Kayla's POV
April 10, 2026
9 PMUmiiyak kong pinara itong taxi na sinasakyan ko ngayon dahil sa walang kuwentang Andrei Rivero na yon.
Hindi ko talaga alam bakit ba pinagaksayahan ko pa yon ng oras. Sana hindi nalang.
Sobrang sakit lang isipin na pagkalipas ng 7 fucking years, siya pa rin.
Napakarami na ng ibang dumating pero alam ko sa sarili ko na siya pa rin ang nag-iisang sinisigaw ng tanga kong puso.
Sobrang sakit lang nung sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ng relasyon namin noon, mas pinili niyang bumitaw at iwan ako.
Ang hirap hirap kalimutan kung paano niya ako minsang minahal at inalagaan pero at the end of the day, kinaya niyang sumaya kahit wala ako kaya dapat kayanin ko rin.
Alam ng Diyos kung gaano ko siya minahal at kung gaano ko kagustong tuluyan ng makalaya sa pagmamahal niya kahit pa napakahirap.
Kaya naman sinabi ko sa sarili ko na ito na ang huling gabi na iiyak ako dahil sakanya. Ito na ang huling gabi na siya ang isisigaw ng puso ko.
Hindi ko na hahayaang pigilan niya akong sumaya. And speaking of happiness, tinext ko sila Gab na papunta na ako.
Kailangan ko ito. Kailangan ko ang kahit isang gabi man lang na kalayaan mula sa lahat.
Nekayla: Papunta na ako mamsh. Saan kayo banda?
After 5 minutes...
Gabby: Sige dai. Ingat ha. Dalian mo na kasi kanina pa kami nag-iinom dito kaya makulit na yung kambal HAHAHA
Nekayla: Okay hahaha
Pagkalipas ng sampung minuto, dumating na ako sa Local Heaven, ang paborito naming bar nila Gab.
Hindi pa ako nakakapasok sa loob, rinig na rinig ko na ang tugtog na halos basagin na ang tenga ko.
Subalit kahit ganon, isang ngiti pa rin ang gumuhit sa aking labi nang makita ko sila Gabby, mga kambal na sina Rachel at Russel, mag-asawa na sina Jillian at Sean, Melojean at asawa niyang si Xyeus na masayang masayang nag-iinuman sa isang pwesto kung saan hindi masyadong malakas ang tugtog.
"OMG Kayla! Miss na miss na kita!" Saad ni Melojean habang niyayakap ako.
"Ako rin beb! Ang saya kasi nandito kayo ngayon!" Sagot ko naman habang papunta kami sa couch kung saan kami umupo.
"So bakit ang ganda ganda mo ngayon beb? Nahiya naman kami masyado sa red dress mo ha," biro ni Jillian sa akin.
"Nakipagdinner kasi yan sa walang kamatayang first love niya," sagot ni Gab para sa akin.
"Ayon naman pala. May pa-dinner si Mayora kaya naman pala sobrang bongga ng itsura pero I love it. Bagay na bagay sayo yan Kay," saad ni Russel kambal na babae ni Rachel.
"Hoy ano ba! Wala nakong pera. Masyado niyo na akong binobola," sagot ko kaya nagtawanan kaming lahat.
"Kahit makipag 5 seconds ka nalang sa isang stranger dito pwede na samin," sabi ni Rachel kaya mas lalo silang nagtawanan.
Nagpatuloy ang gabi na puno ng tawanan, asaran at kuwentuhan. Damang dama ko na masaya rin sila na nagkasama kami uli.
April 11, 2026
12 AMHindi namin namalayan na alas dose na pala ng madaling araw pero lalo lang tumataas ang bilang ng mga tao sa bar imbis na mabawasan.
Unti-unti na akong nahihilo kahit pa napakagaan sa pakiramdam dahil ba naman sa taas ng tagay nila sa akin para naman daw makabawi ako sa pagiging late ko.
BINABASA MO ANG
The Fire And Water's Tale
RomanceIsa itong kuwento ng pag-iibigan sa pagitan ng apoy at tubig. Kababalik lang ni Nekayla Quijano Ruiz mula sa Cebu kung saan siya nagreview at pumasa sa kanyang Board Exam para maging isang ganap na Third Engineer. Wala nama...