24

41 2 0
                                    

Chapter 24: Reflect

We went back to van but the vibe, the atmosphere changed.

"Kelan kaya tayo magkakajowa?" tanong ni Esran

"Pag niligawan ka daw ni Melo" asar sa kanya ni Eleven

"Yieeeeeeee" sabay sabay naming asar sa kanya, maliban na lang kay Melo na nakangiti lang

"Maka-yie kayo! Dapat nga sila Kalirea at Marco yung inaasar niyo" sigaw ni Esran

"Hoy! Hindi kaya!" sigaw ko pabalik

"Maniwala ako sa inyong dalawa!" Sigaw ni Alystra

"Hala bakit samin napunta? Diba si Esran inaasar natin?" sabi ni Marco

"Dapat si Eleven at Alystra din eh!" sabi ni Melo

"Hoy! Bestfriend ko yan!" Sigaw ni Eleven

Oo, nagsisigawan na kami sa loob ng van.

"Eh bakit?! Kami nga ni Marco magbestfriend din eh!" Sigaw ko

"Oo nga!" sabat ni Marco

"Oo nga! Kami rin naman ni Melo, bestie ko yan tas inaasar niyo ko" sabi ni Esran

"Guys paano kaya kung in 20 years wala parin tayong jowa?" tanong ko

"Edi tatanda tayong dalaga at binata!" sabi ni Esran

"Hoy Melo papayag ka dun?" asar pa namin

We were just bickering with each other and joking with each other.

"Imagine niyo guys, in 50 years sinisigawan pa rin tayo ni Esran" sabi ni Alystra habang natatawa

"Oo, tas pag tatawagin niya si Kalirea, KALIREAAAA" sabi ni Eleven na ginagaya si Esran

"Hoy ang sama niyo sa akin!" Sigaw ni Esran

"Buti hindi nauubusan ng boses tong si Esran" sabi ni Marco

"Hindi talaga!" sabi naman ni Melo

Kinawawa namin si Esran at inasar siya.

Ang saya.

We stopped by a pasalubong shop and bought different kind of tarts and food to bring home.

"Hoy buko pie ko yan!" Sigaw ko kay Esran

"May pangalan mo ba ha?! May pangalan mo?"

Nagtawanan nalamang kami at hindi maalis sa mukha ang ngiti ko.

Bumalik kami sa van at dahil magtatanghali narin, napagdesisyonan naming maglunch kami sa isang japanese restaurant.

"Ramen lang sa akin" sabi ni Esran

"Ang payat payat mo na nga, ramen lang kakainin mo?" tanong ko

"Kanina ka pa ah!" Sigaw niya sa akin ng pabiro

Sorry, ang sarap asarin ni Esran eh.

Ramen ang inorder ni Marco at Esran. Chicken katsu naman ang inorder namin ni Alystra. Habang si Eleven naman ay chicken teriyaki at tonkatsu naman kay Melo.

Ang sarap ng kain namin at ang sarap sarap ng pagkain namin. Sobra...

Pagkatapos naming kumain, ayaw pa paawat sila Eleven at ayaw pa umuwi.

"Mall muna tayo" sabi ni Alystra

"Tara!" sabi naman nila Esran

Di ba napapagod tong mga to?!

Nagpunta nalang kami sa mall na malapit sa amin para makauwi kami agad.

Nagarcade kami, ang pinakamarami daw na ticket ang ililibre ni Eleven next time na lumabas kami.

Minsan lang manlibre yun, kaya naman di kami umatras.

By pair kami, si Marco at ako, si Esran at Melo at si Alystra at Eleven.

Takot kami kay Eleven at Alystra dahil madalas magarcade ang mga yan.

"Marco ikaw dun, ako dito" sabi ko at naghiwalay kami

Lumabas ang pagiging competitive ko at tinry na makarami ng ticket, but of course I also played games that I like and had fun.

At the end Esran and Melo won.

After nun, nagikot ikot lang kami at hinatid kami ni Melo pauwi, isa isa.

Sinalubong ako ni Talia sa gate at pinagbuksan ako.

"Hi ate! How's your vacation?" tanong niya

"It was alot of fun" sagot ko

"Actually, dad is here. He's waiting for you" sabi ni Talia

"Bakit raw?" tanong ko

"I don't know" sagot niya

Pumasok na ako binati ako ng mga maids namin, inilapag ko ang mga pasalubong ko sa kitchen.

"Mam, hinihintay po kayo ni Sir Kalix sa office niya sa taas" sabi ng isang katulong

"Okay, sige. Tell him that I'll be there. Aayusin ko lang yung mga gamit ko" sabi ko at nagpunta na sa aking kwarto. Inayos ko muna ang gamit ko at nagshower, bago nagpunta sa office ni dad.

Nakapambahay lang ako like every normal person would do in their house. Simpleng short at sando.

Nagpunta ako sa office ni dad, nakasalamin siya at may pinipirmahan ata.

Umupo ako sa harap niya at nilingon naman niya ako.

"Nandito ka na pala" sabi niya at tumango lang ako

"Nabalitaan kong sinasabi na sayo ni Marco ang offer ko sa kanya at sayo" sabi ni dad

"I will just repeat it to be formal" sabi niya

"Enroll in a med school. Be a doctor" sabi niya

"Why are you doing this? For what?" tanong ko

It may seems rude but I just want to be straightforward.

"Crystal's dad and I were talking last month. You know he was doctor before, and now he owns one. We have been talking about the perks and advantages of having a hospital, and I think its a good way to expand our business" sabi ni dad

"And once the construction is done, I want you to take over that place." sabi niya

Sabi na nga ba at tungkol na naman sa business to.

"Are you sure?" tanong ko sa kanya

"You are the only child that carries my surname now. You have to own something" sabi niya

"So what? Do you agree?" tanong niya

"I don't know dad, that's a big responsibility. Can I think first?" tanong ko

"I'll expect your response tomorrow" sagot niya

Bumalik ako sa kwarto ko na tila gulo gulo ang isipan.

Should I take it? Should I not?

I don't really want to, but to think about it...that's a good way to help too. I really like that idea but I'm not sure.

I feel so pressured. I don't know what to do.

Ayoko...pero gusto ko.

Di ako makatulog sa kakaisip at hindi ko alam ang gagawin ko.

Tinignan ko ang phone ko at nakitang nagmessage sa akin si Melo.

Telling me that, Alystra was found in her bed beside a bottle of pills and was taken to a hospital.

Natigilan ako at hindi ko alam ang gagawin ko.

That night, I didn't go to the hospital.

That night, I wasn't there for Alystra.

That night, instead of being there for her, I didn't.

I know why she did that.

And she has no right to do that.

Alystra, you're such a fool.

-//-

Just a warning, next chapter will be a bit, just a tiny bit triggering.

Where is XyreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon