CHAPTER 19: NEW JOB

9 0 0
                                    

PRINCESS:

FLASHBACK:

“Simula bukas, hindi ka na dito titira sa bahay. May nagbayad ng utang niyo sa akin but they want to hire you. Magsisilbi ka bilang isang personal maid. Mas malaki ang magiging sahod mo dun at mas makakapag-ipon ka para sa kapatid mong si Prince. “ tiningnan ko si tito at pilit na iniintindi yung bawat salitang sinasabi niya.

Napatingin ako sa kapatid kong si prince na kasalukuyang naglalaro. “pero pano po si Prince? Kung magsisilbi po akong personal maid, does it mean na I have to stay at my master’s house?” tumingin si tito kay prince at bumalik ang tingin sa akin.

“Prince will stay at mama helen’s house. Dun muna siya kay lola niya para na rin may maka-laro siyang mga bata tutal nandun yung mga pinsan niya. Also he will continue his study there too. Don’t worry sophia, sagot ko na ang school na papasukan niya. Meron namang special school dun. Kaya yung maiipon mo sa work mo, itabi mo para sa panggamot ni prince” 

Mejo gumaan naman ang loob ko sa sinabi ni tito. Si lola Helen ay ang ina ni dad. Tatlo silang magkakapatid. Si tito Jaime ang panganay, siya yung tumulong sa amin nung namatay ang parents namin ni prince at nagbayad ng utang namin nung nalugi ang kumpanya ni dad. Pangalawa naman si dad. Yung bunso sa kanila ay si tito Jansen na kasama ni lola Helen sa Tarlac. Siya yung nagpapalago at nag-aasikaso ng Farm ni lola. Andun ang family ni tito Jansen kaya napanatag naman ako kung dun muna mag-stay si prince.

“so here is the address” may inabot si tito sa akin na papel.

Napatingin ako sa paper at nakasulat ang isang address. Tower B ayala gardens makati city.

”You will meet your boss tomorrow. Be in your best behaviour. Ok?”

“o-opo uncle!” 

“I’ll go ahead” yumuko ako bilang pagbigay galang at siya naman ay umalis na ng mansion.

Tinignan ko ulit ang papel na may address. Nakaramdam ako ng excitement. 

“new job? Para sa aking mga pangarap!” sumuntok ako sa hangin na parang baliw.

“Aja princess!” 

MR NICHOLAS:

“Sir, andito na po siya” napalingon ako kay agent Lee na kakapasok lang sa pinto. 

Tumayo ako at sumandal sa mesa ko. Inayos ko ang suot kong coat at necktie. ”let her in” 

“Please come inside.” At may isang babae ang pumasok. Maliit lang siya pero kapansin pansin ang mata niyang nakangiti. Simple lang siya pero angat ang ganda niya. Hindi na ako magtataka kung bakit siya nagustuhan ni Nathan.

finding the cursed man's true loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon