"Okay okay, sorry. You are so cute, Ms. Gorgeous. Hindi naman siguro sa iniisip nilang kabit ka ni Mr. Cordovez pero baka may ibang Cordovez na interested sa'yo and wants you possessively."
"And who the hell would that be?"
But instead of answering me, tinignan niya lang ako nang mariin sa mata at hinalikan na para bang sakanya lang ako.
Am I his?
-----------------------------------------------------------
WARNING: MEDYO SPG! PERO MEDYO LANG TALAGA. YOU HAVE BEEN WARNED.
April 11, 2026
12:15 AMKayla's POV
Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking ito pero namalayan ko nalang ang sarili kong sinasagot na ang mga halik niya.
Para bang mababaliw ako sa pagtatagpo ng aming mga labi dahil animo'y ginawa ang bawat isa para sa isa't isa lamang.
At kahit pa lulong na rin sa alak, pinili ko pa ring itigil ang aming halikan.
Pak!
Sinampal ko siya subalit parang wala lang ito sakanya at nang aakto na sana akong tatayo, hinila niya ako pabalik sakanya at mas lalo niyang diniinan ang halik sa akin.
Ayaw na niya akong pakawalan, sigurado ako dyan at para bang konti nalang talaga ay bibigay na rin ako at papayag na mapa sakanya nang tuluyan.
Napapikit na rin ako at ninamnam ang tamis ng kanyang mapupusok at mapang angking labi.
Nakapulupot ang aking kaliwang kamay sa kanyang leeg habang ang kanan ay nasa kanyang buhok.
Siya naman ay nakahawak sa aking bewang habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa aking pisngi.
Pagkalipas ng ilang minuto, pareho kaming tumigil dahil pareho na naming hinahabol ang aming hininga.
Sakto namang dumating sila Gabby kasama ang kani-kanilang date.
"OMG! ...Cordovez? Ang hot mo pala sa personal!" Saad ni Rachel na halos di ko na maintindihan dahil biglang nakaramdam ako ng kakaibang init sa aming halik.
"Shhh! Oo wag ka maingay please," pagpapatahimik sakanya ng napakaguwapong nilalang na kanina ay kahalikan ko lang.
Nagkayayaan ang lahat na umuwi na dahil kapwa mga pagod at lasing na rin nang maalala ko na wala nga pala akong sasakyan dito sa Manila.
"Your place or mine?" Tanong niya.
"I'm yours Mr. Hottie," biro ko sabay tawa nang napakalakas kung saan pati siya ay napatawa na rin.
"Okay you're mine. So we'll be in my place, Ms. Gorgeous."
Napangiti lang ako nang isakay niya ako sa kanyang Ferrari kung saan siya pa ang nagseat belt sa akin dahil sa labis kong kalasingan.
April 11, 2026
1 AMSebastian's POV
Hindi ko mapigilang mapangiti habang tinitignan ang napakagandang dalaga na nasa passenger seat ng aking sasakyan.
Mahimbing na siyang natutulog. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mag-uuwi ako ng babae sa condo ko dahil madalas kapag may babae ako, sa hotel ko lang dinadala.
Pero hindi ang babaeng ito. She's a fire and I love that about her. There's something in her that makes me want to draw closer to her. I am indeed like a moth that's so drawn to her flames.
BINABASA MO ANG
The Fire And Water's Tale
RomanceIsa itong kuwento ng pag-iibigan sa pagitan ng apoy at tubig. Kababalik lang ni Nekayla Quijano Ruiz mula sa Cebu kung saan siya nagreview at pumasa sa kanyang Board Exam para maging isang ganap na Third Engineer. Wala nama...