PRINCESS:
Isang linggo na akong parang nakakaramdam ng kulang. Ewan ko ba. 1 week na rin simula ng huminto yung nagpapadala saken ng kung ano ano. At higit sa lahat 1 week na rin simula nung huli kong nakita si Nathan. Oo naaalala ko na yung name niya. Naalala ko nung kinuwento siya ni sir Ivan noong dinala nmen siya sa clinic at nakita ko rin yung records niya sa hospital. Siya pala si Nathan Kayden Yang.
“Ate may sakit ka ba?” naramdaman kong hinawakan ni prince ang noo ko para tignan kung meron nga ba akong sakit. Pinapatulog ko na kasi siya at maya maya’y aalis na ko para magwork sa bar.
“ate wala ka namang sakit e. hindi ka naman mainit.” Pagrereklamo niya at humiga sa tabi ko. Niyakap ko naman siya..
“okay na okay ako prince, wala akong lagnat. Malakas si ate.” Sabay halik sa noo niya.
“ate, hindi kaya may lovenat ka?” tiningnan ko naman siya. Natatawa ako kasi nakasiksik siya sa kili kili ko. Haha!! Teka nga.
“hoy prince. Ang bata bata mo pa, san mo natutunan yang lovenat na yan ha?”
“narinig ko lang yun sa klasmeyt ko ate. Sabi nila yun daw yung sakit kapag laging tulala tska tahimik. Kapag malalim daw yung iniisip. Kapag inaalala daw ung lovelife nila“ kumunot ang noo ko lalo na sa susunod niyang sinabi.
“ate! Break na kayo ng boyfriend mo?? Kaya ka ba may lovenat??”
“ha?? Wala akong boyfriend noh! Ikaw talagang bata ka.” Napatingin ako sa orasan. Naku 5:30 na.
“prince aalis na si ate ha? Magtatrabaho na ako. Matulog ka na at wag ng lalabas ng kwarto. Okay?” lumingon ako sa kanya.
“opo ate!!” niyakap siya ko naman xa at hinalikan sa noo.
“goodnight prince”
“ingat ate! I love you!” napangiti naman ako atska ako tuluyang umalis.
Pagkarating ko sa bar ay napakarami na ng tao. grbe talaga mga kabataan ngayon, imbis na matulog ay eto nasa bar at nag-lalagas ng pera sa alak. Hai. Napalingon ako sa dance floor at agad na nakuha ng isang lalaki ang atensyon ko. Papalapit na sana ako pero bigla siyang umalis sa dance floor.
“Nathan?” sinundan ko yung lalaking naka-hoodie at hinawakan siya sa braso.
Lumingon siya at tinanggal niya yung hood niya.
“hi gorgeous! I’m carl” inilahad niya ang palad niya pero hindi ko ito pinansin.
Ang feelingero naman nun. Hai. Balik trabaho na lang ulit.
Madalas ako napapalingon sa tuwing may nakikita akong naka-hoodie. “nakakainis naman, bakit ba ang daming naka-hoodie rito??” pumasok na ako sa locker para magbihis at maka-uwi na ng may nakita akong pumasok na naka-hoodie nanaman.
-_____-
Sinundan ko ito pero nawala siya. Tumalikod ako at..
“ay kabayong buglat!!”
“hoy princess, hindi ako buglat! Kpop kaya ako. Tignan mo oh.” Inalis ni donut yung hoody niya at nakita ko yung headband niyang may malaking ribbon sa tuktok. Pinilit niya rin pasingkitin yung mata niya para mag-mukha siyang kpop.
Kumunot ang noo ko. “ang panget mo donut, wag mo ng ipilit”
“anong panget?! Tignan mo ang pagrampa ko!” hinubad niya ang hoody niya at ang pants niya.
“Tada!! Maganda ba? Aakitin ko kasi si sir Ivan mamaya para halayin niya na ako at iuwi sa baler (bahay) niya. Hahahaha!!”
“O.M.G.” napanganga ako sa itsura niya. Dress na halos dibdib at kepay lang ang natatakpan (pero wala naman siyang ganun?) ang nakakaloka, kulay gold pa! mukha siyang goldfish na patay!! Natawa ako ng napakalakas.
“HAHAHAHAHAHA!!”
“ladies and gentlemen, let’s all welcome, ang nag-iisang kabayong balakangin, donut!!” napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si January na ginagawang mic ang bote ng tubig at umaaktong parang host ng show.
“I 2 3 pak!” bawat hakbang ni donut ay binibilang niya, at kasabay ng PAK niya ay ang pagkembot niya sa kanan na akala mo mababali ang buto niya.
“1 2 3 pak!” humakbang siya ulit ng tatlong beses at kasabay nanamn ng PAK niya ay ang pagbato niya ng mga kamay niya sa ere at todo chest out niyang post. Baklang bakla.
“pak! Pak! Pak! Pak! Pak! Pak!” bawat lakad ni donut ay kasabay niyang isinisigaw ang PAK at todo hampas ng balakang at bewang niya na kala mo wala na siyang buto. Nakita ko si January na tawa ng tawa habang hawak ang kanyang tiyan.
“gud afternun madlang people! My name is donut. Naniniwala ako sa kasabihan na bakla man ako sa inyong paningin, nakakabuntis rin! Thank you!!” kumaway kaway pa siya na parang miss universe at eto naman ako, tawa pa rin ng tawa.
“o ayan, tumawa ka rin sa wakas” napalingon ako kay January na nasa tabi ko na pala.
“oo nga beks.. Isang linggo ka na kasing parang zombie na hindi nakakakain ng brain. Para kang living dead. Ang laki laki pa ng eyebags mo! Sinasakop na ng eyebags mo yang face mo!” kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni
donut. Malaki na ba talaga ang eyebags ko? Kasalanan to ni Nathan, hindi ako makatulog, masyado pag naiisip ko siya!!
“Hay nako, wala ka nanaman sa sarili mo. Halika na, umuwi na tayo.” Yaya ni January at hinila na kami palabas ng bar.
Diretso uwi ako at agad na humilata sa kama ko. Nakita ko yung gloves ni Nathan sa mesa katabi ng kama. Haaaay.
Pinilit ko ng ipikit ang mata ko para matulog. Halo halo ang pumasok sa isipan ko. Bakit hindi ko na siya nakikita? Umiiwas kaya siya?
Am I missing him? Hai.
BINABASA MO ANG
finding the cursed man's true love
Novela Juvenila story about a man who believes he is everything. he has a perfect life but he plays with girls. until one unfaithful night, his life will change. HE WAS CURSED will he find the answer to the curse?