Chapter 10: Clinic

7 0 0
                                    

PRINCESS:

Pagkarating na pagkarating namin sa clinic nila, agad na inilapag si pogi sa bed na parang nagmukhang maliit nung inihiga siya. Ngaun ko lang napansin na ang tangkad niya pala. Halos lumagpas n ung paa nya sa clinic bed. Gosh.

"Sir Ivan, dun na lang po muna kayo sa sala. Baka madumihan pa po kayo dito. Donut, magtimpla ka muna ng kape para ka sir." Utos ni January habang isa isang kumukuha ng mga gamit na gagamitin niya. hinila naman ni donut si Sir Ivan palabas ng clinic.

Napalingon ako kay january ng kausapin nya si pogi. "Sorry pogi ah? Kelangan kong gupitin yung jacket mo para Makita ko yung galos mo." Ginupit niya ang jacket nito at sinimulan niya ng gamutin si pogi.

"gosh, ang hot naman nitong nadampot mo princess. Nakakadestruct yung abs niya. Haha!" tawang tawang sabi ni January.

Napatitig naman ako kay pogi. "hoy wag kang tumunganga diyan at hawakan mo to para huminto yung pag-labas ng dugo niya. Lilinisan ko yung sugat niya" lumapit naman ako at hinawakan yung tela para idiin sa tagiliran ni pogi. Shocks, tama si january, nakakadestruct nga yung abs niya. Nakakaloka.. gusto kong hawakan.. para akong nahi-hypnotize at parang sinisigawan ako ng mga pandesal niya na hawakan ko sila pero nagulat ako ng may isang kamay ang naunang humawak.

"ay kabayo!!" nagulat ako ng nakita ko si donut na hinihimas himas ang abs ni pogi habang kagat labi pa niyang tinitignan ang mga pandesal nito.

"hoy donut!! Maharot ka talaga! Mamaya ka na nga kumemper dito!! Labas!! Shoo!!" pagtataboy sa kanya ni january at tawang tawa naman ako sa itsura niya. Akala mo nalugi sa lotto.

"Ang dadamot niyong kaibigan!! Ayaw niyo i-share ang pandesal!! Che!"

"oh heto bente!! Bumili ka ng pandesal para may makain tayo!!" sigaw ko at sabay bato ng bente kay donut.

"Pwede bang yun na lang ang kainin ko?" sabay turo sa abs ni pogi.

"LAYAS!!" sabay naming sigaw ni january. Haha! Nakakatawa tlga itong si donut.

"ayan, okay na. tatakpan na lng naten ang sugat niya" tumayo si january at may kinuhang kung ano sa cabinet. Ako naman ay umupo sa chair na katapat ng table.

"alam mo ang gwapo sana nitong guy na to. But he's kinda weird. Bakit kaya siya naka-gloves e ang init init dito sa pinas? Tanggalin na nga natin ito. Weird. Haha!!" napatingin ako sa mga kamay niya. Oo nga noh? Hindi ko napansin yun. Bakit nga kaya? Ganyan kaya ang porma ng anak mayaman?

"Ayan tapos na. tara kain tayo at nagutom ako sa mga pinag-gagawa nten." Sbi ni january at lumabas kami ng clinic. Pagkarating namin sa dining table na malapit lang naman sa clinic ay masayang nag-kakape si donut at sir Ivan.

"okay na ba si boyfie ko?" ambisyosang tanong ni donut sabay batok ni january.

"Aay ko naman january! Sadista ka!" reklamo ni donut habang hinihimas ang ulo niya.

"Ano ba ang ngyari sa kanya at bakit kasama niyo si nathan?" lahat kami napatingin kay sir Ivan. Kilala niya yung lalaki??

"oo nya pwinfeff, ano ba falaga ang fangyari?? fska filawa fnyo si pfogi fsir Ivan??" ano daw? Hindi ko naintindihan yung sinabi ni january.

"January, wala ako naintindihan sa sinabi mo. Wag ka nga magsalita kung puno yung bibig mo ng pagkain!" reklamo ko sa kanya.

Bigla naman sumagot c donut."anu ba yan! Ang slow!! Ang sabi nya, ano daw ba talga ang ngyari at bakit niyo daw po kilala si pogi sir ivan? sabi Donut habang iniinum yung kape niya.

"naintindihan mo yun??" gulat kong tanong kay donut.

"oo princess kasi isa akong matalinong kabayo na may pink na buhok. Charot! Oo naman!!. Mataba kasi ang utak ko. Hahaha!! " Tawa ako ng tawa kay donut kasi naintindihan nya si january. Para siyang alien. Hahahahahahhahahaha!!! Pero nahinto ako kakatawa ng nagsalita si sir Ivan.

"Well, that guy is Nathan Kayden Yang. Heir of the Sky Airlines. The only son of Nicholas Yang. Kilala siya sa Bar ko dhil madalas sila ng bestfriend niyang si Lance Timothy Go. Usap usapan sila karamihan ng mga babaeng patay na patay sa kanila. Theyre chick magnets, playboys I think." Sagot ni sir Ivan sa tanong ni January. Playboy yung poging sumagip sakin? Hindi ba kung playboy siya, hindi niya hahayaang mabugbog ang mukha niya o magalusan ang balat niya. Bakit niya ako sinagip? Ang haba naman ng hair ko. Chos lang, wag ka ngang feelingera princess.

"ganito kasi ang ngyari". Panimula ko at ikinuwento ko na sa kanila ang lahat ng pangyayari.

"I-Im s-sorry for what happened princess. As soon as possible I will fire manager Jin. Mali ang ginawa niya." Nakita ko ang pagiging sincere ni Sir Ivan sa mga sinabi niya.

"Thank you sir Ivan"

"I should get going. Thank you sa breakfast."

"Ingat ho kayo sir Ivan. Pasensya na sa abala"hinatid nila si Sir Ivan.

"PRINCESS TARA!!! HINDI KA BA SASAMA MAGHATID??" sigaw ni January.

"ah hindi na, ichecheck ko muna si pogi ay este yung lalaki. Ingat sir Ivan! Salamat po ulit ng marami!!" kumaway kaway naman ako. ano ba yan nakakahiya. For sure namumula ako ngayon. -_________-

finding the cursed man's true loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon