25

46 2 0
                                    

Chapter 25: Act

Trigger warning... :)

Alystra's POV

Today was too much to handle.
Masaya naman ako, masaya ako na nakasama ko silang lima. Masaya ako...

Pero mas masaya kung nandito sila. Kung nandito siya.

Pinipigilan kong hindi umiyak tuwing naiimagine kong kasama namin siya. Naiimagine ko na nasa van din siya at nakikipagkulitan sa amin, naiimagine kong kumakain siya kasama namin.

Oo, siya nga. Si Brail.

Ilang years na pero ang sakit pa rin.

Ilang years na pero hindi ko parin kaya.

I miss him. I miss him so bad. I wish he was here, I wish I could still talk to him, to see him, to be with him.

Imagine if, he's alive.

Another one of my Imagine if's that would never happen.

After he died, I stopped hoping. I stopped my imagine if's. Dahil nagising ako sa katotohanan, na kahit anong gawin ko, wala na akong magagawa.

I couldn't bring him back fron the dead.

Oo, kaya kong mabuhay ng wala siya pero nawalan ng buhay at kukay ang buhay ko nang mawala siya.

It still hurts.

Kasi alam ko na marami pa siyang gustong gawin sa buhay. Kasi alam ko na kung buhay lang siya, masaya kami ngayon.

Nung college, tuwing pumapasok ako at nagaaral ako, naiisip ko siya.

Kasi kung buhay lang siya, nagaaral din siya nun. Tapos tuwing lunch, hihintayin siguro niya ako at sabay kaming kakain o di kaya kasabay namin sila Esran.

Ang hirap kasi...

Hindi ko kayang mabuhay, without feeling bad. Dahil hindi niya nararanasan ang dapat na naranasan niya.

Dahil yun sa akin eh.

Namatay siya ng dahil sa akin.

Looking at the window, looking at stars above.

Sorry, pero hindi ko na kaya tong kalungkutan na to. Sorry, I'm giving up.

Natawa ako bigla, naalala ko na naman sila...

Naalala ko nung iniwan ako ni Eleven nun sa zoo, para kay Alexane. Galit na galit ako sa kanya nun kasi nagawa niya akong iwan para lang makipaginuman sa babaeng yun. When Brail and Ocean found out, mas galit pa ata sila sa akin nun.

Naalala ko pa yung sinabi ko kay Brail nung gabing yun.

"I don't care! Sa mga oras na ganito, dapat nandito siya para sayo! Bakit ba hindi niya maintindihan yun?"

Tears formed in my eyes, I can't stop crying anymore. It was just like how it is, back then.

"Gusto kong magdisagree sayo but I can't dahil naiinis din ako. Pero ano bang magagawa ko Brail? Bestfriend lang niya ako, at higit na mas matimbang si Alexane para sa kanya. Sino ba naman kasi ang gagong maiistay sa side ko diba? Wala akong kwenta at di ko nga magawang icomfort yung sarili kong ina! Wala akong nagawa for kuya! Para kay Eleven, kaibigan lang ako."

"Lyst, oo kaibigan nga lang ang turing sayo ni Eleven at mas importante sa kanya si Alexane. Pero wag na wag mo sasabihin sa akin na wala kang kwenta, kasi nung mga araw na sobrang down ako, ikaw yung nandun para patawanin ako. Kaya kahit ano, gagawin ko para sayo."

Where is XyreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon