Writing the Title

1.9K 81 7
                                    

Writing the Title

Next topic! How to write the title. Eto, masasabi kong dapat catchy at intriguing. Wala namang sinusunod na kahit anong rules sa pagsusulat ng title. Pero ito ang ilang tips at ideas ko dahil isa rin akong reader. Masasabi ko kung catchy o hindi ang title ng isang kwento, article o kahit headline lang sa dyaryo.

1.       Must be catchy. Like what I’ve said, ang title dapat ay catchy. Dapat sa title mo palang, mapapa-“wow” na ang magbabasa. Kasi ‘yung title ang magsasabi kung tungkol saan ang kwento mo. Or should I say, sa title pa lang, makikita mo ang uniqueness ng kwento.

For example: The Twist of my Story

2.       Avoid writing titles with Girls vs. Boys. And things like that. ‘Wag mo namang i-spoon fed ang readers mo na kapag may salitang versus sa title e alam na nilang mag-aaway ang dalawang bida sa kwento mo. O kaya ‘yung mga title na Ms Hottie Chic vs. Mr Hot Heartthrob. Takte. ‘Yung mga ganyang title, nakakaumay. You know what? In titles like that, the title will tell the story itself. Like what I’ve said, don’t spoon fed your readers.

3.       Avoid writing titles with Girl meets Boy. Nakakaasar lang eh. Hindi naman sa sinasabi kong ‘wag ng gamitin ang ganyang style ng title, pero masyadong nang gamit ang ganyan. Sige nga, sino sa inyo ang magsasabing napakaganda to the higest level ng ganyang title? Tulad ng Mr Yabnag meets Ms Sungit, Bagoong meets Alamang at I meets You? Pero sige. Pagbibigyan ko na kayo. Pero ‘wag lang talaga maging descriptive ang title mo dahil dapat:

4.       Must be intriguing. Ito ‘yung sinasabi kong “dapat nakaka-curious” ang title mo para ituloy ng readers sa next page. Pwede ka ring gumamit ng acronyms para mas nakaka-intriga but in my mere opinion, a title should be a trail or the bridge to the plot of your story. ‘Yung title kasi ‘yung manghihigop sa isang reader para tumuloy at magbasa. A very descriptive title is also a no-no because like what I’ve said many times before, “avoid spoon-feeding”. Kaya dapat ang title very intriguing kasi sa umpisa pa lang, maku-curious ka na at mapapatanong sa sarili mo, kaya itutuloy mong basahin ang isang kwento para masagot ang tanong na inintriga ka sa umpisa pa lang.

For example: Twisty Hearts (Di ba? Ano namang kinalaman ng twisty heart sa kwento? O ano kayang meron sa puso at nagkakasabit-sabit yata kaya naging twisty?)

Things like that. A very intiguing title will lead you to read the whole story. Ang lahat ng nabuo mong tanong sa umpisa pa lang, sasagutin ng kwento habang nagbabasa ka.

5.       Not too short and not too long. Commonly 3-4 words ang minimin to maximun capacity ng isang title ng kwento. Pero sa panahon ngayon, maski one word ay sapat na para maging maganda ang title mo. So, I guess the length depends to the author. Halimbawa nalang ang mga librong naisulat na ni Bob Ong (sa hindi nakakakilala sa kanya, pwes, kilalanin mo). Sa mga titles palang ni Bob Ong, mapapa-nganga ka na dahil sobrang nakaka-intriga at napaka-catchy. Gaya na lamang ng ABNKKBSNPLAko?!, Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino at iba pa. Meron din namang mga kwentong kahit sobrang iiksi ng title ay maganda parin naman ang kinalabasan. Halimbawa, ang My Prince ni Alyloony o ang 23:11 ni Pilosopotasya na talaga nga namang sobrang ikli pero very intriguing. Ganun. Iyon ang ibig kong sabihin.

6.       Avoid ganster-related titles. Hindi ako against sa mga gangster-related stories o ano. Pero ayon sa nakikita ko bilang isang reader, masyado nang laganap ang populasyon ng mga kwentong may word na “gangster” sa title. Mukhang maangas kung hindi cliché pero kung common na common naman na, huwag nang gamitin… please. Mag-isip nalang ng mga title na mabangis paring pakinggan pero walang word na “gangster” sa title. Tulad nalang ng Talk Back and You’re Dead ni Alesana Marie at Fearless Queen ni Aila Monica. Gangster-related ang kwento, pero wala kang mababasang salitang “gangster” sa title.

I’m not saying that stories in-related to gangster are not that good but come to think of it:

For example: Intstead of having My Gangster Princess, why not Dauntless?

See? You just have to relate the words in the plot of the stoy. Just make sure na kahit wala ang salitang “gangster” sa title, malalaman parin ng reader na tungkol sa isang worth it na kwento ang mababasa niya.

7.       You can have inspirations from song lyrics or poems. Ganun ang mga gawain ng mga author na wala ng maisip na title (pero hindi naman lahat). Sa mga kanta kasi tayo nakakakuha ng mga ideya na gawaan ng kwento ang isang kanta. Weird pero cool. O kaya naman minsan, sa sobrang ganda ng title, makakagawa ka nalang isang kwentong hindi mo aakalaing bebenta sa mga readers dahil sa title.

But—please—avoid using too much song titles into a story title. Minsan kasi, nakakawala na ng originality iyon. At kahit ako man, bilang isang reader, hindi ako masyadong nagbabasa ng mga stories na ang title ay galing sa isang title ng kanta.

Sa tingin ko kasi masyadong lame and, duh, can’t you think of some other more unique titles? This is only my opinion. I’m not saying that song titles are not good as story titles. Pero kung wala ka na talagang maisip, then you can have it.

Sa pagpili ng title nakasalalay ang atensyon ng mga readers. Kung pangit ang title, pangit ang story (but not all). Oh c’mon! Let’s be true to ourselves, guys. Bilang isang Pilipino, ang pag-iisip natin ay nakatuon na sa unang bagay na makikita o mababasa natin dahil normal sa mga tao ang maging mapang-husga.

So… hahayaan mo bang mahusgahan ang kwento mo dahil lang sa title? Well, of course not.

Build a title that can get a reader’s attention so they can feel th “urge” to read the whole story.

Guhit sa Papel (Writing Tips and Advice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon