Chapter 8- Dinner with Ex

14 0 0
                                    

Drei's POV

April 10, 2026
7 PM

Napigil ang aking hininga nang isang napakagandang dalaga na may suot na pulang damit at mahabang itim na buhok ang bumaba sa isang sasakyan.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ko na si Kayla pala yon.

My first love.

Napakalaki na ng pinagbago niya. Mas pumuti na siya, mas kuminis at talagang mas sumexy kahit pa noong chubby siya, sexy na siya para sa akin.

Napakaganda niya lalo dahil sa make-up niya na simple lang pero talagang mas na-enhance ang ganda na meron siya.

Nakita ko uli ang pamilyar na makakapal na kilay, magagandang mga mata, at pamatay na ngiti niya.

Hindi ko akalaing ganito ang mararamdaman ko ngayong papalapit na siya saakin.

"Pwede mo na pong tanggalin yang pang maniac mo na tingin Kuya," biro niya.

"Uh-uhm...Hi?" Mautal utal kong sagot sa kanya. Seryoso? Bakit parang nanunuyo ang lalamunan ko sa napakagandang dilag na nasa harap ko ngayon.

"So ano nga uli yung sasabihin mo?" Tanong niya.

At dahil sa tanong na yon, para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil naalala ko kung bakit nga pala kami nagkita ngayon.

"Look, alam ko sobrang hirap kong patawarin. Maling mali ako sa mga nagawa ko sayo pero sana mapatawad mo pa rin ako. Hindi kita dapat iniwan noon. Sana hindi ako sumuko at sana pinaglaban kita, tayo." Sinsero kong sinabi sakanya.

Kitang kita ko sa mga mata niya ang galit at sakit habang sinasabi ko ang mga yon pero bigla itong nawala.

"It's okay. Hindi ka pa humihingi ng tawad, napatawad na kita pero hindi porket napatawad na kita, kinalimutan ko na rin yon. After 7 years, gusto ko pa rin palang malaman ang sagot sa mga tanong ko, if you don't mind," malamig niyang sagot.

"Sige. Ano ba yun?" ngunit naputol ang pag-uusap namin nang dumating na ang mga inorder kong pagkain.

Nilagyan na rin ng waiter ang mga baso namin ng red wine.

Hindi ako sigurado kung gusto niya pa rin ang mga pagkain na inorder ko pero nang makita kong nagliwanag ang mga mata niya sa pagkain, nakahinga ako nang maluwag.

Umorder ako ng paborito niyang lasagna, steak at lechon kawali habang leche flan at isang chocolate cake ang napili kong dessert namin.

Nagsimula na kaming kumain. Wala ni isang nagsasalita at parehong iniintindi lang ang pagkain na nasa harap.

Nang matapos siyang kumain, nakita ko na mukhang may katext or kachat siya dahil bigla nalang siyang ngumingiti habang gamit ang phone niya.

Hindi ko alam pero nairita ako at nawalan ng gana. Hindi ko sigurado kung dahil ba nagseselos ako na may ibang nagpapangiti sakanya nang ganon o dahil naiirita lang ako na kasama niya ako pero gumagamit siya ng phone. Siguro parehas?

Nang matapos na siya sa pakikipagusap sa kung sino mang hayop na nagpapasaya sa kanya, tinignan niya ako sa mga mata.

"Oh? Anong problema? Bakit parang anytime mananapak ka na?"

"Sino yon? Mukhang ang saya saya mo sa kausap mo ah. Kahit may kasama ka na, binibigyan mo pa rin siya ng oras," naiirita kong sagot.

"Oops sorry about that. Natatawa lang kasi ako sa mga pinagsasasabi nila Gab," sagot niya.

"Gab? Is that your new boyfriend?" Tanong ko habang pinipigil ang kamao ko na halos punitin na ang pantalon ko dahil sa gigil.

"It's none of your business. Anyway, may ilan lang akong tanong. Bakit mo ko iniwan?"

"Kay, I'm very sorry. Kinailangan kitang iwan noon dahil napakahirap ng LDR hindi pa ako handa. Isa pa, kinailangan kong magfocus sa trabaho at sa mga training ko," sagot ko.

"Kung mahal mo talaga ako gaya ng sinabi mo noon, bakit ka sumuko?" Tanong niya.

"I'm sorry. Maniwala ka o hindi, pinagsisihan kong sumuko ako sa'yo, sa atin."

"Bakit di mo tinupad mga pangako mo sa akin noon?" Malamig niyang tanong sa akin.

"Naduwag ako. Mahina ako. Hindi ko pala kaya na panindigan yung mga pangako ko noon lalo na nung nasa malayo ka na kasi ang hirap nung ang layo layo mo," naluluha kong sagot.

"Bakit nakipagrelasyon ka sa iba kahit ilang buwan palang tayong hiwalay?"
Ramdam ko ang sakit sa boses niya.

"I'm sorry. Kinailangan ko lang ng magmamahal sa akin noon; ng magpaparamdam sa akin na mahalaga ako. Kinailangan ko ng mag-aalaga sa akin. Mahina ako alam ko," sagot ko.

"Hindi ko ba naparamdam sayo na mahal na mahal kita noon? Hindi ko ba naparamdam na mahalaga ka? Hindi ba kita naalagaan kahit nasa malayo na ako noon?" Naluluha niyang tanong.

"Pinaramdam," nakayuko kong sagot dahil nagbabanta na rin ang mga luha kong umagos.

"Then why?! Bakit Andrei? Bakit mo ko pinagpalit sa malapit?! Bakit hindi ka nakuntento!" Umiiyak niyang sagot sa akin na napalakas pa nga.

"I'm sorry Kay pero masisisi mo ba ako?"

"What the f*ck?! You're such an asshole! Hindi mo alam kung gaano mo ko nasaktan!" Sagot niya sabay diretso palabas ng resturant pero hinila ko ang kamay niya at hinarap siya saakin.

"Ano ba? Bitiwan mo ako! Drei, ang daming dumating! Ang daming mas better na malapit! Pero araw-araw kitang pinili kasi mahal na mahal kita! Pero ako? Pinili mo ba ako?!" Umiiyak niyang sinabi.

"Put*ngina Drei! Pinaglaban kita sa lahat! Binigay ko sa'yo lahat lahat! Wala akong tinira sa sarili ko! Para lang ano? Para lang iwan mo at ipagpalit sa malapit? Hindi ka ba nakokonsensya ha?! Wala kang kuwenta!"

Pagkasabi niya ng mga salitang yon, ginawa ko ang bagay na matagal ko pa gustong gustong gawin. Hinalikan ko siya nang mariin sa labi kahit pa nagpupumiglas siya.

Nang halos maubusan na ako ng hangin, binitawan ko siya.

Pak!

Isang malakas na sampal ang natanggap ko. Ang init sa mukha ng sampal niya kaya sigurado akong nagmarka ang kamay niya doon.

"Hindi mo deserve mahalin o patawarin. Pinagsisisihan kong minahal kita."

Pagkasabi niya ng mga salitang yon, pinara niya ang isang taxi at umalis na.

Naiwan ako sa daan na nakahawak pa rin sa pisngi ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.

Tuwa dahil nagkita kami uli at nahalikan ko pa siya pero sakit dahil sa pananakit ko sa babaeng mahal ko.

Idagdag mo pa pala ang selos na may kasamang galit dahil may iba ng nagpapasaya sakanya.

-----------------------------------------------------------

Sana all nagkiss! Charot! Ano na kayang mangyayari? Mukhang galit na galit si Madam Kayla!

If you are enjoying my story, please vote and share it with your friends! Anyway, I would also appreciate your comments or suggestions! ❤

The Fire And Water's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon