NATHAN:
Nilapitan ko si princess pero bago ko pa siya hawakan para yugyugin at gisingin, sinigurado kong suot ko pa rin ang gloves ko dahil natatakot akong masaktan ko siya.
Hinawakan ko siya sa dalawang braso niya at niyugyog siya. “Princess gising” bakit ganun? Parang ang liit liit niya? Nakakatakot siyang hawakan ng madiin. Gusto kong alisin yung gloves ko at i-trace ang bawat parte ng mukha niya at ang makinis niyang balat. Gustong gusto ko pero ayokong may mangyari sa kanyang hindi maganda kapag tinuloy ko ang iniisip ko. Inalis ko na yung mga tali sa braso at paa niya. Bwiset. Bumakat sa balat niya yung taling ginamit nila. Inalalayan ko siya para maka-upo sa sahig at isinandal siya sa poste. Dahan dahan kong Inalis yung tape na nasa bibig niya. Nakita kong may dugo sa gili ng labi niya na siyang nagpakulo ng dugo ko. Pinunasan ko yung dugo gamit ang thumb ko. Nakaka-inis tong gloves na to, bwiset!
Bigla siyang gumalaw ng bahagya. “hmmmm?” nagising na siya. Ayan na, nararamdaman ko nanaman yung abnormal na heartbeat ko. Napahawak ako sa ulo ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig ng naramdaman kong hindi na nakasuot sa ulo ko yung hoodie ko. Hindi ako makagalaw lalo na nung minulat niya ang mga mata niyang napaka-ganda.
That moment when our eyes met, I felt my whole world froze. My heart started to skip a beat and I felt butterflies inside my tummy. She was saying something, wait is she shouting? But why can’t I hear anything besides my heart that’s pounding too loud? I continued to stare at her intensely, naramdaman kong may tumama sa ulo ko and I started to saw drops of blood.
Gusto ko siyang maka-usap at magpakilala pero why do I feel like I’m going to sleep?? Pinilit kong ibuka yung bibig ko at pinilit kong ipakita ang gwapo kong ngiti.
“h-hi!” blaaaaaaag!!
BLACK OUT.
PRINCESS:
Nagising ako ng maramdaman kong may yumuyogyog sa akin. “Princess gising””. Boses ba ng lalaki yun? Naramdaman kong may humahawak sa mga balikat ko, hindi ako makagalaw, nahihilo ako at hindi ko pa ata kayang imulat ang mga mata ko.
Naramdaman kong inaalalayan ako pa-upo at parang nakasandal na ako sa isang malamig na poste.. inalis yung tape na nakatakip sa bibig ko, ouch ang sakit. :”(( may humawak sa labi ko, pero bakit ganun, parang leather ang naramdaman ko? Pinilit ko magsalita at gumalaw. . “hmmmm?” minulat ko yung mata ko ng pilit at hiindi ko na-contain yung bilis ng heartbeat ko lalo na nung nakita ko kung sino yung nasa harapan ko, anu nga ulit pangalan niya?? Sinabi na yun ni sir Ivan last time e. Ahhh tama! Nathan!
Ang gwapo niya, nakakatunaw ang mga titig niya. Nagayon ko lang nakita ang buong mukha niya. Matangos na ilong, singkit na mata, mapupulang labi pero may mga pasa na? hala? Bakit ba tuwing nagkikita kami, may pasa siya?
Napalingon ako sa likuran niya at nakita kong nakatayo yung isang lalaking mukhang unggoy at hahampasin niya si pogi. Hindi ako makakilos dahil sa manhid na nararamdaman ko.
Pinilit kong sumigaw. “sa likod mo! Umiwas ka!!” pero hindi siya gumagalaw. Nakatitig lang siya sakin. At ayun! Tinamaan siya sa ulo ng bat! OMG!!! Bakit hindi siya gumagalaw?!?! Bakit ba nakatitig pa rin siya?!?! Tumutulo na yung dugo sa ulo niya.. waaaaaahhh!!
Nagulat ako ng bigla siyang ngumiti at nagsalita, “h-hi”. Blaaaag! Bumagsak na siya sa sahig. Shocks!!! “tulooooooong!!!!”
May narining akong wang wang. “pare tara na!! may mga pulis!!” nakita kong agad na tumakbo yung tatlong lalaki.
Dumating ang mga pulis, may mga umalalay sakin para makatayo pero hindi pa rin kaya ng katawan ko. Namamanhid pa din ako. Naramdaman ko na lng na may umaalalay sakin para tumayo. Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko siya. Nakahiga siya sa isa pang stretcher at duguan pa rin ang ulo niya. Pinilit kong lumapit sa kanya at hinawakan ko ang kamay niyang may leather gloves. Weird talaga siya.
“salamat. Ikaw nanaman ang nagligtas sakin” dinala na siya sa ambulansya, sumakay din ako sa loob pero hindi ko namalayang nakatulog na ako dhel sa hilo.
BINABASA MO ANG
finding the cursed man's true love
Novela Juvenila story about a man who believes he is everything. he has a perfect life but he plays with girls. until one unfaithful night, his life will change. HE WAS CURSED will he find the answer to the curse?