Sandro's POV
April 09, 2026
8:20 AMNaputol ang pag-alala ko sa araw na unang beses kaming nagkita dahil binisita na ako ng antok.
Ang sarap matulog dahil ganito kami kalapit sa isa't isa.
Kayla's POV
April 09, 2026
9:00 AMNagising ako dahil sa announcement ng mga piloto pero dahan dahan ko lang na inalis ang ulo ko sa balikat ni Engr. Baldos.
Teka? Paano ako napunta don? Eh ang natatandaan ko nasa may bintana yung ulo ko.
Pero anyway, dahan dahan ko na ring ginising si Engr. Baldos. Ang guwapo niya. Sobra.
Ay mali. Mas gumwapo pa siya.
"Ang bilis naman. Kakatulog ko palang," sagot niya in a husky voice habang kukurap kurap pa ang mga mata.
Sh*t! This guy will be the death of me. Sobrang sexy ng boses niya but chill.
Sabay na kaming bumaba ni Engr. Baldos/Hubby ko dati charot!
Nagtext na sa akin ang bestfriend ko mula nung High School na si Iska na nandoon na daw sila ng long time boyfriend niya na si JF.
"So it's a goodbye na? See you again Hubby. Namiss din kita," sabay kindat sa kanya.
Tila di niya inasahan ang pagtawag ko sa kanya ng Hubby kaya napangiti ako lalo sa reaksyon niya.
"Ha? Uhm, oo. Bye? Ingat ka," sagot niya habang nakakamot sa pa sa ulo niya at namumula pa ang pisngi.
Nilagay ko na ang mga gamit ko sa trunk ng sasakyan nila Iska at pasakay na sana nang bigla niya akong tawagin.
"Kayla! Pwede kong makuha number mo?" Tanong niya.
"Hmm, not now Hubby. Next time nalang."
"You always make things hard for me. I hate it but I love it at the same time. See you, Engr. Ruiz," and with that killer smile he left.
"So kamusta naman ang flight with your ex char char?" Usisa ni Iska.
"Char char mo mukha mo. Wala lang yung sa amin dati no!"
"Oh really? Kaya pala may paiyak-iyak pa with matching love letters nung graduation niya. Diba babe?" Pagpapakampi pa niya kay JF.
"Tama ka dyan babe. Sorry Kay, support ko talaga si babe dyan banda," sagot ni JF.
"Sus if I know nagkakampihan lang talaga kayo like always duh," then I rolled my eyes.
"So saan ka magsstay beb?" Tanong ni Iska.
"Sa BGC nalang beb. Sa Forbeswood Heights. May condo ako don na hinuhulugan. Isang taon pa bago matapos," then I sighed.
"Chaaar! Ibang level na talaga bestfriend ko! Sige go doon tayo!"
April 09, 2026
12 PMNatapos ko ng ayusin ang mga gamit ko dito sa condo thanks sa tulong nila Iska.
And right now, namimili ako sa food panda ng mga pagkain na kakainin ko.
Balak ko mag mukbang kaso di ko alam kung sinong isasama ko kasi syempre nakisingit lang ako sa babe time nila Iska and ayaw ko naman maging third wheel of the decade.
Then bigla kong naalala si Gabby!!!
So I immediately called him.
"Mamsh! I miss you!!!" I squealed.
"OMG! I miss you more! Kamusta na dai?" Tanong niya.
"Dito ako ngayon sa BGC. Sabi nila Jill, nandito ka rin daw sa Manila ngayon. Baka gusto mo mag overnight dito sa condo and bond with me?"
"Ofcourse I'd love that shit! Marami akong chika for you dai! So wait for me kasi I'll be there in fifteen minutes!"
"Okay. Go! Forbeswood Heights, 9C!"
Then I hang up.
So while waiting for Gabriel Andrews, my twin mula sa ibang nanay, nagdecide akong buksan yung facebook account ko na inaamag na.
And after checking out some notifications, parang nalaglag ata yung puso ko.
Andrei Rivero sent a friend request.
-----------------------------------------------------------
Oops! Andrei Rivero is back! Ano kaya ang mga mangyayari? Will Kayla accept his friend request or nah?
BINABASA MO ANG
The Fire And Water's Tale
RomanceIsa itong kuwento ng pag-iibigan sa pagitan ng apoy at tubig. Kababalik lang ni Nekayla Quijano Ruiz mula sa Cebu kung saan siya nagreview at pumasa sa kanyang Board Exam para maging isang ganap na Third Engineer. Wala nama...