Having the Characters

1.4K 52 13
                                    

Having the Characters

 

Characters. Syempre, sila ang magiging bida, kontrabida at supporting agents sa istorya mo. Kung wala sila, wala kang kwentang writer. Kung gaano mo kamahal ang sarili mo, ganun mo rin mahalin ang mga characters mo dahil kahit characters lang sila at sa fiction lang mababasa, may buhay sila at ikaw ang nagbigay nun sa kanila.

Naming Characters

1.       Name your characters with an existing name. Ang ibig kong sabihin, existing names—‘yung mga pangalang kapani-paniwala at nage-exist sa mundong ibabaw. Huwag naman ‘yung mga uncommon names katulad ng Robitussin, Wertoning, Amandilicious at Juyinkon. Utang na loob, huwag mong pagbuhu-buhulin ang dila ng mga readers mo para lang sa napili mong pangalan ng characters.

2.       Use uncommon common names. Gumamit ka ng mga pangalang common na pero hindi mabantot. And please, ‘wag naman ‘yung mga pangalang Pedro, Juan, Kikay at Julita. Tandaan mo, nasa modernong panahon ka na at tigil-tigilan mo ang ganyang kalokohan. Well, except for writing a story from the past or having a plot na sa sinaunang panahon pa tinake. Tandaan, ang mga ganyang pangalan ay nararapat lamang sa mga Filipino Literature Books na kadalasang ginagamit pantukoy sa mga Pilipino. Pwede rin naman silang gamitin lalo na kung gussto mong magpatawa at nasa humor genre ka.

Like for example: James. Sobrang common, pero hindi mabantot pakinggan.

Ella. Napaka-popular, pero may dating at classy pakinggan.

3.       Be inspired by your surroundings. Pwedeng-pwede kang ma-inspire sa mga bagay na makikita mo sa paligid mo. Like for expample, kumakain ka ng mansanas, pwede mo sigurong pangalanan ang isa sa mga character mo ng Apple at i-match mo sa personality niya na mahilig kumain ng apple. O kaya nagbalat ka ng kendi pero nahulog ito bago mo pa makain, why not name a character Maxx, Fres or Sugus? Or why not Winter, Summer and Autumn?

4.       Be unique. Huwag ka ng gumamit ng mga pangalang nanggaling pa sa World War II. Instead, be unique and have an open mind in choosing your characters’ names. Pwede rin namang galing sa mga kamag-anak mo ang ipapangalan mo sa tauhan mo. Just don’t use the infamous Anna, Betty and Elsa more often. Pwede rin suguro ‘yung mga ganung names, pero I suggest for nicknames purposes nalang at mas unique parin ang pangalan.

Tandaan: Make your characters’ names remarkable. Dapat kahit tapos na nilang basahin ang kwento, maiiwan sa mga isip nila ang pangalan ng bida.  Minsan kasi, sa sobrang common ng mga pangalan nila like Jenny, Mel, Mich, Chacha and bla bla, makakalimutan sila ng mga readers. Trust me with this, alam na alam ko ito dahil madalas na nangyayari sa akin ito.

For example: Light Cassiopeia Valle, Dark Andromeda Valle of Fearless Queen by Aila Monica. Sobrang unique ng names nila. Mapapa-nganga ka nalang dahil sa kakaibang pangalan ng characters niya.

5.       Easy to pronounced names. Kung ikaw mismo nabubulol na sa mga pangalan ng characters mo, palitan mo na. Ang mga tauhan mo ang maiiwan sa utak ng mga readers mo. At syempre,  bilang isang considerate author, huwag mo naman hayaang mahirapan sila sa pangalan ni bida. Be unique but have an easy to pronounced name. Sila kasi ang tatatak sa utak ng readers.

6.       Must be related to character’s personality. Jusko naman. Huwag kang magpangalan ng character na Maria Clara ang pag-uugali na tipong sarili lang ang kinakausap tapos bibigyan mo ng name na Stacey. Pero kung bitch, maldita, intrimitida, whore, mang-aagaw, malandi at putang ina ‘yang tauhan mo, ‘wag mo siyang pangalanan ng Clarisse, Maria, Angela at kung anu-ano pang pangalan na tunog anghel at santo. Ibase mo rin sa pagkatao ng characters mo ang pangalang ibibigay mo sa kanila. At siguraduhin mong kahit anong ugali pa meron sila, babagay parin ang pangalan sa pagkatao at ugali nila.

Like for example: Star Yumi Brillantes,  of Supernova written by me. Star, because I believed I’ve given my character a personality to shine.

7.       Must be related to the story genre. Kung action at gangster-related ang drama ng genre mo, aba’y karapat-dapat silang bigyan ng swabe at mababangis na pangalan. ‘Yung tipong names na sa unang basa mo palang, alam mong nakakatakot na ang aurang bumabalot sa kanya at mapapatayo ang lahat ng balahibo mo sa kaastigan. Ganun. Pero kung romance naman, mag-isip ka ng pangalan na tunog gwapo. Halimbawa, Chad. Unang basa palang, alam mong mayaman at gwapo na. Swak na swak sa genre. Like for humor, pick a name that suits every scene and personality of the character.

Like for example: Pipay, Mimay ng Diary ng Hindi Malandi (Slight Lang!) ni Owwsic.

8.       You can arrange the 26 English alphabet letters and create your own character name. Ito ang pinaka-effective sa lahat ng paraan sa pamimili ng character names. Ito ang kadalasan at lagi kong ginagawa sa mga tauhan ko. Pero minsan naman, may mga author na hirap na hirap problemahin ang characters nila. I suggest mas gaganda kung ganito ang gagawin niyo. Makasisiguro kang walang kapareha ang pangalan ng mga characters sa story mo. Unique.

Ayoko ko kasi ng sobrang common na pangalan na kapag binasa mo ang buong kwento, makakalimutan mo kaagad ang characters. Mas maganda kung gagamit ka ng mga exotic letters tulad ng V, Q, U, O, X, Y, Z at pagbubuhu-buhulin mo ang mga letters hanggang sa makabuo ka ng isang katanggap-tanggap at may kagandahang pangalan ng tauhan.

Iyan lang sang masa-suggest ko tungkol sa pagpapangalan ng characters. Pero ang masasabi ko lang talaga, names your characters accordingly and properly.

Guhit sa Papel (Writing Tips and Advice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon