PRINCESS:
"beks kailangan mo na ba talagang magresign? Malungkot na tanong ni January.
Kumakain kami ngayon dito sa KFC kasama si donut. Bonding time namin tuwing Monday kapag rest day namin.
"Yun kasi ang sabi ni tito Jaime e. Syempre dahel sa utang naming sa kanya, kelangan ko sumunod.."
Umaktong parang iiyak si donut "mamimiss ka namin ni January. Kaya dapat magpa-kape ka at biscuit ha? O kaya naman lugaw beks para mas masarap." Nagsalubong naman ang kilay ko kay donut.
Binatukan ko siya ng malakas. "ano ko ililibing?!?"
At sumunod na binatukan naman ni January si donut. "ang sama mo beks. Iiwan na nga tayo ni princess, pinapatay mo pa yung tao."
"aray naman!" hinawakan niya yung ulo niya. "Baka maalog masyado ang mataba kong utak at mamatay ang brain cells ko mga ati! charot lang naman yun noh? Ayoko lang kasi ng malungkot tayong tatlong magaganda.masisira ang mga beauty naten"
"alam mo donut, lahat tayo may kanya kanyang ganda." Paliwanag ni January.
Tinuro ni January ang sarili niya. "ako, magandang matalino."
"tama tama" pag-sasang-ayon ko naman.
Tinuro naman ako ni January. "si princess naman, magandang simple"
Nagtaas ng kamay si donut na parang estudyanteng hindi mapakali sa upuan kasi nakasilip na ang tae nya sa puwet."e ako? Ako? Magandang maganda ako diba???"
"hindi!" sabay naming sigaw ni January. Kumunot ang noo ni donut. "e ano?"
"maganda ka" sabi ni January sabay lumingon sa akin na tila pareho kami ng naiisip.
"well alam ko naman yan friends. Simula pa lang sa sinapupunan ng muji (mama) ko e nag-kikilay, nagba-blush on at lipstick na kase ako. kaya nung iniluwa ako sa mundong ibabaw, isang magandang bata ang inilabas mula sa kepay ni inang magenta! Hahahahaha!!" kumunot ang noo namin ni January at nagpipigil ng tawa.
"maganda ka naman donut." Lumaki ang ngiti nya sa labi at parang mapupunit na yung bibig niya sa laki ng ngiti niya.
Sabay kaming nagsalita ni January. "MAGANDA ANG UGALI!! Ugali lang! Hahahahahaha!!" tawa kami ng tawa ni January samantalang si donut ay nagsalubong ang kilay.
Kinuha niya yung baso niyang puno ng tubig. "gusto niyong ibuhos ko tong shubidu (tubig) sa mga mukha niyo? Gusto niyong mag-danak ang dugo niyo dito?"
Pinigilan namen ang pagtawa ni January. "oo na. maganda ka na!" hahaha!
Natapos ang araw namin na puro kwentuhan, tawanan at syempre hindi mawawala ang kalandian ni donut kaya tuloy kami ni January napipilitang lumayo at magpanggap na hindi namin siya kilala tuwing may mamanyakin siyang lalaki.
Nakakahiya talaga. Haha!!
BINABASA MO ANG
finding the cursed man's true love
Ficção Adolescentea story about a man who believes he is everything. he has a perfect life but he plays with girls. until one unfaithful night, his life will change. HE WAS CURSED will he find the answer to the curse?