PASKO NG OFW
Spoken Word Poetry
Sinulat ni Randy Bataanon
Pagkatapos ng panahon ng nakakapasong init
Ang simoy ay napalitan naman ng hanging malamig
Ayos na sana pero may narinig akong nakaka istress
Ano pa kundi ang pasko daw ay malapit ng sumapit
Akoy isang OFW, at hindi naman ako mayaman
Ngunit marami akong kamag anak at mga kaibigan
Silay nangungumusta sabi ay sana ok ka lang dyan
Parapasko ko sana ay wag mong kalilimutan
Nakaka gaan naman talaga ng kalooban
Ang maalala ng mga kamag anak at mga kaibigan
Kaya lamang ay nahihiya ako na kanilang malaman
Na ang passport ko ay naka sangla pa sa pautangan
Gusto ko nga sana na sa Pilipinas mag pasko
Makasama ang pamilya at kumain ng handang paborito
Ngunit ang ibibili ko ng ticket ay ipapadala ko na sa inyo
Pang bayad sa matrikula at pang Noche Buena ninyo
Ngayon ay naiintindihan ko na ang Pasko ng OFW
Hindi para sa sarili kundi para maging masaya kayo
Sapat nang naka ngiti ang mga taong mahal mo
Kahit na sa home sick ay tumutulo ang luha namin ditto
Ang tulang ito ay hindi para sila ay ipahiya o sumbatan
Ngunit sana naman kami ay unawain din kumg minsan
Sanay na kami sa kalungkutan at sa hirap ng katawan
Sana naman wag nang dagdagan ang hirap ng kalooban
Salamat na lang at sigaw lang ng amo ang naranasan
Ngunit hindi ganun ang kalagayan ng ibang kabayan
May ilang tumalon sa bintana dahil pinagsamantalahan
May hindi pinapasahod at pinagmamalupitan
Ang lahat ng hirap ay parang balewala lamang naman
Ang importante ay ang pamilya na kanilang naiwan
Buwan buwan ay may obligasyon na dapat padalhan
Yun naman ang dahilan ng sakripisyong pinagtitiisan
Ang pinaka masakit pala na dito ay aming naranasan
Na habang malayo kami ay pumanaw ang magulang
Maigi kung ikaw ay payagang umuwi ng madalian
Ngunit marami ang umiiyak na lang sa kalungkutan
Ang isa pang mahirap at nakakapag-sikip ng dibdib
Ay kung mabalitaan mong ang anak mo ay maysakit
Magdadasal ka na lang at sa Panginoon ay kakapit
Na kahit malayo kami ang Diyos ay palaging malapit
Habang tumitindi ang lamig sa aming paligid
Ang lungkot sa puso at luha sa mata ay nangingilid
Ayaw ko na yatang marinig ang mga pamaskong awit
Mga ala-ala ng saya sa Pilipinas sa tuwing paskoy sasapit
Salamat na lang at nakilala namin ang Panginoon
Na siyang lakas namin, matibay na Pundasyon
Si Hesus ang aming karamay sa mahabang panahon
Sa bawat panalangin ay naroon ang kanyang proteksyon
Sa paskong ito ay mayroon akong nais na bigyan
Hindi kamag anak o mga malalapit na kaibigan
Dahil ang tunay may kaarawan sa araw ng kapaskuhan
Ay si Hesus, syang dapat nating sambahin at regaluhan
Hindi nya kailangan ng mga material na pwedeng ibigay
Kundi ang buong pusong pag samba ay sapat ng alay
Ang handog ko sa kanya ay ang aking buong buhay
Sapat ang kanyang pagpapala, Sya rin ang aking gabay
Akoy isang OFW at akoy isang manlalakbay lamang
Kaya anuman ang narating sa bansang kinalalagyan
Hinding hindi ko makakalimutan ang aking pinagmulan
Isang araw akoy babalik sa aking tunay na tahanan
Ako rin ay isang OFW na pansamanta lamang sa mundo
Ang totoo, lahat naman ng tao ay walang nanatili dito
Ngunit ng isuko ko ang buhay ko kay Hesus Panginon ko
Ang wika nga niya, sa langit ang tunay na tahanan ninyo
Akoy isang kristiano at isang manlalakbay lamang
Kaya anuman ang narating sa mundog kinalalagyan
Hindi ko makakalimutan na Diyos ang tunay na dahilan
Isang araw akoy babalik sa kanyang kaharian
Bayani ang tawag nila sa mga kagaya namin
Ngunit hindi ko ipinagmamalaki anuman ang narating
Hubad tayong dumating at isinilang sa mundong ito
At wala din tayong madadala pag alis natin dito
Kung mayroon man akong pwedeng maipag yabang
Ipinagmamaki ko ang Panginoon tanging Siya lamang
Kung hindi dahil sa kanyang grasya na naranasan
Wala rin ang mga pagpapalang sa buhay koy umuulan
Sa paskong itoy nais kong buong pusong magpasalamat
Sa lahat ng biyaya na araw araw ay natatanggap
Sa pagkakataong maka alis ng bansa at makapag lakbay
Mula sa isang OFW, Salamat po sa iyonng pagsubaybay
YOU ARE READING
PASKO NG OFW
ŞiirPagkatapos ng panahon ng nakakapasong init Ang simoy ay napalitan naman ng hanging malamig Ayos na sana pero may narinig akong nakaka istress Ano pa kundi ang pasko daw ay malapit ng sumapit