Kayla's POV
April 09, 2019
4 PMBumaba ako sa bus na sinasakyan ko galing Manila habang napakalakas pa rin ng ulan.
Iritang irita ako kasi sinabi ko kay Papa na sunduin ako pero sa hindi malamang dahilan, 'di siya sumasagot sa mga text at tawag ko.
Buti nalang nakatanggap ako ng text galing kay Papa habang nasa tricycle ako na nasa meeting pa pala siya sa barangay nila kaya 'di na niya ako nasundo.
Pagdating ko sa bahay namin, biglang bumigat ang nararamdaman ko dahil naalala ko siya.
"I'm sorry Kayla. Hindi ko na kaya. Hindi na nagwowork."
"Please let me go. Hindi na natin 'to maaayos."
"Mag-iingat ka nalang palagi doon at good luck sayo."
"Mahal kita sana lagi mo yang tandaan."
Sobrang hirap pala talaga na wala siya. Pakiramdam ko hindi ko kakayanin 'to pero kailangan.
Bakit kailangan nating umabot sa ganito Andrei?
Bakit ka sumuko? Kung mahal mo talaga ako gaya ng sinasabi mo, sana hindi ka bumitaw.
Isang taon at mahigit bakit ganon lang kadali para sa'yo na itapon?
April 09, 2026
4 AMHindi ko pa rin alam kung ano ba ang susuotin ko. Okay naman na yung itsura ko pero kinakabahan pa rin talaga ako.
"Kayla! Bilisan mo naman. Kanina pa kami naghihintay ni Papa!" sigaw ng kapatid kong napakaganda.
Ihahatid na nila ako sa Tacloban City para sa flight ko pabalik ng Manila kung saan ako magrereport sa shipping company namin pero pakiramdam ko hindi pa ako handang bumalik sa lugar na 'yon.
"Oo na! Eto na nga eh!" sagot ko habang pababa na ng hagdan.
Handa na ba ako? Syempre hindi.
Kakayanin ko ba? Di ako sure.
Masaya ba ako? Syempre oo.Nakalagay na ang mga gamit na dadalhin ko sa sasakyan. Handa na ang lahat ako nalang ang hindi.
"Bakit ba ang tagal mo Kayla?" tanong ni Anne, kapatid ko at 3 years na mas bata pa sa akin pero di man lang marunong mag Ate.
"Matagal ba yun? Maaga lang talaga kayo duh!" pabirong sagot ko.
"Mag-ingat ka don nak ha? Tumawag ka sa akin o sa kapatid mo pag nandun ka na. Handa na ba lahat ng kailangan mo?" tanong ni Papa.
"Opo okay na lahat. Ako nalang hindi pero go laban lang. And yes, tatawag po ako agad pagdating na pagdating ko." sagot ko at tumango lang siya mula sa driver's seat.
Sobrang dami kong memories sa Manila and it's just too much for me to handle pero wala naman akong magagawa.
17 years old ako non, exactly 7 years mula noong magdesisyon akong umuwi dito sa Southern Leyte para ipagpatuloy ang sirang sira kong buhay dahil sa pagkawala nila Mama at Lola.
7 years kong pinaghirapang buuhin ang sarili ko. Natatakot ako dahil baka hindi sapat ang pitong taon para kayanin ko uli.
Kung ano ano pa ang iniisip ko hanggang sa dalawin na ako ng antok. Tatlong oras din ang byahe mula dito sa Sogod papuntang Tacloban City.
-----------------------------------------------------------
Whew! So how's that? Cringey ba or what? Hahahaha so far okay naman siya sa akin. Sana sa inyo din HAHA
BINABASA MO ANG
The Fire And Water's Tale
RomanceIsa itong kuwento ng pag-iibigan sa pagitan ng apoy at tubig. Kababalik lang ni Nekayla Quijano Ruiz mula sa Cebu kung saan siya nagreview at pumasa sa kanyang Board Exam para maging isang ganap na Third Engineer. Wala nama...