"Kalirea may sasabihin ako sayo..."
"Ano?"
"Mahal na mahal kita! Yieeeeee!"
Jusko akala ko naman kung ano.
"Esran asan ka ngayon?" tanong ko
"Papunta ako kay Melo, naiwan ko sa kanya yung headphones kong ngapakamahal" sagot ni Esran
"Ah tamang tama...nandito kami sa bahay nila ngayon" sabi ko at napatingin kay Melo
"Ah sige! Kita nalang tayo dyan!" sabi niya at binaba ang tawag
"Ano daw?" tanong ni Marco
"Papunta daw siya dito" sagot ko
"What?!" Sigaw ni Melo
"She said that she left her headphones" sabi ko
"My place is a mess! Help me clean" sabi niya at umalis para kumuha ng walis.
Tsk, parang kanina nung pumunta kami, hindi naman siya ganun makareact.
Di namin tinulungan si Melo dahil bisita kami at siya dapat ang maglinis nun. Bahay niya eh.
Nasa labas kami ni Marco dahil pinalabas kami ni Melo dahil nagwawalis siya.
"Kalirea" tawag sa akin ni Marco
"Oh?"
"Nasaan na yung picture kanina?" tanong niya
"Anong picture" tanong ko
"Yung picture na kinuha mo nung pinagnanasaan mo ko"
"Hoy! For the 2nd time, di kita pinag-nanasaan! Pang blackmail ko yun sayo" sabi ko
"Tsk, sa gwapo kong to? Pangbblackmail mo sa akin? Anong gagawin mo? Ipopost mo? Baka nga marami pang mainlove sa akin" sabi ni Marco
Nagkunwari akong nasusuka at inirapan si Marco.
"Ngapakafeelingero mo naman! Ikaw? Gwapo? Kelan pa? At san banda? Marco, libreng mangarap but dream realistically" sabi ko kay Marco
"Hoy! Alam mo bang ang daming nagkakacrush sa akin? Alam mo bang araw araw may nagcoconfess sa akin?" pagtanggol ni Marco sa sarili niya
"Hay nako Marco, eh bakit nung college parang wala naman akong nakikita?" tanong ko
"Shempre lagi kita kasama eh! Takot kaya sayo yung mga tao dun! Yun tuloy hanggang ngayon wala pa akong jowa" sagot niya
"Ako pa talaga sinisi mo?!"
Sasagot pa sana si Marco nang makita na namin sa gate si Esran.
"Es!" Sigaw ko at binuksan ang gate para sa kanya
"Bat nandyan kayo sa labas?" tanong niya sa amin
"Nagwawalis si Melo" sagot ni Marco
"Ay aba! Himala!" Sigaw ni Esran
Lumabas si Melo at sinenyasan kamo na pwede na kami pumasok.
Nung pumasok kami, ang linis linis na nga ng sala at ang buong lugar.
"Here is your headphones" sabi ni Melo at inabot ang headphones kay Esran
"Ay Esran, may tatanong nga pala ako" sabi ko kay Esran
"Ano yun?"
I went straight to the point and asked her right away.
"What happened when you and Xyrene went to the Laiya Beach?" tanong ko
BINABASA MO ANG
Where is Xyrene
Mistero / ThrillerWhat if your friend was suddenly gone without any hints or traces? What if the only way to find her is to reveal your deepest and darkest secret? A secret that could lead you to death. A secret that could kill. Would you still risk your life to find...