Chapter 7- The Preparations

14 0 0
                                    

Kayla's POV

April 10, 2026
4 AM

Hindi ko na kinaya ang panunuod ng mga video namin kaya pinatay ko na ang laptop ko.

Hanggang ngayon napakasakit pa rin para sa akin ng ginawa niya.

Magdadalawang taong pagmamahalan tinapon niya tapos ngayon babalik siya?

Ang kapal ng mukha niya!

Hindi ko na namalayan na eto na naman pala ako. Iniisip siya habang siya ay masaya na sa buhay niya na wala ako.

Humahagulhol na naman ako sa iyak buwiset kahit kanina pa ako umiiyak. Nakakapagod na talaga dahil ang sakit sa mata.

Hanggang sa hindi ko na talaga kinaya at tuluyan na akong nagpakain sa antok.

April 10, 2026
9 AM

Nagising ako sa mabangong pancake at bacon na naaamoy ko. Sinong nagluluto?

Ay oo nga pala. Dito pala natulog si Gabby kaya kahit antok pa talaga ako, bumangon pa rin ako para kumain dahil amoy masarap talaga.

"Hi mamsh! Good morning! Anyare sayo? Bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa dyan? Magang maga mata mo?" Tanong agad ni Gabby.

"Wala ano... may binasa lang ako na libro kagabi tapos sobrang nakakaiyak kaya eto ang resulta," pagsisinungaling ko kahit ang aga aga pa para magkasala hays. Sorry Lord.

"Grabe te ang OA mo lang hay nako. Oh eto na. Breakfast is ready! Kain na tayo kasi may meeting pa kami sa office ng 10 AM," sabi ni Gabby.

"Opo eto na nga oh," sabay subo ng pancake.

"Mmmm ang sarap talaga ng luto mo mamsh! Thank you!" Komento ko.

"Alam ko dai. Masarap talaga ako. Charot! Ako pa ba?" Biro pa niya kaya dumagundong ang tawanan sa silid.

Pagkatapos ng agahan, nagligpit na ako ng hapag kainan at naghugas ng pinggan habang naligo naman si Gabby.

Pagpatak ng 9:30 ng umaga, umalis na si Gabby para dumiretso sa opisina nila kaya naiwan na naman ako mag-isa.

Naalala ko si Drei. Makikipagkita ba ako sakanya?

Matapos ang ilang libong beses na pag-iisip, napagdesisyunan ko na makipagkita sakanya at ipakita na wala na saakin ang nakaraan namin.

Kahit pa di ako sigurado kung wala na ba talaga saakin ang nakaraan.

Nagreply na ako...

Nekayla: Hi Drei! Pasensya na ngayon ko lang nabasa yung mga chat mo. Wala na sakin yon. Ano ka ba HAHA pero kung gusto mo talaga makipagkita, available ako mamayang gabi, 7 PM.

Pagkalipas ng limang minuto, sumagot na siya.

Andrei: Hala talaga? Maraming salamat Kay! So paano? Sa Italliani's Resturant nalang? Sa SM MOA Seaside? Magpapareserve na ako.

Nekayla: Sure.

Andrei: Salamat talaga at pasensya sa abala.

Nekayla: Sige lang.

April 10, 2026
5 PM

Dalawang oras nalang bago kami magkita ni Drei pero hindi ko pa rin alam kung anong susuotin ko.

Nagkalat na ang mga damit ko sa kama at lahat ng mga closet ko ay bukas na dahil hindi ko talaga alam kung anong susuotin.

Ayaw kong magmukhang basura pero ayaw ko rin namang magmukhang sobrang pinaghandaan ko 'to.

Kaya napagdesisyunan ko nalang na suotin ang isang red velvet off shoulders dress na hapit sa katawan ko para mabigyan ng emphasis ang dibdib, balakang at pwet ko habang isang simpleng red heels na may taas na 2 inches ang sinuot ko.

Para sa accessories, naisip ko na gumamit ng earcuff, kwintas na may pendant na moon, at magsuot rin ng manipis na relo na lahat ay silver.

Naligo na ako at nagsimulang mag-ayos. Isang simpleng make-up lang ang ginawa ko habang pinlantsa ko lang ang itim at mahaba kong buhok na hinati ko lang sa gitna.

Nilagyan ko na rin ng Vitress hair shiner ang buhok ko para naman mas magmukhang maayos.

Nang makuntento na ako sa itsura ko, nagbook na ako sa Grab dahil wala akong sasakyan dito sa Manila.

Mabuti na nga lang at pagkalipas ng mahigit sampung minuto, dumating na si Kuya Driver kaya sumakay na ako.

April 10, 2026
6:35 PM

Habang nasa sasakyan, binuksan ko ang messenger ko at nakita na may message pala si Drei.

Andrei: Hi Kay. Malapit na ako. Ingat ka ha.

Nekayla: Ako rin. Salamat.

Kinakabahan talaga ako pero kailangan kong kumalma at magmukhang hindi man lang apektado sa presensya niya para matapos na 'to agad.

Tinext ko na rin sila Gab, Lontoco Twins, mga mag-asawa na sina Jill at Sean Rosios & Melojean at Ross Diaz na lahat ngayon ay nasa isang bar sa Malate na susunod nalang ako dahil nga makikipagkita pa ako kay Drei.

Pagkalipas ng ilan pang minuto, nagpasalamat ako kay Kuya Driver at agad ng bumaba sa Italianni's Resturant kung saan nakita ko ang isang pamilyar na matipunong lalaki na may taas na 5'8, malapad na dibdib, maputing balat, malinis na gupit, matangos na ilong, malalaking mga mata, at manipis na pulang labi na nakangiti sa akin habang may tumutugtog ng violin sa kantang A Thousand Years ni Christina Perrie.

-----------------------------------------------------------

OMG! Nagkita na uli si Drei at Kayla after 7 years! Up next is Drei's POV! Kaya kumapit na kayo guys dahil matindi ang mga susunod na mangyayari.

Have a great day ahead lovely people!

The Fire And Water's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon