PRINCESS:
Ang aga ko nagising para mag-ayos ng sarili. Ngayon ko makikilala ang totoo kong boss. At sabi ni my Nicholas, mas gwapo pa sa kanya? Naku naman. Kelangan ko ng undies na makakapal ang garter. Baka kasi malaglag ang panty ko sa ka-gwapuhan nila. Echos lang. nahawa na ata ako kay donut. Huhu!!
Erase erase!
“Andito na tayo.”. Tumingin ako sa building na nasa harapan ko. May nakasulat na TOWER B. Ang ganda. Dito na ako titira? Binuhat ko na ang bag ko. Ang bigat talaga. Nagsalita si mr Lee. “mauna na kayo sa lobby at ipapark ko lang ang kotse”.
Sinunod ko si Mr Lee. Pumasok ako sa lobby at binati ng receptionist.
“gudmorning mam.”
Nakita ko si Mr Lee na lumabas sa kabilang side. Nilapitan ko na siya at Pumasok kami sa elevator at pinindot ang 3rd floor.
TING!!!
Huminto kami sa tapat ng isang kwarto.
ROOM 333.
This is it!! Huhu! Ang lakas ng heartbeat ko, parang nakikipagkarera.
Bumukas ang pinto.
Pinikit ko ang mata ko at mabilis na nagdasal.
“Good afternoon Young Master. This is Princess, your personal maid”
Yumuko ako para magbow. Pag angat ko ng ulo ko, isang lalaki ang bumungad sakin.
Booooooooogsh!!
BLACK OUT.
NATHAN:
“Thank you dad! I will. Okay bye!” ibinaba ko ang phone ko at laking tuwa ng sabihin sakin ni dad na magkakaron ako ng personal maid na ngayon ang dating.
“FINALLY!” Napasigaw ako. Sa wakas ay di ko na kelangan mag-take out ng pagkain. At higit sa lahat, may maglilinis na ng condo ko.
Kumuha ako ng sigarilyo at tumapat sa bintana ng condo. Napansin ko ang isang kotseng itim na huminto sa tapat ng tower B.
I kept on staring at the car as if a magnet was pulling me and giving me instructions to keep both my eyes on the car.
Cough. Cough. Cough.
Para akong lumunok ng tambutso ng nakita ko yung babaeng lumabas ng kotse.
Imbis na ibuga ko yung usok ng sigarilyo e nalunok ko at lumabas sa ilong ko.
Shit ang sakit. Tumingin ako ulit sa labas at nakita siyang papasok ng lobby at may dala dalang malaking backpack.
Para akong mamamatay sa nararamdaman ko. Yung isa kong kamay ay nakahawak sa lalamunan kong masakit dahel sa usok na nalunok ko habang yung isa naman ay naka-hawak sa dibdib ko na napakalakas ng tibok. Abnormal nanaman ang heartbeat ko. May sakit na ata talaga ako.
Knock! Knock! Knock!
I heard a knock on my door and I saw Agent Lee.
“Good afternoon Young Master. This is Princess, your personal maid”
Kung kanina sobrang bilis ng heartbeat ko, ngayon huminto na sya.
I saw her closing her eyes as if she was praying. I looked at her from head to toe.
She’s wearing a simple jeans and a black v-neck. Kahit anong simple ng suot niya, nadadala niya pa rin.
Nagulat ako ng bigla siyang yumuko na parang nagbibigay galang.
What the heck? Teka nga, asan na ba yung heartbeat ko? Bakit parang hindi na bumalik? Tsk!
Iniangat niya ang ulo niya at ilang segundo lang ng biglang
Booooooooogsh!!
Hala?! Hinimatay ba siya??? shit!
BINABASA MO ANG
finding the cursed man's true love
Novela Juvenila story about a man who believes he is everything. he has a perfect life but he plays with girls. until one unfaithful night, his life will change. HE WAS CURSED will he find the answer to the curse?