Sandro's POV
April 09, 2026
8:10 AMHindi ko mapigilang mapangiti kapag tinitignan ko ang mga kamay namin ni Wifey.
Mahimbing na siyang natutulog ngayon kaya di na niya napansin na nilagay ko ang ulo niya sa may balikat ko.
Ang dali niya pa ring makatulog hanggang ngayon. Kayla is still the sleepy head that I always knew.
Ang sarap lang sa pakiramdam na ganito kami kalapit sa isa't isa. God knows how much I missed holding her like this.
Kung alam ko lang sana kung gaano ako kahalaga at kaespesyal sa kanya noon.
August 02, 2021
6 AMNaghanda na kaming mga officers at mga graduting students papunta sa may tabing-dagat kung saan gaganapin ang final examination ng mga first year students.
Dadalhin sila sa malalim lalim na parte ng dagat at kung sino man ang ligtas na makakasurvive habang nandun kami para lunurin sila ang siyang papasa sa final examination.
Hinubad ko na agad ang suot kong t-shirt at dumiretso sa tubig pero may naka agaw ng atensyon ko.
Isang napakagandang babae na may saktong katawan, medyo morena na balat, itim na mahaba habang buhok at higit sa lahat agaw pansing ngiti. Grabe. Mas lalo siyang gumaganda dahil sa mala-perlas niyang ngipin at mga dimples na mas malalim pa sa dagat na 'to.
Paano niya nagagawang ngumiti ngayong alam niyang lulunurin namin sila? Seryoso ba siya?
Pero wait. Kahit gaano pa siya kaganda, kailangan niya pa ring patunayan ang sarili niya sa amin kaya naman nagpatuloy lang ako sa paglangoy at sinabayan ang isang plebo na lulunurin ko.
"Pagbilang ko ng tatlo, Seniors! Alam niyo na ang gagawin niyo! Plebians! Gawin niyo ang lahat para malampasan 'to at makabalik sa pampang nang buhay!"
Sigaw ko bago ako bumilang ng tatlo at pumito, hudyat para umpisahan na nilang lunurin ang mga first year.
Nilulunod ko na ang plebong inassign sa akin nang makita ko si Fuentes, ang senior na naka assign sa babaeng maganda na nakita ko kanina na hirap na hirap na lunurin ang plebo niya.
Dahil sa lakas at determinasyon ng first year na nilulunod ko, tuluyan na nga siyang nakawala sa akin dahilan para ang buong atensyon ko ay mapunta kila Fuentes.
Tuluyan na rin siyang nakawala kay Fuentes at kasalukuyang lumalangoy papunta sa pampang.
Pero natigilan siya nang marinig niya ang paghingi ng saklolo ng kasamahan niyang first year na tuluyan ng iniwan ng senior nito sa gitna ng dagat.
Hindi namin pwedeng tulungan ang plebong humihingi ng saklolo dahil parte yon ng exam nila kaya ganun nalang ang gulat naming lahat sa mga sumunod na pangyayari.
Lumalangoy na ang magandang dilag papunta sa plebong humihingi ng saklolo na biglang tumigil at tuluyan nang nalunod.
Dahil dito, mas binilisan pa ng babae ang paglangoy at kahit malalim na doon banda, ginamit niya pa rin ang lakas niya at sumisid.
Hindi ko mapaliwanag ang paghanga na nararamdaman ko para sa kanya sa mga oras na yon. Hindi lang siya maganda bagkus ay mayroon din siyang napakabuting puso.
Laking tuwa ko nang umahon siya habang akay akay ang lalaki na humingi ng saklolo.
Nagawa niyang lumangoy nang napakabilis mula doon papuntang pampang kahit pa bakas sa kanya ang hirap.
Wala pa ring malay ang plebo kaya naman ginawa niya ang kailangan niyang gawin.
Mouth-to-mouth resucitation!
Bakit parang gusto kong ako nalang yung nasa sitwasyon ng lalaking nalunod?
Hanggang sa naging ayos na ang kasama niya at mula sa araw na yon, umani ang dalaga ng respeto at paghanga mula sa amin pati na rin sa iba pang kagalang galang na ospisyal ng MAAP.
Pumito ako upang lahat ng atensyon nila ay bumalik sa akin.
"Sa lahat ng matagumpay na nakabalik dito sa pampang, give yourselves a round of applause! Congratulations! You all did a great job!" Nakangiting saad ko sa kanila.
Ang mga babae ay nakasuot ng rubber na one piece at nakaimprenta sa likod ang kanilang apelyido.
Pagtalikod niya, nakita ko ang nakasulat. Ruiz.
"Ruiz!" Tawag ko sa kanya.
Lumingon siya at mas nakita ko ang napakaganda niyang mukha at bumilis ang tibok ng puso ko paglapit niya.
"Yes sir?" Tanong niya.
"Hindi mo kailangang gawin yon pero ginawa mo pa rin. Ngayon palang, maswerte na ang MAAP to have you. Continue saving others," marahan kong sinabi sa kanya.
"Salamat sir!" Sagot niya sabay ngiti.
At sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng mga paru-paro sa tyan ko. Seryoso ba talaga lahat ng to?
"Y-y-you are dismissed!" Mautal utal kong utos sa kanya.
"Sir, thank you sir!" Sagot niya habang nakasaludo sabay alis.
Ruiz. Anong ginagawa mo sa akin?
----------------------------------------------------------
OMG! Humahaba na pagsusulat ko. HAHAHAHA sana nagugustuhan nung 24 readers ko. Thank you for reading! I really appreciate it!
BINABASA MO ANG
The Fire And Water's Tale
RomantikIsa itong kuwento ng pag-iibigan sa pagitan ng apoy at tubig. Kababalik lang ni Nekayla Quijano Ruiz mula sa Cebu kung saan siya nagreview at pumasa sa kanyang Board Exam para maging isang ganap na Third Engineer. Wala nama...