa. Kaya ko to! AJA princess!!.
BINABASA MO ANG
finding the cursed man's true love
Jugendliteratura story about a man who believes he is everything. he has a perfect life but he plays with girls. until one unfaithful night, his life will change. HE WAS CURSED will he find the answer to the curse?