Chapter 6- Buried for 7 Years

16 1 0
                                    

Kayla's POV

April 10, 2026
3 AM

So it's already 3 AM pero yung utak ko ayaw pa ring kumalma. Seriously? Anong kailangan niya sakin?

It's been 7 years pero bakit ganito pa rin yung epekto niya sa akin?

Kaya kahit na hirap na hirap ako, napagdesisyunan ko pa ring basahin yung mga message niya sa akin.

12:05 AM

Andrei: Hi Kay. Alam ko ayaw mo na akong makausap pero baka lang magbago yung isip mo at pumayag kang makipagdinner sa akin bukas?

12:20 AM

Andrei: Sorry. Baka busy ka. Sige. Pasensya na. Sinubukan ko lang baka sakali lang na pagbigyan mo ako.

12:28 AM

Andrei: Kabababa ko lang ng barko. Tapos nabalitaan ko na ikakasal na si Jonathan at Honey next week. Naisip ko na siguradong nandoon ka kasi maid-of-honor kayo ni Kharyl.

12:30 AM

Andrei: Gusto ko sanang makausap ka muna and ask for your forgiveness bago yung kasal nila.

Anong isasagot ko? Hindi ko talaga alam. I'm freaking out to the point na nawala sa isip ko na ikakasal na nga pala sila Honey!

Jonathan Villacorte is Drei's bestfriend. Noong mga panahon na iniwan ako ni Drei, laging nandyan si Than para damayan ako.

We even became good friends to the point na pumunta pa sa Leyte si Than which is the time kung kailan ko naman pinakilala si Honey sa kanya and the rest is history.

Sobrang saya ko para sa mga kaibigan ko kahit pa taga "sana all" pa rin ako sakanila after 7 years HAHAHA

But their marriage also meant Drei being in there kaya hindi ko na alam kung dapat ba akong pumayag sa gusto niya o hindi.

Hanggang sa naalala ko ang araw na sinagot ko siya.

July 28, 2017
8 PM

Nakahiga ako sa dibdib niya at masayang masayang nakikinig sa pintig ng puso niya habang nasa kwarto ko.

Katatapos lang namin manuod ng TV at sinusulit lang namin ang mga oras naming magkasama. Ilang buwan na rin ang nakalipas nang unang beses kaming nagkita.

Sinong mag-aakala na mamahalin ko ang isang estrangherong nakilala ko lang sa isang site na tinatawag na Oblivion?

Dahan dahan niya lang na pinapadaan ang mga daliri niya sa buhok ko nang bigla akong tumingala at ngumiti sa kanya.

"Hmm, bakit? May sasabihin ka Kay?" Curious niyang tanong habang marahan naman niyang hinahaplos ang pisngi ko.

"Meron. Napagisip isip ko na pumapayag na akong maging girlfriend mo. Sapat na sa akin lahat ng mga ginagawa mo para mapapayag ako. Drei, it's a yes!" Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Weh? Sigurado ka na dyan? Baka napipilitan ka lang? Willing pa akong maghintay," saad niya.

"Oo nga. Siguradong sigurado na ako," sagot ko.

Hindi ko mapaliwanag ang expresyon na pinapakita niya nang bigla siyang tumayo dala dala ang abot tenga niyang mga ngiti at nag happy dance.

"Yes! Yes! Thank you talaga baby! I love you so much!" Masayang masaya niyang sagot habang pinaghahalikan ako sa ulo, pisngi at noo.

"Okay okay. Kalma na."

"Di pa rin ako makapaniwala na pumapayag ka ng maging boyfriend ako! I promise baby I will be the best boyfriend ever!"

"Oo na sige na," nakangiti kong sagot at noong panahong yon alam kong napakasaya ko.

Kanina pa di mawala wala sa isip ko si Drei kaya naman kinuha ko ang laptop ko at sinaksak ang flashdrive na naglalaman ng mga larawan at videos namin ni Drei noon.

Hindi ko talaga alam kung anong meron saakin pero kahit mahirap ay pinanuod ko ang mga videos namin.

July 28, 2018
5 PM

Unti-unti ng tinatanggal ni Drei ang panyo na nilagay niya sa mga mata ko dahil may surprise daw siya.

Nagulat ako dahil hindi ko alam na nasa Dream Land pala kaming dalawa.

Isang condotel sa Cubao na paborito naming puntahan kapag pakiramdam namin pinapatay na kami ng mga problema at stress namin.

Sobrang ganda ng paligid. Hindi ko maimagine ang effort na ginawa ni Drei para dito.

Punong puno ng rose petals ang kama at ang sahig. Mayroon ding mga kandila na nakaporma ng heart habang nasa gitna ng heart na yon ang isang lamesa na may dalawang upuan.

Mas nakadagdag pa sa magandang paligid ang mga larawan namin na nakadikit sa dingding habang may nakalagay na I. LOVE. YOU.

Higit na lumapad ang ngiti sa aking labi nang tumugtog ang paborito naming kanta, Kung Di Rin Lang Ikaw ng December Avenue feat. Moira Dela Torre.

"Happy 1st Annivesary love! Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Alam mo naman yan diba? You are the greatest thing that ever happened to me. I promise to take care of you always, love you even when you hate me and make you smile when you are feeling down. Hinding hindi ako mawawala sa tabi mo kasi we will be together through thick and thin that only death could tear us apart. Kasama mo ako sa pagtupad mo ng mga pangarap mo at ganon ka din sa akin. Hindi buo ang araw ko kung hindi kita nakakausap sana alam mo yan. Ikaw ang lahat lahat sa akin. Maraming salamat sa pagmamahal mo love," saad niya.

Hindi ko namalayan na para na palang gripo ang mga mata ko dahil sa walang tigil na pag agos ng mga luha ko dahil sa kaligayahan.

"Alam ko masyado pa tayong bata. 21 years old lang ako habang ikaw ay 17 years old pero mahal na mahal kita baby. I want to spend the rest of my life with you. Hindi natin kailangang magpakasal bukas mismo kasi handa naman akong hintayin ka hanggang makagraduate ka. But para makasiguro ako na di ka na maaagaw ng iba, can you please answer my question?" Tanong niya habang unti-unting lumuluhod.

Tumango lang ako bilang sagot dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin ko pagkatapos ng lahat ng ito.

"Ms. Nekayla Ruiz, will you be my wife, the mother of our kids and be Mrs. Nekayla Rivero?" Tanong niya habang nakalabas ang isang kahon na may lamang singsing.

Hindi ko maipaliwanag ang ligayang nararamdaman ko ng mga oras na yon. It was just too much for me. I can't believe that he's asking me to marry him soon.

"Yes! Yes! I will be your Mrs. Rivero!" Sagot ko habang umiiyak sa tuwa sabay halik sakanya sa labi.

Pagkatapos non, tumayo na siya at naglakad papunta sa may lamesa kung saan pala nakalagay ang camera niya.

"Love, kanina pa nagrerecord yung camera ko," paliwanag niya sabay kuha sa camera niya na saksi sa lahat.

"Love anong masasabi mo ngayon na isang taon na tayo?" Tanong niya habang nakatutok sa amin ang camera.

Hindi na muna ako sumagot at basta ko nalang siyang hinalikan sa labi sabay sabi ng, "Sobrang saya! This is the best one year in my life! Guys, lagi niyong tandaan na mahal na mahal ko si Mr. Andrei Rivero so off limits na siya sa inyo!"

Tumawa siya sa sinabi ko pero mas nanatili ang ngiti sa kanyang labi habang hinahalikan niya ako sa noo.

-----------------------------------------------------------

Grabe naman pala yung pinagdaanan ni Andrei at Kayla. Ano kayang susunod na mga mangyayari?

I hope you're having a nice day guys kasi mas inuna ko pang isulat to kesa magreview para sa exams ko HAHAHA

Anyway, #KayDrei team ka ba?

The Fire And Water's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon