Chapter 9: Finding Help

10 0 0
                                    

CHAPTER 8: FINDING HELP

PRINCESS:

"Please, whatever happens don't bring me to the hospital" natataranta ako at hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa dami na ng dugong nanggagaling sa tagiliran niya.

Inalis ko yung hood na nakatakip sa ulo niya at tila na-love at first sight ako ng nakita ko ang napakagwapo niyang mukha. Ay shocks! Wag ka muna magpantasya ngaun princess!! Sinampal ko yung pisngi ko. San ko ba siya dadalhin kung ayaw niya sa hospital?? Shocks!! Alam ko na!

"January! January!" agad akong pumasok sa locker room at hinanap ang kaibigan kong nurse.

"ano bang problema mong babae ka at nagsisisigaw ka diyan?!?" kunot noong sabi ni January.

"hoy bakla ka ng taon! Bakit ba napaka-ingay mong bilat (babae) ka?!"

"ay kabayong pink!" nakakagulat naman tong si donut. Bigla biglang nasulpot.

"hoy princess! OO BAKLA ako at alam kong pink ang buhok ko! Ano bang problema?!" sabi ni donut habang nag-aayos ng buhok na one sided. Kaka-iba tlga tong baklang to.

"tulong! May gwapo! Ay este nasaksak!" sigaw ko at agad naman silang nataranta. Kaya hinila ko sila sa parking lot. Buti na lng out na namen at umalis na kami sa bar.

"oh my gosh!! Too much blood!! We have to bring him at the nearest hospital!" sigaw ni January pero itong si donut..

Parang anytime tutulo na ang laway nya "ang gwapo naman!! Baka kelangan niya muna ng mouth to mouth. Ako ang magliligtas sa kanya!" umakto siyang pumulot ng bato at isinubo ito sabay sigaw ng "Darna!!" bigla siyang lumuhod at hahalikan na yung gwapo..

"heeeeeeeeeeeeeeeppp!!!" sabay naming sigaw ni January at hinila si donut papalayo sa kanya.

"kumalma ka nga beks! Pigilan mo muna yang ka-landian mo!" sigaw ni january at umakto ring may pinulot na bato at ibinigay kay donut. "oh eto, pangkuskos. Kuskusin mo muna yang kati mo! Charot lang! Mamaya n yang kakatihan mo beks! Buhatin mo na siya!!" Agad agad naman niyang binuhat si pogi. Halos tatlo na kami ang nag-bubuhat sa kanya.

"hey whats happening here?" isang kotse ang huminto sa tapat naming tatlo at iniluwa ng kotse si sir Ivan na napaka-gwapo. Siya ang co-owner ng Infinity Bar.

"papa Ivan! We need help! Kawawa naman itong boyfriend ko!!" lahat kami napatingin kay donut at pinanliitan namin ng mata.

"charot lang" kahit kelan tlga tong donut na to, napaka-landi! Agad namang lumapit si Ivan para tumulong.

"isakay nyo na siya sa kotse ko" pagkasakay naming lahat ay agad na pinaharurot ni Ivan ang kotse niya.

"Ivan ayaw niya magpadala sa hospital".

"dun na lang tayo sa clinic ni dad! May mga gamit naman doon at ako na ang bahala sa kanya!" tarantang tarantang sabi ni January habang pinipigilan niya ang pag-labas ng dugo sa tagiliran ni pogi. Buti na lng at nurse itong kaibigan ko pero mas pinangarap maging barista. Ang labo niya. -____-

finding the cursed man's true loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon