CHAPTER 20: MEET THE BOSS

12 0 0
                                    

PRINCESS:

Ang lamig na ng kamay ko at hindi na mapigilang manginig ng dalawa kong tuhod. Kanina pa ako nakatayo sa tapat ng isang napakalaking golden gate.

Bigla itong bumukas. “mam, pasok na po kayo.” May tinuro siyang maliit na sasakyan. Ang cute! “Sakay na lng po kayo dun sa golf car na yun”

Nakaka-excite naman! “thank you kuya guard!” nakasakay ako ngayon sa isang golf car. Grabe ang laki pala sa loob nito. May isang napakalaking golf course ang nakapalibot sa isang puting mansion. Kaya pala ako pinasakay ng golf car, hindi kasi kakayanin na lakarin mula gate hanggang sa mansion. 

Huminto kami sa tapat ng puting mansion at may sumalubong na isang lalaking nakasuot ng all black. 

“welcome princess, my name is Lee” siya ba yung boss ko? 

Yumuko ako para gumalang at bumati. “hello po boss!” 

“haha! I’m not going to be your boss. Please follow me”. Ay hindi pala siya ang boss ko.

Sinundan ko sya at pumasok kami sa loob ng mansion. Ang ganda ng loob. Halatang mamahalin ang mga gamit. Lahat ng makikita sa loob ay blue at white lang. 

Bigla siyang huminto sa isang kwarto na may malaking puting pinto. “please wait here” pumasok siya sa loob. 

“Sir, andito na po siya” kinakabahan ako.

“let her in” I heard a man’s voice. 

Muling lumabas si Mr Lee at binuksan ang pinto para sakin “Please come inside.”.

Inayos ko ang suot kong dress. Simple lang naman, hindi mahaba pero hindi rin maiksi. Pumasok ako sa loob. Akala ko kwarto, pero puro papel at malalaking bookshelf ang nasa loob. Office pala to.

Napalingon ako sa bandang dulo ng kwarto. May isang lalaking naka itim na coat, itim na polo at puting necktie ang nakita kong nakasandal sa mesa. Medyo silhouette siya dahil sa glass window na nasa likod ng mesa. Kitang kita ang view ng golf course. Ang ganda. 

Nagsimulang lumapit sakin yung lalaki at dun ko naaninag ang mukha niya. OMG ang gwapo naman neto. Alam mong may edad na siya pero hindi mo mahahalata kung ilang taon na dhel napaka-kinis ng balat niya at mukhang napaka-bait tignan ang mukha. Siya ba ang boss ko? Ang gwapo!! 

Hahahahahahaha!!!

NICHOLAS:

Lumakad ako papalapit sa kanya. “Hello Princess Sophia” Inilahad ko ang palad ko at kinuha naman niya ito.

“I am Nicholas Yang” nakita ko ang napakaganda niyang ngiti. No doubts on why my son likes this girl.

“Goodmorning po! I am Princess at your service!” at nagbow siya na parang tunay na prinsesa. 

Natawa naman ako sa kanya. “haha! too much respect my dear. Please have a seat.” Itinuro ko ang mini sala sa loob ng office ko at umupo naman siya sa isang couch. 

Umupo ako sa couch na kaharap niya at sinimulan siyang tanungin.

PRINCESS:

Pina-upo niya ako sa couch at umupo naman siya sa tapat ko. Ang galing naman, may sala sa loob ng office niya. Ang gara. Kinakabahan ako. Mukhang may interview pa. Huhuhu!! Wag sanang English Lord. Jusmiyo por pabor!!

-______________-"

“so princess, can you cook?” una niyang tanong.

“Yes sir!” ako pa? kapangpangan ang mama ko at tinuruan niya akong magluto. Walang problema ang pagluluto sakin.

“that’s perfect. can you do laundry, wash dishes and clean a house?” sunod sunod na ang naging tanong niya. Pero parang biglang nagloading ang isip.

Yun lang ba? Kayang kaya! Si tita OIga nga pinaglilinis pa ako ng swimming pool. Naalala ko pa nung pinakuskus niya yung tiles ng buong swimming pool at pina-vacuum niya pa. hindi ko nga maisip kung bakit niya pinavacuum ang pool. Weird lang pero nakakapagod yun grabe.

Napatingin ako kay Sir Nicholas at nakita kong naka-kunot ang noo niya. Ay nagtatanong pala siya. 

Tumayo ako at sumaludo na parang military. “opo! Kayang kaya po!” 

Tumayo rin siya at inayos ang suot niya. “Good. Then you’re hired. 20 thousand a month. Free food and free lodging. You can start tomorrow. Ihahatid ka ni Lee sa condo ng anak ko bukas ng umaga. So please be here at exactly 8am.”

“yes sir!”

yey 20 thousand!!

Yey free food!

Yey free lodging! 

WAIT!? Hatid? Condo? anak? 

Hindi ko napigilang laksan ang boses ko at mapasigaw ng..

“HUH?”

“hahahaha!” tumawa si sir Nicholas sa reaksyon ko. Nbakakahiya. Bakit ba hindi ko napigilang laksan yung boses ko? Huhuhuhuhuhu!!

“I’m sorry. Natatawa lng ako sayo. You kept on saying Yes sir with matching salute but the truth is you didn’t understand what I just said.” Napatitig ako sa kanya at naramdaman kong namumula na ako sa kahihiyan. Para akong statwa na nakasaludo at dahan dahan ng kinakain ng lupa..

“I’m not going to be your boss. You’re real boss is my son. Nakatira siya ngayon sa condo. He has issues kaya kelangan nya dun mag-stay. Don’t worry hindi siya nangangain. Bukas you will meet him.” Tumalikod na siya kaya nakahinga naman ako ng maluwang at ibinaba na ang kamay ko. 

Lalabas na sana ako ng office niya ng tinawag niya ako uli. 

“by the way princess.” Nilingon ko siya at naramdaman kong lalong namula ang mukha ko na para ng kamatis sa sinabi niya.

“don’t worry, mas gwapo siya sakin” sabay kindat. OMG ang gwapo niya. Tatay na ba talaga siya?? Haha!!

finding the cursed man's true loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon