Simula

2 0 0
                                    


Simula...

Nasa isang parke ako ngayon nakaupo sa isang swing.. ang daming batang nag lalaro ngayon. Ang mga iba ay nag hahabulan at may iba naman ay nag kukwentohan.

May nahagip ang aking mata isang kuting na puti napakaganda nito at sorbrang cute... asan na kaya ang amo nito... tumayo ako at pinuntahan yung kuting.

"Hi asan ang amo mo?" Tanong ko sa kuting na animo'y sasagutin ako

Binuhat ko naman sya ang ganda talaga nya bakit kaya nag iisa tong kuting na to?

"Ang cute mo naman" sabay haplos sa kanya "Gusto mo bang iuwi nalang kita?" Tanong ko nanaman

"Meow.." Sabi nya at dinilaan ako. Napangiti ako sa kanyan ginawa

Paalis na sana ako ng may kumalabit sakin.. isang lalaking kaidaran ko ang cute naman nya pero parang suplado ang awra nya

"Bakit?" Tanong ko

"That cat is mine." Cold na sabi nya

"S-sayo pala to. Bat mo sya pinapabayaan?" Medyo tumaas ang boses ko na sya namang ikinabigla nya

"Hindi ko sya pinabayaan." Sagot nya sa tamad na tono sabay kuha ng kuting na hawak ko aba walang pasalamat tong isang to!

"Hoy! Mister sungit thank you ha? Kasi nakita ko yung pusa mo!" Aniya ko

"Salamat..." saka tinignan si whitey "What your name?" Tanong nya

"Tantan. Ikaw?" Balik tanong ko sakanya

"I'm Xanxan.. tantan salamat ahh" Sabi nya at ngumiti

"Ahh.. ehh.. wala yun haha" at napakamot ako sa ulo " nga pala mag isa kalang?" Tanong ko

"Uhmm.. I'm just walking around tapos nawala na si princess sa tabi ko" Sabi nya saka hinaplos si whitey

"Ahh... dapat kasi bantayan mo sya ng maigi. Nga pala saan ka nakatira?" Aniya ko

"Malapit lang dito." Sagot nya

"Ako din dun lang sa tapat lang" Sabi ko saka ko itinuro yung bahay namin tumango naman sya

"Nga pala xanxan ngayon lang kita nakita dito sa park. Ngayon kalang ba lumabas ng bahay nyo?" Tanong ko sakanya

"Ang daldal mo tantan.. Kakauwi palang kasi namin kaya ngayon mo lang ako nakita. Galing kaming China." Mahabang sagot nya

Ahh kaya pala ngayon ko lang sya nakita sa park saka ngayon ko lang nakita yung mukha nya ang gwapo nya.. hahahaha

"Tara libre kita ng ice cream" yaya ko sakanya kaagad naman syang tumango

Nag lakad kami papunta kay manong jud sya yung nag titinda ng sorbetes dito sa park mag ka vibes kami ni manong saka alam nya pag palapit nako saka alam nya yung favorite flavor ko ng ice cream which is Cookies and cream.

"Tantan... ikaw pala ano isang order ba?" Tanong nya sakin saka tinignan si xanxan

"Ahh dalawa po mano jud. Kaibigan ko nga po pala si xanxan. Xanxan si manong jud" Pakilala ko sa kanya

Ngumiti naman si xanxan saka nag sabing  "Hello po Manong" napangiti naman si manong jud

"Magandang hapon ijo.. anong flavor ng sayo kung ganoon? Alam ko na kasi ang kay tantan Favorite nyan Cookies and Cream ano naman ang sayo?" Tanong nya

"Strawberry po ang favorite ko manong jud" Sabi nya saka tipid na ngumiti

"Okay isang C.A.C saka STAW" Sabi ni manong jud na syang ikinatawa namin ni xanxan

Ka agad din naman natapos si manong jud at binigay ang mga ice cream namin saki ko binayaran.

Naupo kami sa swing na mag katabi. Tahimik kaming kumain ng ice cream  hanggang sa maubos namin.

"Tantan salamat sa pag libre ng ice cream sakin saka salamat din kasi ikaw ang nakakita kay princess" aniya nya at ngumit

"Wala yun xanxan." Sabi ko at ngumiti din

"Princess say goodbye to tantan" kausap ni xanxan kay whitey na syang ikinatawa ko

"Meow.. meow.." sabi nya at dinilaan nya ko.. ang cute talaga ni whitey

"Sige na tantan baka hinahanap nako sa bahay. Tapos pagabi na din oh baka mapagalitan ka sa mommy mo.." sabi nya at ngumiti

"Sige babye na bukas nalang ulit xanxan babye" sabi ko at niyakap ko sya na syang ikinagulat nya pero niyakap nya pa din ako

Lumipas ang araw na ganon pa din nag kikita parin kami sa park ni xanxan lagi kaming nag lalaro at nag kukwentuhan. Saka sya na ang naglilibre sakin ng ice cream.

Pero isang araw hinintay ko si Xanxan sa park hanggang gabi pero walang dumating. Umuwi ako ng bahay na maga ang mata dahil sa pag iyak kasi di dumating si xanxan.

Pinuntahan ko sya kinabukasan sa bahay nila pero ang sumalubong sakin ay isang kasam bahay na si ate neneng

"Ate? Asan po si xanxan?" Tanong ko

"Nako tantan wala na sila sir xander dito kahapon pa sila umalis papuntang china dun na sya mag aaral hindi ko alam kung kailan sila uuwi." Daretsong sagot ni ate nebeng.

"Ahh sige po ate salamat po ahh... paki sabi po pinuntahan ko sya dito pag tumawag sa" Sabi ko at umuwi na

Umuwi ako sa bahay ng maga nanaman ang mata daretso sa kwarto at natulog na ako.

'Xanxan bat moko iniwan?'

Yun yung huling sabi ko bago ako nakatulog ng mahimbing..

Itutuloy...

Walk AwayWhere stories live. Discover now